Alice Dixson contemplates adopting a child

IMAGE Noel Orsal

Alice Dixson on the possibility of adopting a baby: "Maybe, darating din iyon, but not right now. Alam mo, nagpahula ako the other day, sabi ng manghuhula ay may darating sa aking grasya—baby girl ang sabi niya at aampunin ko raw 'yon. This year 'yon, so tingnan natin before the end of the year."


Posibleng mag-ampon ng isang baby girl si Alice Dixson ngayong taon.

Ito ang inihayag ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, Pebrero 15, sa launching ng mga bagong shows ng TV5 na ginanap sa NBC Tent sa Fort Bonifacio Global City, Taguig City.

Nang usisain ng PEP kung bakit wala pa silang anak ng mister niyang si Ronnie Miranda, nakangiti pero kiming sumagot ang aktres.

Halatang ayaw niyang pag-usapan ang hindi pagkakaroon ng baby, kahit almost 13 years na silang kasal.

"Wala, hindi kami nag-baby," paiwas na sabi ni Alice.

May plano ba silang magka-baby?

"Ahhh... we're... hindi ko ma-disclose.

"Ayaw ko nang pag-usapan, huwag na nating pag-usapan," nakangiting iwas ng aktres.

Pero inamin ni Alice na posible silang mag-ampon ng bata ngayong taon.

"Maybe darating din 'yon, but not right now.

"Alam mo, nagpahula ako the other day, sabi ng manghuhula ay may darating sa aking grasya—baby girl ang sabi niya at aampunin ko raw 'yon.

"This year 'yon, so tingnan natin before the end of the year."

Sabi ng aktres, "60 percent" daw ng mga hula sa kanya ay nagkakatotoo.

Samantala, pinabulaanan ni Alice na on the rocks ang marriage niya o hiwalay na sila ng kanyang mister.

"Hindi totoo 'yon. In fact, uuwi ang husband ko dito next month... dadalaw siya," sabi niya.

ISANG DAKOT NA LUHA. Hinggil naman sa ipinagmamalaking afternoon drama series ng TV5, ang Isang Dakot na Luha, sinabi ni Alice na "realistic at simplistic" lang ang kanilang soap opera na makaka-relate nang husto ang masa.

"Parang, it's almost like... without intriga, ha—it's sort of Maalaala Mo Kaya. Parang ganoon."

Ang Maalaala Mo Kaya ay ang longest-running drama anthology ng ABS-CBN.

Bukod kay Alice, kasama rin sa Isang Dakot Na Luha sina Jay Manalo, Glydel Mercado, Danita Paner, Lianne Valentin, Junyka Santarin, Daria Ramirez, Jenny Miller, Elvis Gutierrez, Edgar Allan Guzman, at Karel Marquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Alice na first time niyang gumawa at pumayag siyang mag-afternoon soap dahil sa ganda nito.

"Maaasahan ninyo na this afternoon soap, kahit pang-hapon siya, ay puwede ring pang-primetime.

"Kaya nga napapayag ako, desisyon ko na mag-afternoon soap, na never ko namang nagawa—it's because our lineup is so strong."

Ayon pa kay Alice, mas malaki ang laban ng TV5 sa afternoon slots dahil bukod sa pinagaganda talaga ng network ang kanilang lineup, kumpleto raw ito sa pagpipilian ng televiewers.

"I think also, ang variety na ibinibigay ng TV5 na shows ngayon ay iba, e: may game shows na tayo, variety show, afternoon drama, talk show, pam-bagets...

"So, we're filling in all of the gaps.

"Mas may variety dito sa TV5, para naman mas may choice rin ang viewers at hindi lang they're stuck on one network lang.

"I believe we have a really fighting chance na mag-grab ng audience share, kaya... yes, we're new network, pero lumalaban tayo," aniya pa.

MORE CHOICES. Hinggil naman sa assessment niya sa impact ng ginagawang pag-buildup ng TV5 ng kanilang mga programa, sinabi ni Alice na nakakatulong ito sa TV industry at nagkakaroon ng pagkakataon ang viewers na magkaroon ng mas maraming choices.

"I think, it's giving viewers more choices, and also, it's healthy competition."

Ano ang masasabi niya sa pag-develop ng TV5 ng young stars, 'tulad ni Danita Paner na co-star niya sa Isang Dakot Na Luha?

"I think that it is a really good training ground para sa mga bata.

"Pero it's a good way to develop pa rin your craft as a senior star. Kasi, maganda ang mga project na ibinibigay ng TV5.

"So, all around, it's a really good network to be at right now.

"And I believe, tamang direksiyon iyon para mas lalong lumakas ang TV5.

"Pabongga nang pabongga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're hoping na iyong hatak ng afternoon [audience], madadala na rin sa primetime.

"That they will stay with Channel 5, until sa gabi," nakangiting sabi ng magandang aktres.

Kung hindi ba nag-offer ng project sa kanya ang Kapatid Network, hindi siya magbabalik-showbiz?

"Actually, the reason why I came back was TV5's offer—the show [Babaeng Hampsalupa] itself was a really good project.

"Hindi ko naman akalain na magtutuloy-tuloy ito."

Paano ang kontrata niya sa TV5?

"Sa ngayon, I'm finishing up my second contract and we're renegotiating the third contract right now," wika niya.

May offer din ba sa kanya ang GMA-7 o ABS CBN?

"Mayroon, pero I can't talk about it."

Kapwa sinasabi ng GMA-7 at ABS-CBN na sila ang numero unong TV station ng bansa. Sa palagay ni Alice, sino talaga ang number one station?

"Ang mga tao na lang ang magsasabi kung sino sa tingin nila ang number one.

"Let the audience decide kung sino ang pinaka-favorite nilang show o network.

"Basta kami dito sa TV5 ay magbibigay ng magagandang project at magagandang palabas, yun na!" pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN