Manager Jonas Gaffud reveals plans for his talents; happy for Venus Raj's relationship with Andrei Felix

IMAGE File photo

Even as Jonas Gaffud (seated second from right) reflects on his long experience as owner of Mercator Artist and Model Management Agency, he speaks modestly about first-time plans for his artists' careers in showbiz.


Eight years na ang Mercator Artist & Model Management agency na pag-aari ni Jonas Gaffud.

Anong feeling niya sa pagiging sikat ng mga modelo, celebrities at beauty queens na nasa ilalim ng kanyang ahensiya?

“Looking back, parang mahaba na yung eight years, di ba?

“Kung iisipin mo, but it’s a very long way to go. Yung eight years na yun ng Mercator, the biggest part nun, sa modeling and beauty pageants.

"And ngayon pa lang din papasok yung sa showbiz talaga so marami pa akong kakaining bigas,” umpisang sinabi ni Jonas ng makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

VICTOR, JC, AKIHIRO. Ang pinakaunang Mercator artist na naging artista ay napunta sa ABS-CBN.

“Si Victor Basa, pero that was co-management with Star Magic.

“Yung solo talaga, si JC Tiuseco, and then Akihiro Sato.”

Medyo matagal nang wala sa sirkulasyon si Akihiro. Nasaan si Akihiro?

“Umuwi siya ng Brazil para asikasuhin yung family niya.

“And then sabi niya uuwi daw siya ng June 10. So mag–uusap ulit kami kasi we lost contact.

“Pero nung May 2 tumawag siya sa akin, nasa Boracay ako, nangangamusta. Sabi niya inaayos lang daw niya ulit lahat ng papers niya, tapos babalik siya ng June 10.

May existing contract si Akihiro sa Mercator.

“Naka-ano [stipulate] ‘yan sa working permit niya, two years pa na under siya sa Mercator.”

DANIEL AND HEART. Dahil ang Mercator din ang manager ng isa pang Brazilian-Japanese star na si Daniel Matsunaga, tinanong ng PEP si Jonas tungkol sa breakup ng kanyang alaga at Heart Evangelista.

“E, nung naging sila hindi ko naman alam na naging sila na.”

Hindi siya sinabihan ni Daniel maging noong bago pa nito ligawan si Heart?

“No, wala. Nalaman ko sila na. Nung nalaman ko na, sila na.

“Okay naman, mabait si Heart, e. Na-meet ko si Heart, mabait si Heart sa amin, e. Walang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nag-break na sila, ang nagsabi lang sa akin, si Mikael Daez, sa totoo lang.

“Sa Twitter daw. Sabi ni Mikael sa akin, ‘As our manager baka hindi mo alam ang nangyayari na may lumabas sa Twitter.’ Ganun-gano’n.

“I called Daniel about it…he just arrived from Brazil that day.

“And then tinanong ko, sabi niya, ‘Yes, we broke up.’

“’So what do you wanna do?’ ‘Give me time to heal and think first about things’, iyon lang ang sinabi niya sa akin.

“First of all sinabi ko sa kanya I just look into your plans in the future, for jobs, for work.

"Because I’m not really aware of what happened or what’s happening between you and Heart, and what happened in the past.

“I don’t meddle with the personal relationships of my talents, so wala akong alam.

“So, all I can do is now, that time na yun. Sabi ko kay Daniel, ‘Heart-broken ka, so if you need my help and my assistance you can just call me.

“But of course all I can think of will be about jobs, about your work and your career.’”

Hindi raw niya tinanong si Daniel kung bakit sila nag-break ni Heart.

“No. We talked lang and then we met and then nag-usap kami but I didn’t ask.

“Iyon ang sinabi ko sa kanya, ‘I don’t wanna ask anything about your breakup because you will just talk about how it hurts or whatever happened.’

“E hindi ko nga alam yun, e. Wala akong alam about it.

“So, ang sinabi ko sa kanya, ‘Okay this is my plan for you, you will undergo a three-month workshop.' So iyon muna ang plano namin.”

Naka-move on na ba si Daniel from the breakup?

“Masayahing tao naman ‘yang mga Brazilians, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DANIEL TRANSFERS TO TV5? Speaking of career plans, tinanong namin si Jonas sa balitang wala na sa GMA-7 si Daniel.

“Hindi ko puwedeng sabihing wala na, pero we have the option already to look for other stations, and TV5 is very welcoming.

“So, inaayos pa lang namin lahat with them.”

Kalat na nga kasi ang balitang pumirma na ng kontrata si Daniel sa Kapatid network.

MIKAEL DAEZ. Tungkol naman sa isa pang Mercator artist na si Mikael Daez:

“Si Mikael, matatapos na ang My Beloved, so may plano kaming gawing movie with Regal. We’ll be signing with Regal Films.”

Kasama si Mikael sa The Bride and the Lover na pelikula nina Jennylyn Mercado at Paolo Avelino.

“And then nag-usap kami ng GMA executives na aayusin yung kanyang hosting career.

“And I’m really hoping na yung pinramis nila by June or July, na sana may lumabas na talaga na show na magho-host na si Mikael.

“Kasi we can only… the venue for talents to exert effort and to be able to show their talent is for the network to give them shows kung saan ilalabas nila yung skills nila.

“If they want Mikael to be into hosting, magbigay sila ng show.”

Marami nga ang nagsasabing maaaring sumunod si Mikael sa mga yapak ni Paolo Bediones dahil sa husay nitong mag-host.

May mga nagsasabi pa nga na maganda kung bubuhayin ang show na Extra Challenge at gawing host si Mikael.

“Maganda nga kung makakaisip sila ulit ng ganung show, yung parang Extra Challenge.”

VENUS RAJ. Kumusta naman ang isa pa niyang alaga na si Venus Raj?

“Si Venus, she is doing her first movie with Regal [Entertainment Inc.], yung Pridyider, horror.

“Kinuha sa Shake Rattle & Roll, yung kay Janice de Belen dati.

“First acting job ni Venus and natuwa naman ako kasi tinawagan ako ni Roselle Monteverde. Sabi love na love niya si Venus kasi very natural ang acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayon paplanuhin na yung mga next na movies niya kasi nakakontrata naman siya sa Regal.

“Ang plano namin ay magkaroon rin siya ng kanyang launching film.”

VENUS AND ANDREI. Speaking of love, kung nauwi sa hiwalayan sina Daniel at Heart, going strong naman ang relasyon nina Venus at Andrei Felix.

“Ito naman nakakatawa kasi sa airport pagpunta namin sa Amerika last March, dun ko nalaman.

“Nagtataka na lang ako kung bakit si Andrei ay papunta rin sa airport tapos sabi ni Venus, ‘May pupuntahan po siya na ibang lugar.’

“So ako naman nagtataka na, ‘Ha? Sabay tayo ng flight? Anong flight niya?’ ‘Ay dun lang po.’”

Hindi naman daw pumunta si Andrei sa Amerika.

“Naghatid lang pala! Nahihiya pa kasi si Venus na umamin sa akin kasi baka okrayin ko daw siya.

“'Tapos nasa hotel kami sa L.A. tumawag ng long distance si Andrei. ‘Tumatawag si Andrei ng long distance? Ay anak, halika dito, may aaminin ka sa akin?’

“Inamin naman niya. Sabi ko, ‘Bakit hindi mo sinasabi sa akin?’

“‘Kasi maingay kayo, e, baka mamaya maitsismis ninyo, e.’

“Nung time na yun tinatago nila. E, ngayon hindi na nila maitago.

“E, ngayon na lumabas, naging part ba ako sa paglabas?”

Happy si Jonas para kay Venus.

“Oo! Ang sa akin kasi super-maalagain itong si Andrei.

“Actually mas maalagain si Venus, ang mga lalaki naman kailangan aalagaan talaga ‘yang mga ‘yan.

“Nakikita ko lahat ng out-of-town namin ni Venus, lahat ng aming pinupuntahan, nandiyan si Andrei, nagmamaneho.

“So nakita ko lang yung care na gusto kong magkaroon din ng taong mag-i-inspire kay Venus.

“Kasi she has been an inspiration to people from all walks of life, naging inspiration siya ng lahat.

“Ngayon naayos na niya ang pamilya niya, the mother okay na, ang buhay nila, siya ang inspirasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siguro naman in return siya naman kailangan niya ng inspiration.

“But siyempre aside from Andrei, si Venus kasi is very God- centered. So iyon naman talaga ang inspiration niya, si Jesus Christ.”

Si JC Tiuseco naman?

“Si JC, steady naman siya sa GMA, halos hindi siya nababakante.

“Si JC, kahit saan mo ‘yan ilagay, okay siya, kaya niya.

“Sa ngayon, meron siyang bagong show, yung Daddy Dearest nila nina Ogie Alcasid.”

Kumusta ang alaga rin niyang si Ervic Vijandre?

“Si Ervic, kakatapos lang ng The Good Daughter and siyempre pahinga muna sa soap. Di ba't kakalabas lang ng The Mommy Returns niya.

“May basketball league naman siya, so busy naman siya and gusto ko mag-undergo ulit siya ng workshop habang wala pang soap.

“Pero madali lang din mabigyan si Ervic ng trabaho sa GMA.”

BENJAMIN ALVES. Mercator talent din ang newcomer na si Benjamin Alves na pamangkin ni Piolo Pascual.

“Iyon, nasa GMA na rin siya and plano nga na i-build up siya as a matinee idol.

“Masayang-masaya nga ako na summa cum laude siya when he graduated this May sa University of Guam.”

English literature ang natapos ni Benjamin Alves.

“Happy ako kasi maraming magagandang plano ang GMA para kay Benjamin.”

SHAMCEY SUPSUP. Produkto rin ng Mercator ang 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup.

“Si Shamcey is still with Binibining Pilipinas technically, so I’m just waiting.

"But I’ve been helping them up. I want her to be sa hosting lang.

“Iyon din ang gusto ni Shamcey, ayaw niya ng showbiz-showbiz.

“Hosting lang talaga ang gusto niya. So now we have this plan na sana makuha niya ang isang show about architecture.”

JANINE TUGONAN. Galing Mercator din ang 2012 Binibining Pilipinas na si Janine Tugonan.

“Everything I leave up to Madam Stella Marquez-Araneta and the Binibining Pilipinas Charities, Inc. [BPCI] because they know what’s best naman for her upcoming international tilt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All I can do is to give her moral support. 'Pag kailangan ako ng BPCI, I will be there for them, for Janine.

Wala pang definite date and host country ang Miss Universe 2012?

“Kasi may Olympics at Presidential election sa US.

“So iyon, malaki naman ang tiwala ko sa Binibini kasi all these years naman alam naman nila ang gagawin kapag sasali ng international competiton ang isang delegada.

“Sana maiuwi niya ang korona. Sana Asian naman ang papanalunin this year and sana Philippines,” pagtatapos pang pahayag ni Jonas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN