All-Filipina rock band General Luna to launch second album; drummer Bea is "okay" after breakup with Sid Lucero

IMAGE Gorgy Rula

Members of the all-Filipina rock band General Luna are (from left): Bea Lao, Caren Mangaran, Nicole Asensio, Audry Dionisio and Alex Montemayor. Bea and Sid Lucero were an item before their breakup; Nicole has been linked to Dennis Trillo.


Nakatakdang i-launch ng General Luna ang second album nilang Different Corners.

Ang all-Filipina rock band ang bagong endorser ng Flawless. Sila ang magpu-promote ng Fractional Needling Therapy na tinawag nilang Frac 'N' Roll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Limang magagandang babae ang miyembro ng General Luna. Sila ay sina: Bea Lao, Caren Mangaran, Nicole Asensio, Audry Dionisio and Alex Montemayor.
Naintriga na nuon ang kanilang vocalist na si Nicole kay Dennis Trillo.
Paliwanag ni Nicole, “I met him once. But it's funny because it was actually me and Bea [Lao] who were linked to Dennis.
“Pero parang weird kasi, hindi ko siya kilala. I met him once because si Gian Magdangal was a friend of Dennis.
“Gian is my cousin and close kami ni Sheree. So, na-introduce kami ni Dennis but that's it.”
Dapat ay meron nga raw silang gig na ka-duet si Dennis pero hindi naman ito natuloy.
SID SAYS IT'S PAINFUL. Samantala, ang drummer naman ng naturang banda na si Bea ang napabalitang girlfriend ni Sid Lucero, pero nag-break din daw ito pagkatapos ng mahigit na isang taong relasyon nila.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sid nuong nakaraang linggo sa story conference ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-iisa, at inamin nitong hindi gaanong maganda ang paghihiwalay nila ni Bea.
“It was medyo mahaba yung proseso nung paghihiwalay namin,” simulang kuwento ni Sid.
“In fact, because I was going through my personal stuff, and then nangyayari—nagkaroon ng rift kaming dalawa.
“And then we had our talk. We went out. We talked over dinner and in the house. It was painful for the both of us,” patuloy na pahayag ng aktor.
Sinubukan naman daw nilang mapanatili ang pagkakaibigan kahit tapos na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.
“In every breakup naman, it's not easy para ma-maintain ang friendship, e.
“But I really believe that one of these days, sana in the near future, we can be friends again.
“Medyo mahirap naman na hindi kami magkaibigan kasi yun yung circle na iniikutan namin sa music industry and it's very small,” sabi pa ni Sid.
BEA SAYS 'WE'RE OK.' Pero nang nakausap ng PEP si Bea kahapon, sinabi nitong inaayos na nila ni Sid ang posibleng pagbabalikan.
“We're okay. We're more than okay actually. Okay naman lahat,” tipid na pahayag ni Bea.
Sinundan namin ng tanong kung okay ba sila as friends o mauuwi ito sa pagbabalikan.
“Basta okay kami. Yung friendship naman kasi, never mawawala so nandun talaga yun,” pakli nito.
“We're working it out. Nandun talaga. May malaking possibility,” dagdag pa niya.
“Walang other way na pupuntahan kundi maayos siya. Yun yung nakita namin.
“Kailangan lang bigyan ng time. So yung time na yun for ourselves.
"Parang gagawa kami ng things, pero separately. Pero ngayon ano lang okay na lahat,” patuloy niyang pahayag.
ON HEART. Kinantiyawan pa ito ng mga kamiyembro na naka-smile na raw ngayon si Bea.
Nagkausap daw sila nang masinsinan ni Sid at aware naman daw siya sa pagkaka-link ng aktor kay Heart Evangelista.
“Napag-usapan naman namin. Friends lang sila talaga,” sagot nito, at nilinaw niyang hindi siya nagseselos sa pagkaka-link ni Sid kay Heart dahil magkasama nga sila sa Legacy.
“Kasi trabaho niya yun, e. Before kami nagkakilala yun ang ginagawa niya buong buhay niya. So naiintindihan ko,” pahayag pa ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN