Part 1. Mariel Rodriguez on life after being married to Robin Padilla: "Mas bumait nga ako, mas less na yung pagiging maldita ko."

IMAGE Alquin Flores

Mariel Rodriguez on changes after marrying Robin Padilla: "Ano naman ako, e, hindi naman ako... kung ano ako before, hindi naman nagtsi-change yung core. Ako pa rin ito. It's just that na naging better ako, in a way, na mas compassionate ako sa mga tao. Kasi si Robin, he's that way, e. Kasi tayo minsan, 'pag pagod tayo or nagmamadali tayo... sabi ko nga, di ba, sobrang magandang example si Robin sa akin."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-guest co-host si Mariel Rodriguez sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi kahapon, March 17, para interbyuhin si BB Gandanghari.

Special request ni BB si Mariel para siyang mag-interview sa kanya dahil asawa ito ng kapatid niyang si Robin Padilla.

Bago sumalang si Mariel sa interview kay BB ay nakausap muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Broadway Centrum studio ng TV5.

WORKLOAD. Sa kasalukuyan ang variety-game show na Wil Time Bigtime ang regular show ni Mariel sa Kapatid network. Hindi niya ba gustong magdagdag ng trabaho?

Sagot niya: "Okey lang naman basta hindi masasagasaan yung Wil Time.

"Kasi hindi ako puwedeng mag-absent dun kasi live yung show namin, hindi naman maganda kung mag-a-absent ako.

"I can do it in the morning and hindi siya tatapat on a Sunday, kasi I don't work on a Sunday."

Pero pumayag na siya sa posibilidad ng isa pang hosting job, gaya ng Paparazzi, dahil Sabado naman itong ipinapalabas.

Sabi pa ni Mariel, "Alam naman nila 'yan na my schedule is very okay, from Monday to Saturday."

Hindi niya ba nami-miss yung buhay niya dati sa showbiz na?

"Segue-segue?" balik-tanong niya.

"Minsan naaalala ko, 'pag Saturday nun, tatlo ang ginagawa ko 'pag live [sa ABS-CBN].

"Nagwa-Wowowee ako. Tumatakbo ako, nagla-live ako, at sa gabi nagpi-PBB [Pinoy Big Brother] ako.

"Kapag naiisip ko yung life ko before, wow, grabe! Nakaka-miss rin naman kasi masaya rin, yung adrenaline, ganyan.

"Pero I cannot say na hindi ako nag-e-enjoy sa ngayon.

"Nakaka-miss, oo. Pero I can't say na I don't like my life now."

STILL BUSY. Sa mga araw na wala siyang schedule, ano ang ginagawa niya?

"Alam mo, believe it or not, hindi ko alam, pero I'm so busy. Sobra!

"Kasi I work out. 'Tapos yung needs... di ba, Robin has production, yung RCP Production? I help out there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron pa kaming foundation, meron pa kaming school.

"Lahat ng yun, I'm on top of it.

"So, it eats up a lot of my time."

Paano pumapasok yung responsibility niya bilang asawa?

"Ay, yun ang number one na hindi puwedeng mawala—yung responsibility as a wife.

"I don't cook, pero I make him prepare."

BONDING MOMENTS WITH ROBIN. Kapag araw ng Linggo, ano yung ginagawa nila ni Robin? Ano ang bonding moments nila?

"Bahay lang kami. Sobrang simple ng life namin.

"Important lang na magkasama kami, nagkukuwentuhan kami. Ganun lang naman kami.

"Siya rin, as much as possible, hindi niya ginagalaw yung Sunday niya," sabi ni Mariel.

Nabago talaga ang buhay niya?

"Oo, oo. Kahit ako, yung pananaw ko.

"Mas bumait nga ako, mas less na yung pagiging maldita ko... E, lahat naman yata maldita talaga."

MALDITA. Ano ba yung kamalditahang ginawa niya na hindi niya makakalimutan?

"Ano naman ako, e, hindi naman ako... kung ano ako before, hindi naman nagtsi-change yung core. Ako pa rin ito.

"It's just that na naging better ako, in a way, na mas compassionate ako sa mga tao.

"Kasi si Robin, he's that way, e.

"Kasi tayo minsan, 'pag pagod tayo or nagmamadali tayo... sabi ko nga, di ba, sobrang magandang example si Robin sa akin."

Kapansin-pansin na hindi na siya madaldal at hindi na rin siya masyadong hyper?

"Yung kadaldalan ko... siguro I know now to watch what I say...

"Kunwari 'pag nagkukuwentuhan with friends, alam ko na ngayon kung kelan dapat kung kailan hindi.

"I cannot say na alam na alam ko na—mas alam ko na, mas naku-control ko na ngayon."


ROBIN'S CHILDREN. Kumusta ang pagiging stepmom o second mom niya sa mga anak ni Robin?

"Ay, hindi ako gumaganun. Friend lang nila ako, oo.

"Nahihiya ako na... they have a mom, they have a wonderful mom na grabe ang sacrifices na ginawa at grabe ang love para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang talagang bonggang mom."

How does she attend to their needs?

"E, malalaki naman sila, e. So, there's not much need for me to...

"Basta, when they need me, they know that I'm just here.

"'Pag may kailangan si Kylie, 'pag may kailangan si Queenie, I'm just here.

"Whether it be... kunwari si Kylie, may kailangan siyang costume, wala siyang ganito, papahiram ko siya.

"Yung mga ganun na 'pag kailangan niya ng ganito na meron ako, no problem.

"Si Queenie naman... si Queenie kasi is going to design a line, Muslim wear. So, tutulungan ko siya doon.

"Magpu-put up na siya ng ganun na babagay rin sa kanya, babagay sa Muslim line."

Mukhang bilib na bilib at mahal na mahal siya ng mga anak ni Robin, paano niya nagawa yun?

"Naku, feeling ko kasi, nakikita nilang masaya yung dad nila.

"Yun yun, pag masaya ang dad nila, masaya rin sila."

BABY TALK. Sa kabilang banda, naitanong ng PEP kay Mariel kung kailan naman sila magbi-baby ni Robin?

"Ay, wala talaga," sambit niya.

"Sabi ko nga kay Ruffa [Gutierrez], she was saying na gusto niya kaming magkaroon ng morning show.

"Sabi ko, 'Game! 'Perfect! Ako walang anak, ikaw walang asawa, puwede tayo.'"


MARRIAGE CERTIFICATE. Napasigaw naman si Mariel sa kasiyahan nang matanong siya tungkol sa pagga-grant na ng kanilang marriage certificate ni Robin.

"Yesss!!" masaya niyang bulalas.

"I'm so happy and I also got my passport—Padilla na siya.

"So, lahat na nagsasabi na hindi totoo at hindi valid yung kasal namin..." sabay-dilang sabi ni Mariel.

HOLY WEEK. Ano ang plano nila sa Holy Week?

"This Holy Week, our plan is to be with the entire family.

"Siguro baka sa Nueva Ecija, kasi si Mommy Eva tiga-roon.

"Yun ang gusto naming ibalik—yung family values.

"Kasi, di ba, ganun yun, yung mga Catholic, magdadasal kayo... gusto ko sanang ibalik yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi normally, 'pag Holy Week, 'Sige! Saan tayo?'

"Pero wala akong against sa mga nag-e-enjoy. Naiintindihan ko naman yun.

"Katulad ko, ang totoo kong bakasyon, Holy Week."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN