Aga Muhlach on issue with Manay Ethel Ramos: “Kung anong mayro’n sa amin, sa aming dalawa ‘yon.”

IMAGE Nimfa Chua

Aga Muhlach (center) won Best Actor at the 9th Golden Screen Awards and the 28th Star Awards for Movies for his role in the movie, In The Name Of Love. There is reportedly a rift between him and former talent manager Ethel Ramos (left). But Aga has made it clear: “Maayos kaming dalawa. Kung anong mayro’n sa amin, sa aming dalawa ‘yon.” Also in this photo is Aga's wife, Charlene Gonzalez (right).


Muling itinanghal na Best Actor ang Kapatid talent na si Aga Muhlach para sa kanyang pagganap sa pelikulang In The Name Of Love.

Noong 28th Star Awards for Movies ay napanalunan niya ang nasabing parangal, ka-tie ang bida ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na si ER Ejercito.

Sa ginanap naman na 9th Golden Screen Awards kagabi, Marso 24, sa Teatrino, Greenhills, San Juan ay nanalo siya bilang Best Actor in a Leading Role-Drama.

(CLICK HERE for related article)

Matapos ang awards night ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press na makapanayam si Aga.

“Masarap” daw para sa aktor ang muling magwagi ng isang acting award, lalo na’t dalawang magkasunod na award-giving bodies ang nagparangal sa kanya.

“Hindi naman ako nawala,” sagot ni Aga nang tanungin kung dahil ba sa mga parangal na ito’y mas madalas na siyang gagawa ng pelikula.

“Every other year lang, nagkakataon since mahirap na humanap ng proyekto talaga.

“And sometimes, kunwari may dumating na maganda ngayon gagawin ko, kapag hindi naman talaga maganda parang sayang, 'wag na lang.”

ON MANAY ETHEL. Samantala, bukod sa sunod-sunod na acting awards na kanyang nasungkit, naging usap-usapan din si Aga dahil sa diumano’y tampuhan nila ng dati niyang manager na si Ethel Ramos.

Ito’y nag-ugat umano sa pagpirma ng kontrata ni Aga sa TV 5 na hindi nabanggit kay Manay Ethel.

Nagulat na lamang daw ang talent manger nang ipakita ni Aga ang deal nito sa Kapatid network, na sinasabing inilapit ng ama ng aktor na si Cheng Muhlach kay Vic del Rosario.

Si Boss Vic kasi ang tagapamahala ng Viva Entertainment Inc. at partner din ng Kapatid network sa ilang malalaking proyekto.

(CLICK HERE for related article)

“Wala namang koneksyon ‘yon, e,” paulit-ulit na sagot ni Aga nang tanungin siya kagabi kung totoo ba ang isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw personal na nabasa ni Aga, at naikuwento lamang sa kanya ang tungkol sa balitang ito.

Pero kanyang binigyang diin, “Ayos kami.

“A, 'yong mga nagsusulat no'n, a, 'wag na kayo maging masaya.

“'Yon lang, 'yon lang sasabihin ko.

“Ang okay 'wag n'yo guluhin, ayos naman.

“Mayro'n man, amin 'yon, 'wag kayo mag-alala.”

Matapos ang ilang katanungan tungkol sa isyu ay nangilag nang sumagot si Aga.

Kaya naman ang huli niyang mga salita tungkol sa isyu sa kanila ni Manay Ethel: “Alam mo sayang na pag-usapan pa.

“Ayaw ko na pag-usapan, ayos na ‘yon, okay na ‘yon.

“Parang ang dami nating pwedeng pag-usapan, pwede pagkasiyahan at pagkaligayahan.

“Maayos kaming dalawa.

“Kung anong mayro’n sa amin, sa aming dalawa ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN