Michael de Mesa resumes acting career in the Philippines; reveals reasons for leaving three years ago

IMAGE Courtesy of TV5

Michael de Mesa on pursuing a career in Hollywood: "Well, I want to. I mean, it's a... I think it's every actor's dream, it's my dream. Pero mahirap, e, kasi hindi ako nag-iisa, e, di ba? So, mahirap naman yung habang hinihintay ko yun, iba yung gagawin ko. Okay lang sana kung ako lang mag-isa, but I recently got married. 'Tapos, I have a stepdaughter, so meron din akong sinusuportahan. I really needed a more stable job. Ngayon, kung dadating yung chance, okay din. I mean, open


Nasa Pilipinas ngayon si Michael de Mesa.

Umuwi ng bansa si Michael para gawin ang remake ng dating TV series na Valiente, na ginagawa ngayon ng TV5.

"Sabi nila, 'Ire-remake namin ang Valiente, gusto ka naming kunin,'" banggit ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mensahe ng Kapatid network sa kanya.

Kung ibang project, hindi siya papayag?

"Marami ng offers before, e. Dito lang talaga, e."

Mananatili raw si Michael sa Pilipinas hanggang matapos ang taping ng Valiente.

THEN & NOW. Sa orihinal na serye, ayon sa Wikipedia, umere ang Valiente sa ABS-CBN mula 1992 hanggang 1995, at nalipat ito sa GMA Network mula 1995 hanggang 1997.

Sina Michael de Mesa at Tirso Cruz III ang gumanap noon sa mga pangunahing papel.

Sa bagong version ng Valiente, si JC de Vera ang gaganap sa dating role ni Michael at si Oyo Sotto naman ang gaganap sa role ni Tirso.

Si Michael ang gaganap bilang ama ni JC.

"It's exciting!" bulalas ng nagbabalik na aktor.

"I'm treating it as a totally different project, kasi siyempre iba na yung istorya.

"It's more detailed, mas maraming characters.

"So, para siyang bago, para siyang bago na teleserye."

May mga tips ba siyang ibinigay kay JC?

"Well, pag ano naman, sabi ko sa kanya, kung meron siyang questions, I'm open. He can come and just ask me.

"And so far, wala pa naman siyang tinatanong, e."

Bukod sa Valiente, na hindi niya matanggihan, irresistible din ba ang offer na talent fee ng TV5?

Tumawa muna si Michael bago sinabing, "Sabihin na lang natin na, ano, everybody happy!

"Maganda ang offer nila, lahat ng ni-request ko, ginrant naman nila, e.

"Kaya, di ba, papaano ka pang makakahindi?"

WHY HE LEFT. Pero bakit nga ba siya umalis ng Pilipinas upang manirahan sa Amerika?

Ayon kay Michael, "Maraming factors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First, pinaka... I guess, was frustration, yung sa sistema, yung ganun.

"Hindi ko na siya kinaya, mga ganun.

"Tapos, I also needed to establish residency for my citizenship.

"So, kumbaga, iyon na yung timing kasi greencard holder kami since '98.

"So, if I want to become ano, a citizen, kailangang mag-stay ako dun nang matagal, nang dire-diretso."

Tatlong taon na raw siya sa Amerika.

Kailan maga-grant ang citizenship niya?

"Mga one more year na lang," sabi ni Michael.

Mukhang hindi masyadong malinaw ang ibang binanggit ni Michael na dahilan kung bakit siya umalis ng Pilipinas, kaya tinanong namin siyang muli: Ano ang tinutukoy niyang sistema na hindi niya kinaya?

"Ang nangyari kasi sa akin, long story...

"Yung The Wedding, nag-taping kami, 'tapos nag-decide silang i-cancel yun."

Ang The Wedding ay ang teleserye ng ABS-CBN noong 2009 na pinagbidahan nina Anne Curtis, Zanjoe Marudo, at Derek Ramsay.

"So, pag-cancel nila dun, hindi ako... meron akong offer sa GMA na hindi namin matanggap, kasi bibigyan ako ng kapalit ng ABS.

"So, dumating yung kapalit, iyon yung narserye [teleserye tungkol sa mga nars], yung kay Juday [Judy Ann Santos]—na ang tagal-tagal mag-taping.

"Siguro one taping in two months, putul-putol, paiba-iba ng direktor, paiba-iba ng script.

"And then, all of a sudden, nag-decide silang i-rewrite yung buong material, pinalitan nila yung buong cast, na hindi 'pinapaalam sa akin.

"Nalaman ko na lang hindi na ako kasali."

Natuloy ang narserye na pinagbidahan ni Judy Ann—ang Habang May Buhay, na ipinalabas noong 2010.

Patuloy ni Michael, "So, iyon yung parang last straw, sabi ko, 'Aaahhhh! Ayoko na!'"

"So, nagsabi na ako na aalis na ako. Sinabi ko kay June [Rufino, his manager] na aalis na ako.

"So, nung sinabi ko yun, nung binitawan namin yun, nag-decide ang ABS na gawin ulit yung The Wedding.

"So, in the process, habang nangyayari lahat iyon, isang taon halos... I think it was one year wala akong trabaho, as in wala akong trabaho ng isang taon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'A, hindi puwede ito! Hindi puwede ito!'

"Umalis na ako."

LIFE IN THE STATES. Sa Orange County, California—isang largely White and very manicured area with wide streets and strict rules on architecture and lawns—naninirahan si Michael.

Doon ay nagtrabaho siya bilang director of marketing ng isang ambulance provider.

Sabi pa ni Michael tungkol sa kanyang trabaho, "So, nasa field ako, pumupunta ako sa mga hospitals, sa mga nursing homes, sa mga assisted-living.

"'Tapos, aside from marketing, I'm also a BLS [Basic Life Support] instructor.

"Yung nagtuturo ako ng CPR at saka first aid sa mga nurses, sa mga caregivers—iyon ang mga tinuturuan ko."

Mababait daw ang mga boss niya, kaya pinayagan siyang mag-leave muna habang nandito sa Pilipinas para gawin ang Valiente.

May balitang sinubukan niyang magkaroon ng career sa Hollywood, pero nilinaw ito ni Michael.

"No naman... well, I want to.

"I mean, it's a... I think it's every actor's dream, it's my dream.

"Pero mahirap, e, kasi hindi ako nag-iisa, e, di ba?

"So, mahirap naman yung habang hinihintay ko yun, iba yung gagawin ko.

"Okay lang sana kung ako lang mag-isa, but I recently got married.

"Tapos, I have a stepdaughter, so meron din akong sinusuportahan.

"I really needed a more stable job.

"Ngayon, kung dadating yung chance, okay din.

"I mean, open na open ako for that, hindi ko pa siya inaalis sa dreams ko."

GINA ALAJAR. Kasama rin ni Michael sa cast ng Valiente ang ex-wife niyang si Gina Alajar at ang kapatid na si Mark Gil.

"Actually, tapos na siya [mag-taping], sa ano lang sila ni Mark, sa first week.

"So, parang guest lang sila, 'tapos mag-asawa yung role namin."

Dagdag pa niya, "Okay kami ni Gina, wala kaming problem."

Nabanggit din ni Michael na ang una niyang pelikula, ang Cofradia (1973), ay pinagbidahan ni Gina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Introducing ako dun, first movie ko yun," sabi niya.

THE EIGENMANNS. Sa pagbabalik ni Michael sa pag-arte, active na ulit silang magkakapatid sa showbiz—siya, si Mark Gil, at si Cherie Gil.

Nakita na rin daw ni Michael ang apo niya sa panganay na anak na si Ryan Eigenmann.

"Iyon din ang isa pang dahilan, kaya nung dumating yung offer ng Valiente, parang chance ko na ring makita yung apo ko.

"Kasi hindi ko pa siya nakikita since she was born, e.

"Puro video, puro Skype, puro pictures—si Catalina.

"Kaya nung nakita ko siya face-to-face, naiyak ako, e. Oo, iyak ako talaga.

"Siguro mga thirty minutes akong humahagulgol.

"First apo, babae pa," sabi niya.

Ano naman ang masasabi ni Michael sa magandang nangyayari sa career ngayon ng second child niyang si Geoff Eigenmann?

"Naku, grabe! Sobrang proud ako sa batang iyon, sobra!

"He is such a hardworker. I'm ano talaga, hats off," sabi niya.

Nakilala na rin daw niya ang girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana.

Pinuntahan daw siya ng magkasintahan sa Amerika noon.

"Yeah, they stayed with me for while, for the weekend.

"Sandali lang sila, kasi sobrang busy, show lang, nag-promote lang.

"Ano lang yata sila doon, three days."

Paano kung magpaalam si Geoff na magpapakasal na sila ni Carla?

"If he's ready, so... pero hindi pa siya ready, e.

"Alam ko si Geoff, he still wants to buy his own place, his own house.

"Pero wala akong negative na feelings if ever he wants to get married.

"Hindi ako tututol kung si Carla ang pakakasalan niya.

"I like Carla, Carla is a nice girl, 'tsaka feeling ko, ang ganda ng magiging mga anak nila."

Magkaibigan din daw sila ng ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana.

"Okay naman, yeah, we've worked together a couple of times.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos, nagkakasama kami sa basketball. Okay kami ni PJ."

Hindi raw nasaktan si Michael nang lumabas ang balitang tila hindi pabor si PJ kay Geoff noong nagsisimula pa lang ang relasyon nina Carla at Geoff.

"Narinig ko yun, pero siguro ano lang yun, pakiramdam ng isang tatay na pinag-iingatan yung kanyang princess.

"But, you know, I guess he got to meet Geoff, nakilala niya kung ano yung pagkatao ni Geoff.

"So, I guess okay naman," sabi ni Michael.

Ang bunsong anak naman ni Michael na si AJ ay sa Las Vegas na raw naninirahan.

Kuwento ni Michael, "AJ is doing very well in Las Vegas.

"He's working as a veterinary technician.

"It's like a veterinary nurse, nagwo-work na siya sa animal hospital.

"He's doing very well, okay naman siya doon."

WILL HE STAY? Pagkatapos ng Valiente, kapag may dumating na offer, tatanggapin niya?

"Depende, depende sa maraming bagay.

"Kasi ano, e, kumbaga nag-establish na ako ng life sa States, e.

"Although I have family here, I have nothing else.

"Lahat, when I left, I got rid of everything.

"Kumbaga, I sold everything, so lahat ng ano ko ngayon, nasa Amerika.

"After I get my citizenship siguro, mas madali nang mag-decide.

"Pero for now, dun ako naka-focus na makuha ko yun, and then we'll see after that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN