Phil Younghusband thankful to Angel Locsin for defending the Azkals in recent controversies

IMAGE Noel Orsal

When asked about the status of his relationship with Angel Locsin, Philippine Azkals’ Phil Younghusband refused to give an answer. “We don’t believe [in labeling our relationship] because we’re happy and why change something when it’s not broken?” he said.


Balik-trabaho na muli ang Philippine Azkals player na si Phil Younghusband matapos makapag-bakasyon nitong nakalipas na Holy Week.

Noong Abril 13 ay dumalo si Phil, kasama ang kapatid na si James at Azkals team captain na si Aly Borromeo, sa event ng Snickers chocolate bar sa SM Mall Of Asia.

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at entertainment press matapos ang event, naikuwento ng Fil-British player ang naging bakasyon nila ng mga kapatid na sina James at Keri sa La Union.

“Nag-surf ako sa La Union. It was fun. It was my first time to surf and I was with my family so it’s great!" sabi niya.

Hindi raw ito ang unang pagkakataon na nadayo sila sa probinsiya ayon kay Phil.

“We went to La Union before for a trainer’s program and we decided to go back because there was a nice… we stayed at a nice resort and it was our first time it was very fun, very fun.”

Hindi naman nakasama ni Phil ang rumored girlfriend niyang si Angel Locsin sa bakasyon.

“Angel was in Hong Kong so we weren’t able to spend Holy Week together. We both had to be with our families," sabi niya.

RELATIONSHIP STATUS. Mahigit isang taon mula nang unang anyayahan ni Phil si Angel, sa pamamagitan ng social networking site na Twitter, na mag-date sa Araw ng mga Puso, kumusta na kaya ang kanilang relasyon sa ngayon?

“Love is always getting stronger and every day I fall more and more in love with her, so every day I feel more in love with Angel," sagot ni Phil.

Ano na nga ba ang estado ng relasyon nila ni Angel ngayon?

“No status,” nakangiting sagot ng Azklas striker.

“We don’t believe [in labeling our relationship] because we’re happy and why change something when it’s not broken?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everything’s super happy and doing very well so there’s no need to change anything.”

Nabanggit noon ni Phil sa isang interview na nais niyang magkaroon ng “future” kasama si Angel.

May balak na ba siyang mag-propose ng kasal sa aktres?

“No, no, no. I don’t think… not anytime soon, anyway.

“Right now, we take one step at a time. We’re not tying to rush anything and right now we’re very happy.

“So if the time comes when we would start [to talk about it], we’ll see.

“But right now, we’re very happy and right now we’ve got enough.

“As I said before, I want a future with Angel and that’s still the way I feel.

"And hopefully I will have a future with Angel, but wedding plans isn’t gonna happen at the moment.”

NOT JEALOUS WITH JOHN LLOYD CRUZ. Nitong Pebrero, ipinalabas ang huling pelikula ni Angel na Unofficially Yours.

Napanood na ba ni Phil ang pelikula?

“Yes, I watched it twice.”

Ano ang masasabi niya sa naging performance ni Angel dito?

“I thought she was very good in In The Name Of Love and she got the award for In The Name Of Love.

“But I thought she was even better in Unofficially Yours and I’m really proud of her and I’m so happy for her.

"I really admire what she’s done.”

Hindi ba siya nailang sa mapusok na karakter na ipinakita ni Angel dito?

“Not really because the acting’s very good I see Angel as a character rather than Angel [as herself] because I know Angel is not like that.”

Kaperaha ni Angel sa pelikula ang aktor na si John Lloyd Cruz, kung saan mayroon silang maseselang eksena.

Hindi ba siya nakaramdam ng selos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Phil, “No, no, no. I didn’t get jealous. That’s her profession I understand it.

“I understand her profession. She was working before she met me and the film was very, very good.”

Dahil nga sa closeness ng dalawa—na bagamat ayaw nilang lagyan ng label ay halos masasabing sila nga talaga—hindi ba kumukonsulta si Angel sa kanya bago siya tumanggap ng isang proyekto?

“She doesn’t need to.

"Like I said, she has been working before she met me and she’s an actress before she met me so she doesn’t need to consult me whether she [can take on a role or not].”

Nitong nakalipas na linggo ay nasubukan na rin ni Phil ang pag-arte bilang guest sa sitcom ni Angel sa ABS-CBN na Toda Max.

Kumusta naman ang naging karanasan ni Phil bilang aktor?

“I think mas kumportable ako sa loob ng field. It’s more difficult to act than to [play football].

“Actually, I admire even more the talent of actors and artistas and how they [work].

“I’ve admired Angel before, but to see what sort of things she has to go through, I really admire her; especially after winning all those awards, so I’m really, really proud of her.”

THANKFUL TO ANGEL. Bago pumasok ang Holy Week ay matatandaang nasangkot sa kontrobersiya ang Philippine Azkals.

Ito ay dahil sa mga komentong binitawan ng broadcast journalist na si Arnold Clavio sa programang Unang Hirit.

Dahil nasa Nepal noon ang grupo upang lumaban sa 2012 Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup, napilitang magsalita si Angel gamit ang kanyang Twitter account upang depensahan si Phil at kanyang mga kasamahan.

(CLICK HERE to read related article)

Ano ang masasabi ni Phil sa ginawang ito ni Angel?

“Angel is amazing. She’ll fight for anyone she loves and that’s the kind of person she is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel very happy and blessed and privileged that I have someone like Angel to defend me.

“Well, she didn’t just defend me, she defended the team, and she defended everyone involved.

“She’s very supportive of me and the team so it’s great to have her around.”

Hindi naman na pinili ni Phil na bigyang atensiyon ang isyung iyon at nagpasalamat na lamang sa napanalunan niyang award sa AFC, ang Golden Boot Award.

“Siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng teammates ko kasi kung wala sila, imposible [para sa akin] to win the award.

“So I’m very thankful to all my teammates. My award goes out to all of them.”

Ipinagpasalamt din ni Phil ang napanalunang Best Actress award ni Angel sa nakalipas na PMPC Star Awards for Movies.

“I think we’ve been very lucky and very blessed that she won an award, I won an award.

“[I congratulated her] and she congratulated me and she’s very proud of what I’ve done so I’m happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN