Zoren Legaspi avoids issue between partner Carmina Villarroel and co-host Dolly Anne Carvajal

IMAGE Noel Orsal

Zoren Legaspi on why he refuses to say his real age: "Kasi minsan 'pag nagbibilang ka ng edad, parang you feel na... especially pag may goal na like dapat at the age of 30, dapat meron na akong house and lot. 'Tapos, 'pag hindi nangyayari, you're a failure. 'Pag minsan, 'pag tingin mo sa salamin, parang hindi na ako mukhang 30, parang mukha na akong 35, a! So, ako, nagbi-base lang sa mirror. Never na akong nagbi-base [sa age]... kinalimutan ko na yun."


Noong January 30 ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Zoren Legaspi, pero ayaw niyang sabihin kung ilang taon na siya sa kasalukuyan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Zoren matapos ang live airing ng Paparazzi sa TV5 noong Linggo, February 5, tumanggi itong sabihin ang kanyang edad.

"Hindi naman talaga ako nagbibilang," rason ni Zoren.

Nang mapansin niyang hindi kami kumbinsido sa paliwanag niya ay agad siyang nagpaliwanag.

"Hindi. Teka, bakit kamo? Mas gusto kong tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Kasi minsan 'pag nagbibilang ka ng edad, parang you feel na... especially pag may goal na like dapat at the age of 30, dapat meron na akong house and lot. 'Tapos, 'pag hindi nangyayari, you're a failure.

"'Pag minsan, 'pag tingin mo sa salamin, parang hindi na ako mukhang 30, parang mukha na akong 35, a!

"So, ako, nagbi-base lang sa mirror. Never na akong nagbi-base [sa age]... kinalimutan ko na yun."

Paano yung dami ng kandilang ilalagay sa kanyang cake?

"Hindi ko sinasabi, bahala na sila dun manghula," sagot niya.

May takot ba siya sa pagtanda kaya ayaw niya maalala ang kanyang tunay na edad?

"A, wala," mabilis niyang sagot.

"Takot akong mag-age nang with injuries, mag-age nang may sakit.

"Kaya I'm really careful with my health.

"Kaya talagang natutulog ako pag kailangang matulog.

"Kakain ako ng dapat kaining mga pagkain, ganun."

Hindi ba't lahat naman ay dumarating sa puntong tumatanda na may sakit o may karamdaman?

"Yeah, pero meron kasing mga tumatanda na by the age of 60 or 70, wala pang masyadong sakit.

"Good example niyan ay si Eddie Garcia. Si Fredie Webb, nakita mo ba yung katawan niya?

"Yun ang mga peg ko."

Ayon sa impormasyong nakuha ng PEP sa Internet, ipinanganak si Zoren noong January 30, 1972.

Kaya lumalabas na 40 years na ang actor-TV host-director.

NO BIRTHDAY PARTY. Wala raw selebrasyong naganap sa mismong araw ng kanyang kaarawan, ayon kay Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman. Hindi na ako nag-celebrate.

"Kasi wala namang dapat i-celebrate na.

"Sa dami naman ng mga blessing na natatanggap namin, no need for celebration. Kasi parang it's too much."

Mula nang pumasok sa showbiz si Zoren, tila hindi pa siya nagbibigay ng party para i-celebrate ang kanyang kaarawan.

"Wala talaga. Kasi ayoko ngang binabati ako ng happy birthday.

"Kasi bati lang, wala namang regalo!" biro niya.

Kung meron mang listahan ng mga kuripot na artista sa showbiz, siguradong nakasulat dito ang pangalan ni Zoren.

"Hindi. Hindi ako kuripot. Bihira lang ninyo akong makita," pagrarason niya.

Biro pa ni Zoren, "Physically, hindi nga ako kuripot, lagi ko kayong niyayakap, nagpapa-tsansing ako sa inyo.

"Pero ako, alam ko kung hanggang saan lang."

Ano ba ang gusto niyang matanggap na regalo?

"Wala talaga.

"Ang gusto ko lang sana, magawa ko na yung mga gusto kong gawin.

"Pero I feel like I have so much time. Yung mga naka-prepare sa akin na movies na ididirek ko, ipu-produce ko."

DIRECTORIAL DEBUT. Nakiusap si Zoren na huwag munang banggitin ang mga pangalan ng mga artistang magbibida sa kanyang unang pelikulang ididirehe at ipoprodyus—ang Huling Sayaw Ni Salome.

Last year ay very vocal si Zoren sa pagsasabing sina Michelle Madrigal at JC de Vera ang magbibida sa kanyang first movie project, pero ngayon ay parang hindi pa final ang casting.

Saad pa niya, "Wala lang. Para lang ano... ibig kong sabihin, marami akong gustong gawin behind the camera.

"Yun ang gusto ko munang mag-concentrate.

"Pero pag nandun ako sa bahay, parang nagpu-full ako ng concentration dun sa pag-aalaga nung kambal."

Ang tinutukoy ni Zoren ay ang mga anak nila ni Carmina Villarroel na sina Cassandra at Maverick.

"Nandiyan lang naman 'yan e.

"A good idea is a good idea. Nandiyan siya.

"Nasa akin na ang mga rights nun, e, hindi naman mawawala yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balitang nagkakaproblema siya sa budget kaya hindi niya maumpisahan ang kanyang pelikula.

Pero paglilinaw ni Zoren, "Hindi. Ang budget... well, yeah.

"Kasi lumaki nang lumaki yung istorya hanggang sa yung pelikula hindi na kasya sa indie budget na tinatawag.

"Yun ang naging problema.

"Sa laki ng script, kailangang dalawang production ang kailangan magsama para mai-produce yung pelikula.

"This year sana gusto kong makagawa kahit isa."

Kung walang kasiguraduhan na makakapagdirek siya ng una niyang pelikula, ano naman ang tsansang bumalik siya uli sa pagdidirehe sa telebisyon gaya ng ginawa niya sa GMA-7?

"Meron naman, kaso mahirap talaga sa TV.

"Kukunin talaga yung oras mo at saka yung mga sustansiya mo sa katawan na pag-uwi mo, lanta ka na sa sobrang hirap na magdirek sa TV.

"Kasi ganun talaga kahirap ang labanan sa telebisyon.

"Hindi naman sa ayaw. It's just that, mabilis talaga ang pagkahina ng katawan mo dun, e. Masyadong naa-abuse.

"So, ngayon, maganda naman ang offer sa akin as an actor sa TV, dun muna ako nagku-concentrate.

"Pero sinabi ko naman, basta may opportunity na directing, okey rin naman ako."

CARMINA'S MOVE. Muling natanong ang tungkol sa pagnanais ni Zoren noon na makasama si Carmina sa TV5, pero sa ABS-CBN ito pumirma ng kontrata.

Totoo bang na-frustrate si Zoren dahil hindi nasunod ang gusto niyang samahan siya ni Carmina sa TV5?

"Uhm, hindi. Kasi dumating sa panahon na medyo nararamdaman ko na may pressure siyang nararamdaman.

"Kasi tatlo yung offers sa kanya.

"Sabi ko sa kanya, 'Yun na lang ang gawin mo, piliin mo na lang kung sino ang mataas ang offer.'

"Imbes na natuwa siya, nagalit! 'Hindi 'yan tungkol sa pera!'

"E, di sabi ko sa kanya, 'Kung saan ka maligaya at kung saan talaga ang puso mo, okey naman. Hindi naman tayo naghihirap. So, sundan mo na lang kung saan ang puso mo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ZOREN VS. CARMINA. Samantala, simula sa Sabado, February 11, ala-una ng hapon, ay lilipat ng timeslot ang Paparazzi, ang showbiz talk show na kinabibilangan ni Zoren, mula sa Sunday timeslot nito na 1:30 p.m.

Sabado rin ang airing ng showbiz talk show na hinu-host naman ni Carmina sa ABS-CBN, kasama sina Joey Marquez at Janice de Belen—ang Showbiz Inside Report.

May nagsasabing mali ang naging desisyon ni Carmina na piliin ang Kapamilya network dahil maglalaban pa sila ni Zoren. Pareho raw kasing showbiz talk show ang format ng kanilang mga programa.

Ano ang masasabi ni Zoren dito?

"Well, yung showbiz talk show naman niya, isa lang yun sa mga shows ni Carmina.

"Ang malalaki talagang show niya ay yung mga soaps na gagawin niya," paliwanag niya.

Hindi man direktang magkatapat, pero may kumpetisyon pa rin kina Zoren at Carmina ang pagkakaroon ng parehong format ng show.

Sabi ni Zoren tungkol dito, "Uhm, okey lang. I think it's a good fight.

"May aabangan ang mga audience na yung mag-asawa magkaaway ng oras.

"Sa akin, okey lang."

Sa VTR message ni Carmina para sa birthday celebration ni Zoren sa Paparazzi noong Linggo, isiniwalat ng actress-TV host na pini-pick up daw ni Zoren ang mga nasasagap nitong balita mula sa kanya at bina-blind item sa sarili niyang show.

Kuwento naman ni Zoren, "Noong una, nung bago pa ako.

"Nung nalaman niya, ayaw na niyang magbigay sa akin ng information.

"Pero dun na ako nakakilala ng mga taxi driver. Dun na ako nakakilala ng make-up artists.

"Nagtatanong na ako sa kanila."

CARMINA VS. DOLLY ANNE. Kapansin-pansin ang hindi pagsipot ng co-host ni Zoren na si Dolly Anne Carvajal sa Paparazzi noong Linggo.

Kaya tinanong namin si Zoren kung totoo ang kumalat na balitang ni-request daw niyang huwag munang pasiputin si Dolly Anne sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kaugnayan ito sa isyu sa pagitan nina Dolly Anne at Carmina.

Isinulat kasi ni Dolly Anne sa column niya sa isang broadsheet ang tungkol sa diumano'y pagwu-walkout ni Carmina sa isang commercial shoot nila ni Claudine Barretto dahil sa hindi raw nito matagalang demands ng huli.

(CLICK HERE to read related story.)

"Ha? Hindi. Bakit? Ano ba 'yan?" pailing-iling na sabi ni Zoren.

"Mag-uusap muna kami ni Dolly," dagdag pa niya.

Ano ba ang reaksyon niya rito?

"Miscommunication malamang 'yan... oo," matipid na sagot ni Zoren.

Halata sa mukha ni Zoren ang pag-aalinlangan na sagutin ang mga tanong tungkol sa isyu.

Kaya naman sinabi naming parang hindi siya ang kausap namin dahil kahit anong itanong sa kanya ng press ay may nakahanda siyang opinyon o reaksiyon. Pero sa pagkakataong ito, tila hirap siyang magsalita.

Paliwanag naman ni Zoren, "Hindi. Kasi hindi ko alam 'yan, e.

"Hindi ko talaga nabasa yung write-up. Hindi ko nabasa.

"Hindi ako masyadong aware, kaya ayokong magsalita."

Hindi rin daw nila ito pinag-uusapan ni Carmina.

Kung anu-anong iwas ang idinahilan ni Zoren para hindi na siya kulitin ng press, gaya ng gustung-gusto na raw niyang pumunta ng restroom.

Bakit ba ayaw niyang pag-usapan ang isyu?

"Kasi hindi ko alam yung article," sagot niya.

May iniingatan bang kontrata si Carmina sa sinasabing milk product na ini-endorse niya?

"Ay, wala naman. Kasi hindi naman na sila endorser na yun, two years ago. Pa-expire na yun e," sabi ni Zoren.

Pagkatapos ay nagkunwari si Zoren na sumasakit na ang kanyang tiyan at gusto na niyang pumunta ng restroom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN