MVP says GMA-7 and TV5 merger may be finalized “within the year”

“There’s desire on both parties to come to terms,” says TV5 chairman Manny about the reported GMA-7-TV5 buyout during PLDT stockholders’ meeting earlier today, June 14.


Pahiwatig na nga kaya ng posibleng pagsasanib-puwersa ng GMA-7 at TV5 ang naging pahayag ng Kapatid network big boss na si Manny V. Pangilinan sa Amerika?

Muli na namang napag-usapan ang merger na ito sa ginawang PLDT stockholders’ meeting kanina, June 14.

Ayon sa ulat ng Rappler.com, mismong si MVP ang nagsabi na maaaring maisakatuparan na ang merger sa pagitan ng TV5 at GMA-7 bago matapos ang taong 2012.

Ayon naman sa ulat ng TV5 News, positibo ring inihayag ni MVP na, “There’s desire on both parties to come to terms.”

Gayunman, isinaad ni Pangilinan na may ilang pang mga bagay na dapat pag-usapan tungkol sa deal na ito.

“We are in discussions with GMA-7… Nothing has been finalized... Discussions are moving positively… To come to terms, many issues to be discussed.”

Nang tanungin kung magkano ang magiging presyo ng deal na ito, sumagot si MVP ng: “below P100 billion.”

TRUE OR NOT? Matatandaan na sa press conference na inihanda para sa partnership ng TV5 at Dish Network sa Amerika kamakailan, nakiusap si MVP na suportahan ang mga programa ng Kapatid network doon.

Pagkatapos ay idinagdag niya na suportahan din nila ang mga show ng GMA-7, na partner din ng naturang direct broadcast satellite service sa Amerika.

Bagamat nagkaroon muli ng espekulasyon dahil sa kanyang sinabi, nilinaw ito ni MVP sa text message na ipinadala niya kay TV5 host Arnell Ignacio.

Aniya, “No mention of merger investment, combination. Certainly no mention of November deadline at all. Sure some people speculated and all I said was I can now say we, are under discussion but nothing finalized at this time.”

(CLICK HERE to read related article)

Sa hiwalay naman na interbyu kay Atty. Felipe Gozon, chairman at CEO ng GMA-7, sinabi niya, “Well, as I said, we are not selling. No, it’s true. I’ve been very consistent that we are not selling.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“However, sinabi ko naman being a realistic practical person that if we are offered a price that we think is right and we cannot refuse, e, sino ba naman ang hindi magbebenta kung kursunada mo yung price?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN