Gina Alajar on working with ex-hubby Michael de Mesa: "We are in good terms."

IMAGE Noel Orsal

Gina Alajar is proud to be called Lola: "Lola talaga ang gusto kong itawag sa akin, kaya lang nadidinig niya [Catalina Rae] si Ryan and Cathy... ang tawag sa akin ng mga anak ko, 'Madz', mother, mader... so it's madz. So, one time, all of a sudden, sabi ng apo ko sa akin, 'Madz... madz!' So, 'yun na ang tawag niya sa akin!


"We are in good terms," simpleng pagtukoy ni Gina Alajar tungkol sa kasalukuyang ugnayan nila ng ex-husband niyang si Michael de Mesa matapos ang ilan taon nilang paghihiwalay.

Recently, nagkatrabaho ang ex-couple para sa pilot week ng ongoing TV5 teleserye na Valiente.

"We played husband and wife. Okey naman," banggit pa ni Gina.

Ang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gina ay naganap noong February 20 sa first taping day at plug shoot ng Hiram Na Puso, ang bagong afternoon series ng GMA-7 na magsisimula na sa March 5.

Nang mag-report si Gina sa Hiram Na Puso set ay wala na siyang nabiting commitment sa TV5.

Aniya, "Para sa pilot week lang ako [sa Valiente], kaya lang, siguro masyadong mahaba yung materyal kaya umabot ng second week.

"Pero sa script nun, sa week one pa lang.

"Tapos na ang taping namin... natapos ko na yung part ko."

Ayon pa sa premyadong aktres, masaya siya sa maikling panahong pagta-trabaho with TV5.

"Oo naman. Wala namang hindi dapat ikasaya."

Alam ba ni Gina na magkakasama sila ng dating asawang aktor nang tanggapin niya ang Valiente?

"Oo, alam ko at saka... no, no, no, walang gano'n..." nasambit ni Gina bilang pagtukoy na rin sa posibleng maging isipan na nagkaproblema siya sa pagtanggap ng naturang guest role sa teleserye.

Dagdag pa niya, "Si Michael kasi lives in my son's house—in Ryan's house.

"So, while he's here... Di ba, taga-Amerika na siya?

"Bago pa mag-shooting ng Valiente, pumunta kami sa bahay ni Ryan."

Kasundo rin naman ni Gina ang kanyang manugang kay Ryan na si Cathy Eigenmann.

DOTING LOLA. Ang isa pang katuwaan ni Gina, na something in common nila ni Michael, ay ang pagiging doting grandparent sa una nilang apo.

Nagkuwento si Gina tungkol sa bagong yugtong ito ng buhay nila ni Michael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pareho kaming lokong-loko sa apo namin!" masayang sabi niya.

"Talagang we both love our granddaughter, so wala kaming naging problema ni Michael."

Ryan and Cathy's daughter is named Catalina Rae, who's now 18 months old.

"I'm a doting lola!" bulalas pa ng aktres.

Bukod kay Ryan, dalawa pang lalaki ang naging supling nina Gina at Michael: sina Geoff at AJ. Si AJ ay naka-based sa U.S.

Pareho pang unmarried ang dalawa pero may steady girlfriends naman sila at the moment.

Si Geoff ay boyfriend ng popular young actress na si Carla Abellana.

Bilang grandmother, ano ang gusto niyang itawag ng kanyang apo o magiging mga apo sa kanya?

"Lola talaga ang gusto kong itawag sa akin.

"Kaya lang nadidinig niya [Catalina Rae] si Ryan and Cathy... ang tawag sa akin ng mga anak ko, 'Madz', mother, mader... so it's Madz.

"So, one time, all of a sudden, sabi ng apo ko sa akin, 'Madz... madz!'

"So, yun na ang tawag niya sa akin!" natawa si Gina.

MABAIT FOR A CHANGE. Nabanggit din ni Gina sa PEP ang tungkol sa kanyang role sa bagong afternoon soap ng Kapuso network, ang Hiram Na Puso.

"I play the mother of Kris Bernal.

"Nurse ako dito, 'tapos gagawin ko ang lahat bilang ina para ma-save ang anak ko," banggit niya.

Totoong mag-ina ang gagampanan nina Gina at Kris Bernal, pero somehow magkakaroon ng kaugnayan si Kris sa buhay ng mag-asawang Gardo Versoza at Ayen Munji-Laurel na may dalawang anak—sina Krystal Reyes at Bela Padilla.

Mabait ba siyang ina sa kuwento?

"Depende, o kung ano yung sitwasyon," sabi ni Gina.

"'Pag okay ang sitwasyon, mabait naman siya. Pero 'pag kailangang... hindi naman siya mataray."

Lately ay na-identify bilang kontrabida si Gina dahil sa ginampanan niyang "evil character" sa epic-seryeng Amaya, kunsaan gumanap siya bilang Dian Lamitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Amaya lang naman ako kontrabida," paglilinaw niya.

"Siguro in my entire career o sa buong buhay ko, mga tatlong beses pa lang ako nag-kontrabida.

"Una akong nagkontrabida, sa Kambal Sa Uma, sa TV. Si Melissa Ricks at si Shaina [Magdayao] ang leads. Dun ako unang-unang nagkontrabida.

"Pagkatapos, parang medyo comedy-comedy, yung sa Trudis Liit," banggit ni Gina sa pinagbidahang soap ng child actress na si Jillian Ward.

Dagdag pa niya, "Ano lang yun, light lang, comedy na parang naglalaro lang.

"And then, yung next, Amaya na.

"Hindi ko lang alam kung bakit nabansagan ako agad na kontrabida.

"I've done it only three times."

ADVANTAGE. Para kay Gina, hindi sagabal sa kanyang growth as an artist ang pagganap ng suporta o kontrabida.

Sabi pa nga niya, "I think it's an advantage because at least people would not think na one-dimensional lang yung kaya kong gawin. Na ang kaya ko lang ay mag-drama o umiyak.

"Nung hindi pa ako nag-a-Amaya o nung hindi pa ako nag-uumpisang gumawa ng ganyang roles, hindi ako ma-picture na, let's say sa casting table... hindi nila ako ma-picture kung may roles na supposed to be mataray, na kontrabida, ganyan.

"Kasi ang naka-picture lagi is... yung mabait, na api-apihan, na hindi lumalaban. Yung ganun lagi. 'Tapos, sa drama.

"Hindi nila ako ma-picture na lumalaban at nagpa-plot [ng evil schemes], di ba?

"After Amaya, I think I've proven that they can see me in a different way."

At fulfilling ito kay Gina sa puntong ng pagiging accomplished actress niya.

"Correct! Of course!" sambit niya.

ENJOYMENT. Masasabing wala nang dapat patunayan si Gina sa maraming aspeto ng kanyang career sa pagganap—o sa pagiging isang direktor—at ine-enjoy daw niya ang panahong ito, lalo sa mga trabahong pang-TV.

"Yeah, kasi wala namang [masyadong] pelikula," katuwiran niya.

"As an actor, you need to earn, you need work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung nasaan ang work, di ba?

"I just have to be thankful [for the opportunities]. Kasi merong ibang mga artista sa pelikula who didn't make it on television, di ba?

"At least kami, nangyari nga na naging television people kami. Alam mo yun?

"Whatever it is, I really don't mind."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN