Karylle says relationship with vocalist Yael Yuzon is like "good music, nagko-collaborate kami... ganun"

IMAGE File photo

Karylle on relationship with Yael Yuzon: "Parang we're chill this way... and I'm happy and thankful that people have been accepting of the way we treat things. Kasi ang dami ko nang napagdaanan dati, e, ayaw ko nang balikan yung ganung klaseng format. Kung sa Facebook, blank lang! Kayo na ang bahalang mag-fill in the blanks."


Matapos ang masalimuot na karanasan ni Karylle sa larangan ng pag-ibig noong mga nakaraang taon, ngayon ay blooming ang singer dahil nali-link siya sa vocalist ng Spongecola na si Yael Yuzon.

Sa launch ng bagong bukas na J. CO Donut and Coffee Restaurant sa SM Megamall noong Huwebes, March 15, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press si Karylle.

Unang tanong: Ano ang reaksiyon niya nang nanalo ang half-sister niyang si Zia Quizon sa 2012 MYX Music Awards bilang Best New Artist of the Year?

"I'm so happy na nakakuha siya ng isang major award.

"Katabi ko nga siya, dasal ako nang dasal, sabi ko, 'Sana, please! Sana, please!'

"Kasi siyempre, it's gonna be a big deal na makuha niya yun and true enough, nakuha nga niya!

"Sigaw ako nang sigaw, parang masyadong maingay yung sigaw ko, parang nahiya siya ng kaunti.

"Sabi niya, 'Quiet lang!'

"Hindi ko talaga maitago yung feeling ko, kasi sobra akong excited, sobra akong proud sa kanya!

"The fact that she won, it's a big month for her sa MYX.

"Kasi she's the cover of MYX Magazine and she's the MYX VJ of the month, 'tapos Best New Artist pa!"

Sina Karylle at Zia ay anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, pero magkaiba ang kanilang ama. Si Karylle ay anak ng singer-actress sa dati nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari; si Zia naman ay anak ni Zsa Zsa sa Comedy King na si Dolphy.

Ano ba ang mga tips na ibinigay niya kay Zia bilang nakatatandang kapatid at unang sumabak sa showbiz?

Ayon kay Karylle, "Minsan nagbibigay kami ng advice sa kanya, pero to the point na baka sumobra, ayaw din naman namin yun.

"Siyempre, dumidistansya rin naman kami.

"Pero in our family, ganun kasi kami—we always support each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung support na binibigay namin, yung pinakamalakas na sumigaw or picture nang picture, ganun lang talaga."

YAEL YUZON. Sa nakaraang interview ni Zsa Zsa, sinabi nitong botong-boto siya sa bokalista ng Spongecola na si Yael Yuzon para sa anak na si Karylle.

Ano naman ang reaksiyon ni Karylle dito?

"Ayaw ko nang mag-comment kasi minsan hindi totoo, hindi ko pa napanood [yung interview], e.

"Actually, natutuwa ako na mayroon siyang [Yael] sariling relationship, friendship with my mom, with my sister.

"Parang minsan, mayroon silang mga pinag-uusapan na mga things na hindi ko naman naiintindihan kasi they watch game shows, they find some things funny, minsan nale-left out ako ng kaunti.

"Pero nakakatuwa na they have their own thing," sabi ng Showtime host.

TWITTER BASHING. Hindi ba siya naapektuhan sa mga haters sa social network na nagsasalita against her mom and family?

"Minsan, nagre-reply din ako kasi, on a normal day, madali lang namang mag-dedma ng mga bagay.

"Pero may mga araw din na kailangan nating intindihin na even though we're strong and it's part of our work to accept criticism...

"Minsan may mga araw na sensitive kami, yung mom ko for example, may times sensitive siya kasi may pinagdadaanan or baka pagod.

"Sana maintindihan din nila na she is a veteran in the industry and she also deserves respect.

"Pero more than that—I love her, she's my mom, so, I feel bad when people disrespect her."

RELATIONSHIP WITH YAEL. Matagal nang nababalita na mayroong namumuong relasyon sa pagitan ni Karylle at Yael, ano ba talaga?

"We're donuts in a world full of strangers, we're both sweet... Hindi!" sabay tawa ni Karylle.

"May flavor yung donuts, di ba?... may pizza donut, may green tea donut, may Asian, 'no!

"Parang we're chill this way... and I'm happy and thankful that people have been accepting of the way we treat things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang dami ko nang napagdaanan dati, e, ayaw ko nang balikan yung ganung klaseng format.

"Kung sa Facebook, blank lang! Kayo na ang bahalang mag-fill in the blanks."

Masasabi ba ni Karylle na "unofficial" yung relationship nilang dalawa ni Yael?

"Hindi! Ano lang... hindi naman sa mysterious, kasi sabi nga namin palagi na, everything is in the music so you just have to follow that, di ba?

"Basta masaya ako, masaya siya. Kayo na ang mag-connect the dots, mag-fill in the blanks.

"Good music, nagko-collaborate kami... ganun.

"Abangan nila 'yan, kasi may bago akong kantang ilalabas, very, very soon. Actually tomorrow [March 16] sa Showtime, maririnig n'yo yun."

Meron na bang planong kasalan?

"Hindi nga umaamin na couple... bakit ako makikipag-usap about marriage?" mariing sagot ni Karylle.

FRIENDLY JOKES. May mga isyu na nagkakaroon daw ng away sa Showtime pag nagbibiruan at may napipikon, totoo ba yun?

"Hindi naman, biru-biruan lang in the name of fun.

"Mahilig kaming mag-asaran sa show in general.

"Nung una, mapipikon ka talaga, pero in the end, masaya pa rin kami, masaya 'pag naglolokohan kami ng ganun.

"Hindi naman! Parang yung asaran, nauuwi sa lambingan.

"Kunwari nasaktan ako, sasabihin ko sa kanila na, 'Nasaktan ako kanina.'

"Ayun, maglalambing na sila 'tapos hug-hug na! 'Tapos okay na kami. Ganun lang," saad ni Karylle.

ON CHRISTIAN'S NEW GIRL. Inamin ni Christian Bautista na girlfriend niya ang kanyang co-star sa The Kitchen Musical na si Carla Dunareanu. Ano ang masasabi ni Karylle tungkol sa dalawa?

"Ayaw ko kasi mag-react kasi I don't know how much they revealed. Siyempre they have their own private life.

"I don't know kasi up to what extent, so hindi ako updated.

"Basta ako, I work with both of them; Carla is a sweetheart, yun!

"Matagal kami together, almost four months and she's [Carla] one of the friendliest, happiest, most interesting persons I've met!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya yung parang 'pag bago mo pa lang ma-meet, very, very warm and very, very kind."

Kahapon, March 16, ni-launch ni Karylle sa Showtime ang bago niyang single na "Found My Smile Again."

Ito kaya ang matuturing sagot ni Karylle sa tanong na, "What song best describes your relationship with Yael Yuzon?

Niloloko tuloy siya ng kanyang fellow Showtime co-hosts kung sino ang iniisip ni Karylle habang sinusulat ang bago niyang kanta.

Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ni Karylle sa madlang pipol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN