Sarah Geronimo wears costumes worth six million pesos for 24/SG concert

IMAGE Allan Sancon (main); courtesy of VIVA (inset)

Heto ang sneak peek (inset) sa isusuot ni Sarah Geronimo sa birthday concert niyang 24/SG, sa ilalim ng direksiyon ni Paul Basinillo. Si Louie Ocampo ang musical director.


Sold out na ang 24/SG birthday concert ni Sarah Geronimo na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa July 7.
Marami ang excited, lalo pa't wardrobe pa nga lang daw ay bongga na!
May four costume changes ang dalaga, na sinasabing nagkakahalaga ng six million pesos.
Bakit ganoon kamahal?
Hindi na kami nagtaka nang malaman namin na ang Furne One, isang Dubai-based Filipino haute couture, ang gumawa ng mga damit niya.
Ang bawat set ng costume ng Furne, na may two to three parts, ay nagkakahalaga ng US$ 22,000 to $30,000 o kulang-kulang isang milyong piso.
MORE ABOUT THE DESIGNER. Si Furne ang may-ari ng sikat na Amato (meaning beloved) Haute Couture sa Dubai.
Nagsimula siyang makilala sa larangan ng pagdidisensyo noong 1994 at nakamit ang Young Designer of the Philippines Award dito sa bansa.
Sa naturang patimpalak, nakilala niya si Josie Natori, at kinuha siya bilang apprentice sa kanyang New York design house.
At doon, nakapag-explore si Furne at tuluyang nahasa ang kanyang galing.
Taong 2002, nagbukas ang kanyang Amato boutique sa Dubai, kung saan kinumisyon din siya ng Swarovski para mag-design ng glittering bridal dress na na-feature sa kanilang limited edition na Unbridaled.
Naging partner din ni Furne ang Swarovski sa pag-produce ng show-stopping collections para sa Crystalised Swarovski Elements.
Napansin din si Furne ng European fashion elite noong 2008 sa Germany’s Next Top Model, kung saan naging special guest designer siya sa season finale with Supermodel Heidi Klum.
Bukod pa rito, regular din si Furne sa runway ng international fashion week sa London, Dubai, Los Angeles, at Miami.
Sa paggamit ni Sarah ng mga likha ni Furne, magiging ka-level niya sina Katy Perry, Jennifer Lopez, Shakira, Nicole Scherzinger, Amber Rose at Nicki Minaj na kabilang sa Hollywood clients ng designer.
Kaya tama lang ang sinabi ni Sarah sa press conference ng 24/SG na ito ang kanyang dream concert.
Ginastusan daw ito ng Viva Concerts at ibinigay sa Pop Princess ang gusto nitong concept na mala-fantasy/fairy tale.

Pero ang inaabangan din siyempre ng mga fans ni Sarah, bukod sa kanyang mga guests sa concert, ay kung sino ang magiging very special guest niya.
Dumating kaya ang manliligaw niyang si Gerald Anderson? Manonood kaya ang isa pa niyang screen partner na si John Lloyd Cruz? Abangan!
Para sa mga naubusan ng tickets, puwede pang bumili para sa repeat concert niya sa July 21, a few days before her actual birthday on July 25.
Ang prices ng tickets ay P3,920 (Patron A), P3,360 (Patron B and Lower Box), P1,680 (Upper Box A), P840 (Upper Box B), at P448 (General Admission).
Available ang tickets sa lahat ng SM Ticketnet outlets sa SM Department Store Customers Service Area at sa Araneta Coliseum ticket booths.
For more details, call 911-5555 or Viva Concerts at 687-7226. You may also log on www.viva.com.ph and http://sarahgeronimo.ph.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN