Lexi Fernandez does not discount the possibility of falling for co-star Jhake Vargas

IMAGE Noel Orsal

Lexi on Jhake Vargas: “Opo, mabait siyang tao. So, yun… ako, hindi ako nagsasalita ng tapos. Ewan ko, malay po natin anong mangyari sa future. Pero sa ngayon po talaga, focus po muna ako sa trabaho ko tsaka sa studies ko.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang tween star na si Lexi Fernandez noong Martes, February 2, sa press launch ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Tinanong namin ang 17-year-old na anak ni Maritoni Fernandez kung may ini-entertain na ba siyang manliligaw ngayon.

"Meron naman pong nagpaparamdam, pero sa ngayon po, focus muna talaga ako sa trabaho," sagot ni Lexi.

JHAKE VARGAS. Ano naman ang reaksiyon niya sa balitang nag-uugnay sa kanila ni Jhake Vargas, na kasama niya sa Alice Bungisngis at kapareha ng title-roler na si Bea Binene?

Ayon kay Lexi, "Kung may umiikot man na ganun, hindi na lang namin pinapansin.

"Alam namin yung totoo na magkaibigan lang po talaga kami.

"Kasi po, pareho kaming focused sa career namin. Pareho po kaming gustong i-balance yung studies at work.

"Yun po talaga yun," dagdag pa niya.

Pero paano kung ligawan siya ni Jhake balang-araw? May pag-asa ba ang binata?

"Hindi ko po alam... hindi ko pa po iniisip," sagot nito.

Ngunit hindi naman itinanggi ni Lexi na hindi mahirap magustuhan ang katulad ni Jhake.

"Opo, mabait siyang tao. So, yun... ako, hindi ako nagsasalita ng tapos.

"Ewan ko, malay po natin ano'ng mangyari sa future.

"Pero sa ngayon po talaga, focus po muna ako sa trabaho ko 'tsaka sa studies ko."

STUDIES FIRST. Concentrated daw sa kanyang pag-aaral ngayon si Lexi, na nasa 4th year high school sa ilalim ng isang home study program.

Taliwas sa iniisip ng marami, hindi raw ito ganun kadali lalo't kailangan pa niyang isabay ang pag-aaral sa pag-aartista.

Ayon pa kay Lexi, "Magga-graduating na ako, so medyo kailangan ko maghanap ng oras din."

Malaki rin ang pagpapahalaga ni Lexi sa pag-aaral at gusto talaga niyang makatapos ng kolehiyo sa kabila ng kanyang showbiz commitments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko po MasCom [Mass Communication] sana. Kasi, gusto ko talaga mag-aral din, kahit mahirap.

"Pero wait and see na lang. Tingnan natin.

"Gusto kong maka-graduate, iba pa rin yun."

THE ROAD GOES INTERNATIONAL. Ano naman ang masasabi ni Lexi sa tagumpay ng pelikula nilang The Road, na magkakaroon na ng international screening?

"Siyempre ano, lahat kami nagpapasalamat. Sobrang, hindi namin in-expect talaga.

"Actually, ang init nung pagtanggap nila, 'tapos sa simula pa lang, nag-uusap na, 'Sana mag-international tayo.'

"Nung nabalitaan namin, sobrang happy namin...

"Actually, sa Twitter ko pa nga nabalitaan, e. 'Tapos in-inform kami nina Sir Joey [Abacan, GMA Films executive]."

Ipapalabas ang The Road sa ilang piling sinehan sa Amerika.

Kasama rin si Lexi sa pelikulang Just One Summer na pagbibidahan nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Magsisismula na silang mag-shooting sa susunod na buwan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN