Maritoni Fernandez reveals daughter Lexi broke up with her boyfriend: “Hindi naman ako galit, wala, hello, ayoko lang sa pandak!”

IMAGE Courtesy of GMA-7

When asked why daughter Lexi and her boyfriend ended their relationship, Maritoni Fernandez (in photo) explains: "Na-boring yata sila sa isa’t-isa, e. Kasi trabaho nang trabaho, trabaho nang trabaho...kasi yung guy naman medyo may edad na e, di ba, twenty na ata, si Lexi kase-seventeen pa lang.”


Masaya si Maritoni Fernandez sa role niya bilang si Anna Marie Leviste sa drama series ng GMA na Legacy. Naiiba raw kasi ito sa iba niyang ginawa na sa telebisyon at pelikula.

“Yung feeling na bored ka na sa trabaho, di ba yung ganun nang ganun, na laging ganun. Dumarating sa puntong ganun e, di ba?

“Nung dumating itong role na ito talagang nabuhayan ako ng loob ulit, parang… tsaka excited ako pumasok sa trabaho hindi tulad dati parang, ‘Ito na naman… di ba, mundane?” umpisang pahayag ni Maritoni nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Legacy, March 22, sa Timberland Resort and Sports Club sa Cainta, Rizal.

Ngayon raw ay nalalaro na niya ang karakter niya…

“Exactly! Ang sarap! Unang labas ko pa lang dito yung kami ni Eddie Garcia, ‘Fafa!!!’

“Yung ganun. Markadung-markado iyon! Sabi ko kay Kuya Eddie, ‘Kuya Eddie, lalandiin talaga kita, ha?’ Kasi bold star ako dito, di ba?

“Maraming-marami pang padating na mga eksena namin ni Eva [Cherie Gil] na tarayan, ang ganda talaga.

"Kasi yung role ko dito hindi siya yung pangkaraniwang kontrabida e, asar-talo yung role, talagang pang-asar.

“Kaya ang dami talagang fans or yung mga nanoood at sumusubaybay na talagang na-e-excite na talagang they’re happy na may ganoon palang pang-aasar o pangko-kontrabida.

“Tapos kami pa ni Alex [Alessandra de Rossi na gumaganap na anak ni Bernadette Leviste]… ito, isa pa ito e, ‘Tiktak ka ng tiktak diyan,” sabay-tawa ni Maritoni.

“Ang galing na artista nitong si Alex e, ang galing niya talaga, magaling siya.”

Mas magaling kina Lovi Poe at Heart Evangelista na lead female stars rin ng Legacy?

“Para sa akin. Sorry ha, pero talagang parang tunay na isang ina, pinakamagaling talaga sa kanilang tatlo? Ang anak ko!”

ON LEXI. Kumusta naman ang anak niyang si Lexi Fernandez?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay very busy, ayun, kakaumpisa niya lang ng Just One Summer [movie ng GMA Films]. Siya yung kontrabida dun.

“Tinanggap ko siya, kontrabida. Kasi kinausap ako nina Miss Annette [Gozon-Abrogar of GMA Films], sabi nila, ‘Ton alam ko na ayaw mo siyang magkontrabida pero sobra ang ganda ng role!’

“Pinramis nila sa akin na yung role niya sa Just One Summer talagang mamahalin siya ng lahat ng bakla sa Pilipinas!

"Ganung tipo.

“Alam mo bakla 'yan [si Lexi]! Para siyang, ang dating niya kasi para siyang si Marian [Rivera], pag hindi mo kilala di ba parang santa-santita, di ba?

"Pero pag bumuka na yung bibig, bakla pala, di ba?

"Ganun e, ganun si Lexi. Pag nakilala ninyo, kuwelang-kuwela yun.”

PUPPY LOVE. Nakakagulat naman ang mga sagot ni Maritoni nang kumustahin namin ang lovelife ni Lexi…

“Wala na, zero na, goodbye! The end. Iyon na yun.

"Alam na naman ninyo yun, hindi ko na ire-reiterate kasi papatayin niya ako, sa totoo lang.

"Off the record, kilala ninyo na, di ba?”

Galit ba siya doon sa guy or may bitterness ba siya dito?

“Hindi naman ako galit, wala, hello, ayoko lang sa pandak!” at tumawa si Maritoni.

Nung nalaman niyang tapos na ang relasyon, ano ang naging reaksyon niya; nagalit ba siya?

“Hindi, not at all. Actually kasi puppy love pa lang naman yan, e… ano yan, holding hands.”

Hindi ba siya naapektuhan para sa anak niya?

“Hindi, kasi siya yata [ang] nakipag-break,” ang tumatawang sinabi ni Maritoni.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Anak, hindi ka ba nahe-hurt? Wala, wala ngang… ni wala ngang kissing-kissing, holding hands [lang].”

Sure ba siya; kasama ba niya ang anak niya 24 hours, 7 days a week?

“Naku, best friend ko anak ko! Unang tatawagan niyan, ako believe me.

"Sasabihin niyan ‘Mom, I got kissed na!!!’

“Ganun siya, sobrang landi ng anak ko, katulad ko yan e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit daw nag-break? Impluwensiya ni Maritoni?

“Wala, ako pa? Pinapaakyat-bahay… pinapatuloy ko pa sa bahay namin yan, everything. Mabait naman, mabait siya talaga.”

So bakit nag-break?

“Na-boring yata sila sa isa’t-isa, e. Kasi trabaho nang trabaho, trabaho nang trabaho, tapos di ba parang…”

Mga bata pa kasi?

“Hindi… kasi yung guy naman medyo may edad na e, di ba, twenty na ata, si Lexi kase-seventeen pa lang.”

E sino nga ba yung guy na tinutukoy niya?

“Hindi ko alam! Kaya nga… hindi ko nga alam, e. Ang alam ko lang sa kanya, maliit siya at tsaka mabait,” sabay-tawa ni Maritoni.

“Actually ako yung na-affect kasi sabi ko sa anak ko, ‘Are you okay?’ Kasi di ba, first break-up niya ever?

“Ako yung worried, ganyan.”

Pero never umamin ang dalawa na nagkarelasyon sila…

“Hindi nga, kasi wala nga talaga, as in nagho-holding hands lang, nag-batting- batting eyelash…”

Ano ang sagot sa kanya ni Lexi nang tanungin niya kung hindi ba ito nasaktan?

“Sabi niya ‘No!’, hindi. Friends pa rin naman daw sila e, very good friends and they work together, di ba?”

May nagtanong; kasama ba ni Lexi sa Alice Bungisngis And Her Wonder Walis na show ng GMA-7 ang lalaking tinutukoy ni Maritoni?

“Hindi ko alam! Kasama ba?” sabay-tawa nitong muli.

Gaano katagal inabot ang relasyon ng dalawa?

“Walang… walang one year, less! Pagkaalam ko ha, yung alam ko, siguro mga six months.”

Si Maritoni naman, kumusta ang love life?

“Ako? Dami diyan, nakapila, abot nga [hanggang] EDSA ang buhok ko, e!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN