Bela Padilla on controversial FHM cover photo: "Because of this, I feel that I made a mark that people won't forget for awhile."

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla on her next moves after the controversial FHM cover: "I want to keep people waiting first, kasi it's not in my mind also. Siyempre, inaasikaso ko 'yong first cover. Ayoko munang mag-isip ng next ko. Pero I'm sure, mag-o-oblige ako sa FHM na mag-pose ulit. Kasi they have been so kind to me."


Hawak-hawak pa ni Bela Padilla ang kopya ng kontrobersiyal na March 2012 issue ng FHM magazine, na umani ng batikos dahil sa naunang cover photo niya na may pagka-"racist" daw ang dating.

(CLICK HERE to read related story.)

Masaya naman si Bela nang ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, March 5, na humupa na ang isyu tungkol dito.

Aniya, "Super happy ako kasi, finally, nakakuha na ako ng copy ng FHM!

"Okey rin naman 'yong ipinalit na cover photo ko.

"And I'm glad also na lahat ng store na napuntahan ko, sold out!

"So, maraming salamat sa lahat ng bumili ng FHM."

Marami ang nag-iisip na mukhang tuluy-tuloy na ang pagpapa-sexy ni Bela.

Sa presscon ng afternoon soap ng GMA-7 na Hiram Na Puso last week ay naging usap-usapan din ang pagsusuot niya ng see-through nang dumalo siya rito.

(CLICK HERE to read related story.)

"Like what I've said sa ibang interviews sa akin, for March lang 'yong ganito—for FHM lang.

"Pagdating ng April, I'm back again to... 'yong dating Bela."

MEDIA MILEAGE. Matindi ang naging impact ng kontrobersiyang kinasangkutan ni Bela na maaari niyang ikabahala at ika-stress.

Pero aniya, "Masaya naman po ako.

"No, I'm not the type who would really think of being stressed.

"So, naging positive pa rin ako throughout all of these. In-enjoy ko na lang.

"Kasi hindi naman lahat negative. Actually, sobrang dami rin ng mga positive feedback. At mas doon ako nag-focus."

Naging news item din siya internationally hindi lang sa Pilipinas. May mga foreign media pa nga na nag-reach out para ma-interview siya.

"Siyempre sana kung okey na... alam mo 'yon, mas positive na issue kung bakit ako pinag-uusapan sa ibang bansa, e, di mas okey.

"Pero since ito nga 'yong naging issue sa akin, tinanggap ko na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nakakatuwa rin, napanood ako ng mga relatives ko abroad nang hindi sinasadya.

"So, natuwa ako."

COVER GIRL... AGAIN. Sa nangyaring kontrobersiya, will she still entertain the idea of posing as cover girl ulit ng FHM?

"Uhm... I want to keep people waiting first. Kasi it's not in my mind also.

"Siyempre, inaasikaso ko 'yong first cover. Ayoko munang mag-isip ng next ko.

"Pero I'm sure, mag-o-oblige ako sa FHM na mag-pose ulit, kasi they have been so kind to me," sagot ni Bela.

Lahat ng naging cover girl ng FHM, rumarampa rin nang sexy ang suot kapag ginaganap na ang laging inaabangang event na FHM 100 Sexiest Women. So, sasali rin ba si Bela rito?

"Tingnan po natin!" sabay tawa niya.

EMERGE WITH HER OWN NAME. Mula sa orihinal na title ng cover story sa kanya sa FHM na "Bela Padilla: Stepping Out Of The Shadows," pinalitan din ito ng "Bela Padilla: I Want To Emerge With My Own Name."

Hindi pa ba niya nararamdaman ngayon na she has already emerged with her own name?

"Now I feel like I do.

"Yes, because of this [FHM controversy], I feel that I made a mark that people won't forget for awhile, which I'm happy about."

What made her say na she wanted to emerge with her own name?

"We know kasi that I come from a family of big actors," sabi ni Bela na mula sa Cariño-Padilla clan.

"Uhm... marami, e, maraming reasons.

"Like, may sinasabi rin na kamukha raw ako ni ganito. Or nagka-issue ako kay ganito o ganyan. Or naging partner ni ganito sa isang palabas... ganyan.

"So, I want people to see me na... gusto ko kapag nakita nila ako, Bela na.

"'Yong may recall ako as Bela na."

Masasabing si Bela ang naging pinaka-kontrobersiyal na cover girl ng FHM dahil pinag-usapan siya worldwide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya tungkol dito, "Thank you... thank you sa mga naka-appreciate no'ng ginawa namin na work.

"And to those who didn't, I hope you see the beauty of what we did.

"You know, I'm not gonna force anything naman. So, kung ano lang 'yong gusto nila."

MESSAGE TO DETRACTORS. Sa mga detractors na patuloy pa rin ang pagbatikos sa kanya, ano naman ang mensaheng nais niyang ipaabot?

"Well, thank you so much din sa inyo," napabungisngis niyang sabi.

"Hindi siguro ako magiging ganito ka-strong para lahat harapin ko.

"Nakakatulong sila sa akin, sa totoo lang."

REACTION FROM FAMILY. Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang pamilya sa kinasangkutan niyang kontrobersiya?

"From what I've heard, when I talk to my parents and 'yong iba pa sa family namin, they're all very proud of the work I've done.

"And they were very pleased with my interviews. They said that they understand where it's coming from.

"And that's all that matters to me—that my family knows what I'm going through.

"You know, feeling ko, I don't have to prove myself too much to other people.

"I'm happy na buo ang suporta ng family ko sa akin. Yes."

MORE SEXY ROLES? 'Yong pagpu-pose niya nang sexy sa FHM, masundan kaya ito ng pagganap na rin niya ng mga roles na sexy at daring?

Sagot ni Bela, "Hindi muna siguro po sa ngayon.

"Kasi nagpakita naman na ako ng sexiness I think dito sa cover ng FHM, so abangan nila 'yong next step ko.

"Pero gusto ko, pahintayin ko pa kaya ng konti!"

MORE ADMIRERS? Dumami ba ang kanyang admirers o 'yong mga lalaking gustong pumorma sa kanya sa ngayon?

"Medyo po!" tawa ni Bela.

And how is she entertaining them?

"Uhm... ewan ko. Hindi ko pa iniisip sa ngayon. Hindi pa ako nagre-reply sa kanila! Ha-ha-ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, most of them, nagpaparamdam through text. Hindi ko nga alam how they're getting my number.

"And not just admirers naman. Yong mga old friends ko rin from school, ganyan... they're reconnecting with me now.

"So it's really nice."

Hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang mag-boyfriend?

"No, hindi ko pa po naiisip iyon.

"Kasi malulunglungkot ang FHM nation kapag nag-boyfried ako kaagad!" tumatawa ulit na pagbibiro ni Bela.

FUTURE PROJECTS. So far, ano ang mga nakakasa nang bagong aabangan sa kanya ngayon?

"Kasama po ako sa cast ng Hiram Na Puso. I'm playing Kris Bernal's twin.

"Tapos 'yong My Kontrabida Girl sa GMA Films, showing na po sa March 14, with Rhian [Ramos] and Aljur [Abrenica]. I play the role as one of Aljur's girlfriends.

"So very different from the roles that I portrayed before. Komeding-comedy naman ito."

Siyempre, wish din daw niya na magbida siya one of these days.

"Of course," sambit ni Bela.

"I think lahat naman ng artista is looking forward to that—na we get our chance, you know.

"But I have my chance right here, right now. I'm really not gonna ask for more.

"I'm just so happy right now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN