Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."

IMAGE Melo Balingit / Sany Chua

Talent manager Shirley Kuan (main photo) hosted an intimate press conference last night, February 8, to refute the claims of columnist Dolly Anne Carvajal (inset) in her article titled "Carmina walks out on ad shoot with Claudine."

The latter is a talent of Shirley.


Humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang talent manager na si Shirley Kuan kagabi, February 8.

Si Shirley ang tumatayong talent manager ng aktres na si Claudine Barretto.

Si Claudine at ang actress-TV host na si Carmina Villarroel ang naging topic sa artikulong isinulat ng kolumnistang si Dolly Anne Carvajal sa Philippine Daily Inquirer noong January 29, 2012.

Ayon kay Dolly Anne, nag-walk out diumano si Carmina sa commercial shoot na ginawa nila ni Claudine para sa isang milk product. Ito ay matapos daw mapuno si Carmina sa demands ni Claudine.

Sa naunang panayam kay Carmina, mariing pinabulaanan nito ang isinulat ni Dolly Anne. Wala raw insidenteng ganun na naganap.

(CLICK HERE to read related story.)

Maging ang ad agency na humawak ng TV commercial ng produktong in-endorse nina Claudine at Carmina ay pinabulaanan ding may ganung pangyayari.

Hiniling pa nilang itama ni Dolly Anne ang "misinformation" na isinulat nito sa kanyang artikulo.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero sa parte naman ni Dolly Anne, naninindigan siya sa kanyang isinulat.

Ayon sa columnist-showbiz talk show host, "That's their prerogative. Of course they have to do damage control and protect their endorsers."

(CLICK HERE to read related story.)

CHECK YOUR FACTS. Present daw si Shirley Kuan sa pinag-uusapang commercial shoot nina Claudine at Carmina.

Sa pagkakatanda ni Shirley ay nangyari ang TVC shoot na iyon mga tatlong taon na ang nakalilipas.

Pero, ayon kay Shirley, hindi pa raw niya talent noon si Claudine.

Naroroon siya dahil "kliyente" niya ang ad agency na humawak ng TVC ng milk product.

Sa presscon kagabi na ginanap sa Taste of L.A. sa Tomas Morato, Quezon City, itinanggi rin ni Shirley na may insidenteng naganap sa pagitan nina Claudine at Carmina habang kinukunan ang nasabing commercial shoot.

Simula niya, "What prompted me to call this presscon is because of the column that Dolly Anne wrote which is totally untrue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What we're trying to do is to correct her.

"Like Carmina denied it, that something like that ever happened, that she has never walked out in her entire showbiz life.

"That was a correction because Dolly Anne, in her Facebook, apparently said she stands with the story because her source is the agency.

"So, the agency reacted by writing her a formal letter correcting her again and giving her the facts of what happened.

"Well, let me tell you, unlike Dolly Anne, I checked our facts.

"All of us have checked our facts before we even open our mouth."


CORRECTION. Diin pa ng talent manager, "The last time Claudine and Carmina were together in a TV endorsement shoot was three years ago.

"So, why create a story or a scene that has happened three years ago and concoct such a story after three years?

"Which is, you know, you're all my friends... I understand, sometimes nakukuryente tayo sa mga impormasyon.

"Normal yun sa trabaho natin, di ba?

"Ang ano lang, to correct. Ang problema, bawal pala siyang [Dolly Anne] i-correct.

"Nang padalhan siya ng letter ng ad agency, e, bawal.

"Ang ginawa pa, very sarcastic pa ang sinulat niya.

"Yung next issue niya, na kung baseless pala ang story, 'Bakit pa kayo kumikibo? You just have it slide...' or something like that.

"Bawal pala kaming mag-correct.

"Yung mga kasinungalingan, sige na lang, hayaan na lang.

"I don't know. But I have so many friends in the business, yung mga press, they don't behave that way.

"So, left with no recourse, because it was a very negative article for Claudine, and also that Carmina walked out which is also... so very good.

THE CLIENT. "And also, the product involved was my client. I would like to protect my client as well as the artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung kliyente, sobra, sobra silang magmahal sa kanilang endorser even up to now.

"Iba na ang endorser nila but they are so decent, sobra ang asikaso na ginawa nila sa mga artista at sa amin na mga managers.

"'Tapos ganito ang mangyayari?

"Of course, they said huwag na silang i-mention for today, ayaw na nila.

"Pero ang sa akin, dapat sabihin ang totoo.

"Well, anyway, she [Dolly Anne] refuses to tell the truth and was accusing us... telling us, 'Go ahead and milk the issue for all its worth!'

"She wrote three articles. Tatlong beses niyang sinulat.

"Ako, personally, this is my first time."

CREDIBILITY. Sa pagkakakilala ng entertainment press kay Shirley Kuan, hindi ito ang tipo ng manager na agad-agad nagpapa-interview.

Pero sa pagkakataong ito, siya pa ang nagpatawag ng presscon dahil daw sa paniniwala niyang ang mali ay dapat itama, personal siyang nagsalita para itama ang umano'y maling nasulat.

May plano ba silang gawing hakbang kaugnay ng isinulat ni Dolly Anne?

Sagot ni Shirley, "Sa akin, to tell the truth, let the public see for themselves who got more credibility in terms of this story.

"To this date, wala naman sigurong dapat idemanda.

"Tama na, busy na ang korte natin ngayon."

Ano ang inaasahan niyang mangyari ngayon pagkatapos niyang magsalita?

"Sa akin lang, to make a point. Na hindi porke you're writing a column in a reputable broadsheet, e, kailangan paniwalaan ka.

"Kasi ngayon that I'm airing our side na hindi totoo yun, matalino na ang Filipino.

"Nag-iisip ang mambabasa natin. Hindi porke at sinulat n'yo, maniniwala. That's such a disservice to your readers.

"I'm not here to pick up a fight. I'm just here to air my side.

"But I'm not the type who will back out from a fight either if there would be one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, you know... very sarcastic ang article niya. Kinorek na nga siya, sarcastic pa.

"Ang sabi pa niya, to the Lactum people, 'I'm lactose-intolerant. You can milk this for all its worth.'

"Well, Dolly Anne, we surely understand you're lactose-intolerant because, obviously, milk does not mix well with alcohol," pasaring ni Shirley sa kolumnista at showbiz talk show host.

MALICE. Ayon pa kay Shirley, nang lumabas ang naturang artikulo ni Dolly Anne ay nag-react na raw agad si Carmina na hindi yun totoo.

Puwedeng tapos na raw sana noong araw rin na yun na nagkataong may press conference si Carmina.

"Sana, sana, di ba?

"Ako naman, kasama niya [Dolly Anne] si Zoren."

Ang tinutukoy ni Shirley ay ang co-host ni Dolly Anne sa Paparazzi na si Zoren Legaspi, na partner ni Carmina.

"Nandiyan si Carmina, she knows the number. Kapag may mga gusto siyang tanungin, she easily calls Carmina.

"'Eto may story, headline. Akala mo nangyari lang last week.

"The way she presented the story was parang last year lang nangyari."

Sa tingin ba ni Shirley ay may "malice" sa pagkakasulat ng naturang artikulo ni Dolly Anne?

"Of course there's malice," mabilis niyang tugon.

"Do you think there's absence of malice? Can I ask you?

"Of course there was malice.

"Because if you are... if you have no malice at all, dapat katiting na tawag lang, e. Pick up your phone and check."

Magkaibigan ba silang dalawa ni Dolly Anne?

"Hindi. Pero hindi rin naman kami magkaaway. But we're not the best of friends. I don't even know her number," sagot ni Shirley.

CLAUDINE IS STILL CLUELESS. Ayon kay Shirley, wala pa raw sigurong ideya ang alaga niyang si Claudine na may ganito palang isyu sa kanya.

Kung meron man, baka dinededma na lang daw nito para siguro hindi ma-spoil ang bakasyon nila ng asawang si Raymart Santiago sa Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They are enjoying their trip.

"Kung meron man, dinededma niya siguro kasi hindi siya tumatawag sa akin. Hindi niya ako tine-text.

"That's good. Which means, she's not affected by it.

"So, you know, nandito lang naman ako, correcting it."

Sabi pa niya sa kaharap na media: "Ang sa akin, you know me for all these years.

"If you have a story, do I ever stop you from writing a story? Never.

"I respect your craft. I respect your work. I never, never...

"The most, when you call me and there's a story, the most, I request, 'Please check your facts.' Mabigat ba yun?

"And number two, i-air n'yo naman ang side namin.

"So, kung tumawag lang siya [Dolly Anne] at tsinek, I will not stop her from writing the story she wrote.

"Pero dapat, sulatin niya na yun pala, the last time that Carmina and Claudine were in a commercial was three years ago.

"So, she will not be insulting the intelligence of her readers, di ba? There's no malice."

Dagdag pa niya, "And then, ina-accuse pa niya sa article niya na yung ad agency, nag-react agad without mentioning them.

"Hindi muna raw tsinek kung merong ginagawa sina Claudine and Carmina.

"Unlike her, they checked."

For the record, meron bang bagong commercial na pinagsasamahan ngayon sina Carmina at Claudine?

"Wala!" bulalas ni Shirley.

DAMAGE CONTROL. May nagpaalala kay Shirley na sa artikulong isinulat ni Dolly Anne, sinabi nito na hindi naman siya nag-mention ng produkto, pero nag-react daw ang ad agency.

Sagot naman ng talent manager dito, "Well, the letter was not even a public letter, it was addressed to her.

"Siya ang nag-mention ng product, hindi kami.

"And then she mentioned na parang pinapalabas niya, damage control daw 'to.

"Walang damage control.

"So, sa amin is just to correct.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She insisted she knows what she's writing and she didn't write anything damaging to the product and to the artist.

"And then she said we're doing damage control.

"So, parang inaamin niya na damaging ang sinulat niya.

"Samantalang hindi naman damage control ang ginagawa namin, correction lang.

"Because, you know, Carmina and Claudine, they've been through hell and back but they are still there.

"This article she wrote could not damage them. Let me tell you that.

"There's nothing to control. No damage. Nothing.

"There's just the untruth which I don't like.

"Kasi ano, e, she's writing it with so much levity, di ba?

"She just went ahead and wrote the story with impunity."

Sabi pa ni Shirley, "Ang walkout cannot be denied. Ang dami kayang crew riyan and staff.

"Ang walkout is incontrovertible because it's provable.

"Hindi naman namin gustong palakihin.

"Ang ad agency already wrote her and corrected her kaso ayaw niya ngang mag-correct. I'm telling you, di ba?

"Then, I realized she's not big enough to accept her mistake.

"Well, grow up."

Iginiit pa ni Shirley na naniniwala siya na ang mali ay dapat itinatama.

"A lie that goes uncorrected soon becomes the truth. So, I cannot let that go," sabi niya.

Would she ask Dolly Anne to retract what she wrote?

"Well, I'm not here to ask Dolly Anne to retract.

"She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie.

"I have my truth to tell. Let the public be the judge."

Samantala, bukas ang PEP sa panig ni Dolly Anne Carvajal kaugnay ng mga naging pahayag ni Shirley Kuan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN