Gina Alajar describes relationship with ex-husband Michael de Mesa: "Hindi ko sinasabi na we're best of friends... we're more than civil."

IMAGE Photo Courtesy of GMA-7

Gina Alajar singlehandedly sent her youngest son AJ to veterinary school in America.

"That's why I'm proud of it. You know the feeling that you were able to do something alone. Natapos siya. Nakita mong umakyat sa stage ang anak mo. Yung pride mo no'n na, I did it. Tapos na yun," she says.



Naniniwala si Gina Alajar na malaking bagay na napagtapos niya ng pag-aaral ang bunsong anak nila ni Michael de Mesa na si AJ Eigenmann.

Nagtapos si AJ ng veterinary medicine sa Amerika.

May nagtatanong kasi kay Gina sa press conference ng Hiram na Puso, ang panghapong serye niya sa GMA-7.

Ayon naman kay Gina, "Nakaraos na ko. Nakaraos na ko ng pagpapa-aral sa mga anak ko.

"Nagawa kong mag-isa. Yung ganoon ba, so, whatever it is, o sige na, wala na.

"Tapos na, e. Wala ka nang puwedeng habulin pa sa natapos na. So, because of that, I'm okay.

Hindi pa daw magkasundo ang kapatid ni Michael na si Mark Gil at ang ex-wife nito na si Jaclyn Jose.

"Siguro si Mark at Jaclyn, may unfinished business sila or whatever," ang sabi ni Gina.

"Kaya hindi ko alam kung bakit nagpi-pikunan pa rin sila.

"I'm not saying na hindi kami magpi-pikunan ni Michael. Pero siguro, ano yun, saka ko siguro mararamdaman.

"Ano yan, e, mga prinsipyo-prinsipyo. Kapag nasagasaan ng isa yung prinsipyo mo, nasagasaan na rin yung ego mo.

"O yung feeling mo na nabastos ka or something, away yun."

More than civil, or friends ang description ni Gina sa dating asawa na si Michael na kasama niya sa Valiente, teleserye sa TV5.

MORE THAN CIVIL. "Hindi ko sinasabi na we're best of friends.

"Kasi dati, kapag tinatanong ako, magkaibigan ba kayo? Civil lang, 'di ba?

"Ngayon, magkaibigan ba kayo? Oo. We're more than civil."

Anong meron sa pag-graduate ni AJ ng veterinary medicine na parang naging okay na sa kanya ang lahat with Michael?

"Yun nga, sinasabi ko nga, when my son graduated in college. AJ studied in the States.

"When he graduated, na-erase na lahat yun. Kasi, hindi naman sa sasabihing ginapang pero, I had to work todo-todo. Alam nila Ms. Redgie [Acuna-Magno], Ms. Lilybeth [Rasonable] yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan kong magtrabaho ng todo-todo para ma-finance ko ang pag-aaral niya."

Siya lang ba talaga ang solong umako ng pag-aaral ng anak sa States?

Aniya, "Oo naman. That's why I'm proud of it. You know the feeling that you were able to do something alone.

"Natapos siya. Nakita mong umakyat sa stage ang anak mo. Yung pride mo no'n na, I did it. Tapos na yun."

Nandoon naman ang pasasalamat ni Michael sa kanya?

"Well, hindi naman siya nag-thank you pero, hindi na kailangan. Basta, alam ko. Alam ng anak ko. Tapos.

"Hindi kailangan magpasalamat ang kahit na sino. But of course, ang anak ko, nagpasalamat sa akin for what he is now.

"Kaya sabi ko nga, after that, nag-iba ang takbo ng utak ko. Nag-iba ang perspective ko. Everything is okay. I'm cool."

Kamusta naman ang mga anak nilang sina Ryan, Geoff at AJ, ngayong nakikita nilang mas okay na sila ni Michael?

"Well, hindi naman mas masaya. Pero, tanggap naman nila yun.

"Kaya lang, there are times na may ano kasi, Michael is staying at Ryan's house while he's doing Valiente.

"So, pumupunta ako sa bahay nila Ryan to see my apo and we see each other there.

"There are times na, you know, nagkakasalo kaming kumain sa hapag, dinner.

"Nagkakakuwentuhan kami. May mga times na si Ryan, biglang sasambulat na, 'Uy, minsan lang mangyari 'to ah!'

"May mga ganoon. Pero otherwise, it's just normal. Parang normal lang."

GRANDPARENTS. Puwede bang sabihin na mas magaan na ngayon ang relationship nila ni Michael kahit na may iba na itong asawa?

Ayon kay Gina, "Sa akin, mas magaan na ang lahat. But siguro, sa mga anak ko, magaan din kasi nakikita nilang okay kami.

"Hindi kami nag-aaway. Hindi katulad noon na asiwa sila. Na baka kapag nagkita sila [mama at papa], magsampalan sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Well, he's still the father or my children and he's still the grandpa of Catalina."

Kinamusta naman namin ang lovelife ni Gina kung siya ba ay meron na rin?

Sabi naman niya, "Ngayon, wala. Wala, wala," at saka ito natawa.

Seryosong sabi rin niya, "Wala talaga. Trabaho lang."

May indie film din na ginagawa si Gina ngayon, ang Requieme mula sa direksiyon ni Loy Arcenas na pang-Cinemalaya.

Sa telebisyon naman, bukod sa Valiente, napapanood na nga siya bilang mabait na ina ni Kris Bernal sa Hiram na Puso.

Sinadya ba niya na pagkatapos siyang kainisan bilang Lamitan sa Amaya, ang sumunod niyang role ay yung mabait naman siya?

"Hindi ko sinadya. Siguro napag-isip din ng management ng GMA-7 na hindi naman puwede because Lamitan was so successful in doing that in Amaya, kailangang i-saturate na ganoon.

"Pero siguro kung ang offer sa akin is another kontrabida role, I might turn it down.

"Parang sunod-sunod. Parang gusto niyo na akong i-typecast ulit."

GOOD MOTHER ROLE. Sa Hiram na Puso, alam ni Gina na makaka-relate naman daw sa kanya ang mga nanay sa karakter niya.

"Katulad sa pagpapa-aral sa anak, gagawin mo ang lahat matapos lang.

"Kasi, may ginusto siya, gusto mong ibigay yun sa kanya. So, you'll do everything, di ba?

"And then, kapag nagawa mo yun, there is satisfaction na naibigay ko sa 'yo.

"Dahil sa pagmamahal ko sa 'yo, ibinigay ko sa 'yo lahat. Yung ganoon.

"Dito sa soap, mas malalim kasi physically ill ang anak, mas iba ang needs niya.

"So, as a mother naman, hindi ka uupo at tatanghod at tutulala na lang at hihintayin mo na lang na ibabagsak sa langit ang tulong.

"Kung hindi, gagawin mo ang lahat ng makakaya mo para matulungan mo ang anak mo na nangangailangan."

ON KRIS BERNAL. Kamusta naman si Kris Bernal na siyang gumaganap na anak niya sa Hiram na Puso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well you know, Kris is a very fine actress. She's one of those na very, very serious sa kanyang trabaho.

"She's one of those na hindi natatakot to experiment. Most of all, she's very intelligent.

"Naiintindihan niya kung ano ang ginagampanan niya. Naiintindihan niya kung ano ang requirement sa kanya."

Hindi naman ito nai-intimidate sa kanya?

"Hindi, hindi naman siya mai-intimidate kasi before pa this, nagkikita na kaming madalas sa GMA.

"I handled her in a workshop. Medyo relax-relax na.

"Kung medyo nai-intimidate man siya nang konti, I don't think it shows."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN