Mommy Eva Cariño holds on to "son" BB Gandanghari's promise that he will never undergo sex change

IMAGE Alquin Flores / Noel Orsal

Mommy Eva Cariño on "son" BB Gandanghari: "Mas totoo ngayon kasi 'pag iniisip ko na ayoko... na hindi ko siya kayang tanggapin, hindi puwede kasi anak ko siya. Kaya tatangapin ko na siya kung ano siya ngayon, kung ano ang kabuuan niya."


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robin Padilla noong Miyerkules, March 21, inamin nitong hindi sila okay ng kanyang kuyang si Rustom Padilla—o mas kilala ngayon bilang BB Gandanghari.

(CLICK HERE to read related story.)

Kamakailan kasi ay dumating sa bansa si BB mula sa halos isang taon na paninirahan nito sa New York.

Isa sa isyung sinasabing maaring hindi matanggap ni Robin ay ang balitang nagpa-sex change daw si BB.

Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ina nina Robin at BB na si Eva Padilla Cariño noong araw ding yun, kinumpirma nitong totoong may hindi pagkakaunawaan ang dalawa niyang anak.

Pero sa kabila nito ay naniniwala si Mommy Eva na nagmamahalan ang kanyang mga anak.

Sabi ni Mommy Eva, "Hindi, ganito yun. Nung isang araw, kausap ko si Robin, sabi ko, 'Robin, sabi ni BB, parang feeling niya hindi mo siya tanggap.'

"Sabi niya, 'As kapatid, tangap na tanggap ko siya. Pero yung paniniwala namin, magkaiba.'

"Yung religion nga kasi [ni Robin] sa Muslim, hindi puwede 'yan. Yun naman ang explanation ni Robin sa akin.

"Wala naman akong magagawa kasi sa relihiyon ko, ganun din ako. Mayroong mga hindi dapat gawin.

"Sinabi kasi ni BB na nalulungkot siya dahil pakiramdam niya na hindi okay kay Robin.

"Sabi niya sa akin, 'Mama, hindi naman ako tanggap ni Robin. Alam ko Mama, feeling ko, hindi ako tanggap.'

"Sabi ko, hayaan niya muna. Pabayaan niya muna. Ipinaliwang ko na dahil sa religion nga."

THE OTHER PADILLA SIBLINGS. Hindi rin itinago ni Mommy Eva na maging ang iba niyang mga anak ay gaya rin ng nararamdaman ni Binoe (palayaw ni Robin) para kay BB.

"Mayroong okay, mayroong hindi rin.

"Tanggap nila as kapatid. Masasaya naman sila 'pag nagkikita-kita.

"Yung mga babae, parang hindi nila matanggap, pero nandiyan na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Royette, tanggap na raw niya; pati si Rommel, tangap na rin daw niya.

"Siyempre si Royette, Katoliko. At saka alam n'yo naman si Royette, kung anong nandiyan, sige lang.

"Si Rommel, ganun din. Tanggap din daw niya.

"Muslim din siya kaya lang siguro hindi lang niya nasasabi sa akin 'tulad ni Robin na prangkahan.

"Prangka yun. Sinasabi niya kung ano ang nararamdaman niya," patungkol ni Mommy Eva kay Binoe.

"Hindi naman siya nagagalit. Hindi niya kayang tanggapin nga kasi iba lang sila ng paniniwala, sa religion niya."

MEDIATOR OF HER CHILDREN. Bilang isang ina, si Mommy Eva ang tumatayong tagapamagitan ng kanyang mga anak.

"Ay, oo. Ako ang hirap na hirap talaga, magte-text ako, tawag.

"Yun na nga, sabi nila tanggap naman nila bilang kapatid.

"Pero yung kanya-kanyang religion nga, kanya-kanyang paniniwala sa buhay.

"Yun nga, 'Bakit gusto niyang maging babae, e, di naman siya babae?'

"Ang masasabi ko lang, nagkakasundo ang mga anak ko, natatanggap nila si BB as kapatid.

"Pero kami, iba-iba kasi ang mga religion namin. So, kanya-kanyang paniniwala.

"Yun lang ang naging diperensiya."

Diin pa ni Mommy Eva, "Nagmamahalan ang mga anak ko.

"Ang mga anak ko, once na umiyak ako, wala na. Walang nag-aaway."

HAPPY TO SEE BB AGAIN. Inang-ina naman na nagkuwento si Mommy Eva tungkol sa pagkikita nilang muli ni BB pagkatapos ng isang taong pagkawalay nito sa kanila.

"Siyempre, tuwang-tuwa ako. Masayang-masaya ako kasi almost a year din siyang nawala.

"Kaya nung sabing uuwi na siya, tuwang-tuwa ako talaga.

"Kaya nung nagkita kami, yakapan na... na parang hindi puwedeng maghiwalay."

Ayon pa kay Mommy Eva, naging maganda ang kauna-unahang pagkikikta ng mga magkakapatid kahit na ramdam niyang may konting ilangan.

"Nagkita sa LGF [Liwanag ng Kapayapaan Foundation], dun sa Fairview.

"Dalawa ang wala. Si Roda nasa Vietnam, dinalaw yung anak niya. Si Regilda nasa Taiwan naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya, medyo nagkakailangan kasi nakasuot-babae siya [BB].

"Si BB hindi siya naiilang, pero yung iba, naiilang."

ACCEPTANCE. Ayon kay Mommy Eva, bilang ina ay tinanggap niya nang buung-buo si BB.

Nakikita naman daw niya ngayon ang mga positibong pagbabago din ni BB.

"Tinanggap ko na, e. Noon kasi, hindi. Hindi, ganyan.

"So, nung yun na nga, tinanggap na namin ng mga anak ko, e, di okay na.

"Nung nag-BB Gandanghari na siya, e, di gusto niya nga magsuot na siya ng pambabae.

"Noong una, ganun din ang paniniwala ko—ayoko.

"Pero naisip ko din na wala akong magagawa. Kailangan mo talagang tanggapin.

"May salita si Rustom sa akin. 'Pag tinatawag ko siyang Rustom, 'Ma, patay na si Rustom,' sabi niya. 'Si BB na ako.'

"So, ibig niyang sabihin, mas masaya siya ngayon kaysa noong Rustom siya.

"Mas open siya ngayon sa akin. Mas naging close kami.

"Kasi noon, tuwing may interview siya, sinasabi niya na hindi ko siya mahal, di ba?

"Yun ang lagi niyang sinasabi.

"Ngayon, nagkakausap na kami, 'Anak, yung sinasabi mo na hindi kita mahal noon, kasi ikaw, masunurin. 'Pag inuutusan kita, agad-agad, ginagawa mo na. Samantalang itong ibang mga kapatid mo, hindi.'

"Yun kako ang hindi niya naiintindihan noon. Sabi niya, 'Oo, Mama, naiintindihan ko na.'

"Mas totoo ngayon kasi 'pag iniisip ko na ayoko... na hindi ko siya kayang tanggapin, hindi puwede kasi anak ko siya.

"Kaya tatangapin ko na siya kung ano siya ngayon, kung ano ang kabuuan niya."

AFTER HE BECAME BB? Binuksan din ni Mommy Eva ang nangyari noon na kahit pala sa kanilang pamilya ay nagtago si BB at hindi nagpakita nang aminin sa publiko ang totoo niyang kasarian.

"Dati kasi nagtago 'yan nung umamin na siyang ganun.

"Nagtago siya sa amin. Wala kaming koneksiyon sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala kaming balita hanggang sa umano na lang na nasa Makati siya.

"Tinawagan ko siya, bakit ayaw niyang magpakita. Sabi niya, magpapakita rin daw siya.

"Sabi ko, puntahan ko siya dun.

"Yun, nagpunta na ako sa Makati.

"Doon na ang umpisa, nagpupunta na rin si Robin, si Rommel...

"Si Royette, yun, hindi pa.

"Kapatid is kapatid. Noon, galit sila. Ang kinatatakutan si Royette.

"Sa isang pagkakataon, sa isang party ng Padilla, nandun si Royette saka si Rustom nagkita.

"Unang lumapit si Royette kay Rustom, niyakap niya."

Paglalarawan pa ni Mommy Eva sa suot ni Rustom noon: "Naka-pants lang siya, naka-blouse, nakahikaw."

SEX CHANGE? Sa hindi naman mamatay-matay na issue na nagpa-sex change daw si BB, pinanghahawakan ni Mommy Eva ang binitawang salita sa kanya ng anak.

"Hindi, kasi tinatanong ko siya, 'Nagpa-ano ka ba? Pangako mo yun sa akin.'

"Sabi niya sa akin, "Ma, di ba, nag-promise ako sa iyo na wala akong gagalawin sa katawan ko?'

"Nung bagong dating siya, yun ang una-una kong tinanong sa kanya."

Masaya rin si Mommy Eva sa bagong buhay at trabaho ni BB sa ibang bansa.

"Three months lang siya [dito]. Mayroon siyang ano sa Paris, modelling.

"Yun ang gusto niya, nagmo-model-model siya sa New York.

"After three months, pupunta sila ng Paris.

"Mayroon siyang project ngayon sa Viva, parang once a week lang. Hindi naman teleserye yun, once a week lang."

A MAN FOR BB? Tiyak na darating ang panahon na maaaring may ipakilalang lalake sa kanila si BB na sabihin nitong inspirasyon niya sa buhay.

Paano tatanggapin ni Mommy Eva sakaling dumating ang pagkakataong ito?

"Hindi ko pa masasagot 'yan. Hindi ko pa masabi na ayoko. Hindi ko pa masabi na gusto ko kasi siyempre, wala pa, e.

"Ewan ko 'pag nandun na," sabi ng Padilla matriarch.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN