Dolphy: The People’s National Artist

IMAGE Courtesy of RVQ

Comedy King Dolphy, ever since he was diagnosed with Chronic Obstructive Pulmonary Disease, said he’s ready anytime to meet our Creator: “The inevitable will come. Kung dumating na ang oras mo, hindi ka na kokontra, wala ka nang magagawa. It's your time. Sabi nga nila, alam mo, pag malapit na. You feel it.”


Hindi na kaila sa marami ang pagiging mahina ng pangangatawan ni Dolphy.

Sumailalim na siya sa ilang mga operasyon, kasama na ang heart bypass operation.

Sa lahat ng ito’y naging matatag ang Comedy King, at patuloy na nagdala ng katatawanan at saya sa bawat Pilipino.

Ngunit ngayong taon 2012, kinailangan nang huminto ni Dolphy sa paggawa ng ilang proyekto mapa-telebisyon man o pelikula.

Unti-unti nang pinahina ang komedyante ng kanyang sakit na Chronic Obstructive Pulmunary Disease.

Ang Chronic Obstructive Pulmunary Disease o COPD ay isang kundisyon kung saan nahihirapan sa paghinga ang isang tao dahil sa hindi maayos na paglabas-masok ng hangin sa kanyang baga.

READY FOR DEATH. Bago pa man siya tuluyang humina, tila napaghandaan na ni Dolphy ang huling bahagi ng buhay, ang kamatayan.

Ayon sa artikulong lumabas noong Hunyo 21 sa ABS-CBN News, ilang beses nang sumagi sa kanya ang kamatayan.

Isinalaysay niya sa kanyang biography Dolphy: Hindi Ko Ito Narating Mag-Isa ang ilan sa mga karanasang ito.

Una na diyan ang nangyari noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas. Nagbibiyahe nang nakasakay sa tren noon si Dolphy nang mahulog raw mula sa tren ang kanyang katabi sa upuan.

Naroon din ang pagkakataon kung saan lumubog ang barkong sinasakyan ng kanyang “entertainment troupe” noon.

Ngunit ang pinakahindi niya makalimutan ay noong Hulyo 16, 1990, nang mayanig ng malakas na lindol ang Baguio City.

Kuwento ni Dolphy, “Papunta sana kami ni Zsa Zsa [Padilla] sa Baguio, sa Hyatt Hotel kami titira, no'ng malaking lindol ng July 16, 1990.

“Nag-request lang ang Evergreen Films, producer ng Atorni Agataon: Abagodong de Kampanilya, na mag-straight shooting days kami dahil pupunta si Vivian Velez sa Amerika.

“Kaya ayun, no'ng Lunes na 'yon lindol. Andon ako sa Luneta Theater, nagtatrabaho. Gumuho ang Baguio City Hyatt; 50 ang patay.”

Ngunit nang malaman nga ng komedyante na may COPD siya, doon niya sinabing “inevitable” ang kamatayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “The inevitable will come. Kung dumating na ang oras mo, hindi ka na kokontra, wala ka nang magagawa.

“It's your time.

“Sabi nga nila, alam mo, 'pag malapit na. You feel it.”

Kanya rin kinumpirma ang matagal nang tsismis na bumili na siya ng kanyang kabaong.

“Matagal na itong chismis; I will confirm it.

“Mayro'n na nga akong kabaong bronze. No'n ko pa kinuha.

“Isa din ako sa kauna-unahang bumili ng family estate plan sa Loyola Memorial Park sa Marikina.”

NATIONAL ARTIST. Simula nang hindi na napapanood sa telebisyon si Pidol (palayaw ni Dolphy), muling nabuhay ang isyu tungkol sa karapat-dapat na nominasyon niya sa National Artist Award.

Ito’y lalong naging mainit nang lumabas ang ilang suhestiyon ng mga pulitiko na dapat gawaran ng naturang parangal sina Nora Aunor at Vilma Santos.

Ngunit isa sa mga pulitikong tumutol dito’y si Senator Jinggoy Estrada. Para sa kanya, bago ang dalawang aktres ay dapat maunang ibigay ang parangal kay Dolphy.

Ani Senator Estrada, “Si Dolphy matagal na dapat.

“Dapat igawad na sa kanya yung pagiging National Artist habang buhay pa siya, hindi natin alam.

“Kasi hindi na maganda kalagayan niya.

“Sana maigawad sa kanya ng Aquino administration ang pagiging National Artist.

“Kasi sa case ni Dolphy, nag-iisa lang siya, wala siyang rival o ka-rivalry unlike yung iba.

“Kahit dun sa mga contemporaries niya, naiiba siya, angat siya.

“Siya lang ang naghahari ng comedy noong araw, and until now, wala pang nakakapantay sa mga natamo niyang tagumpay.”

(CLICK HERE for related article)

Ang opinyong ito’y sinang-ayunan din ng ilan mula sa religious sector.

Lumabas sa artikulo ni Leslie Ann Aquino sa daily broadsheet na Manila Bulletin noong Hunyo 23, ang mga pahayag na ito ng ilang Obispo.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines: “Honor should be given to the living if he deserves it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dolphy has entertained our nation with wholesome comedies generally.”

Ganito rin ang opinyon ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez: “His many television shows and movies that entertained millions also portrayed values such as love for children, simple lifestyle, humility, respect, hard work, self-reliance, teamwork, sincerity, compassion, obedience to law, self-discipline, and sense of responsibility, among others.”

Ang panawagan ay sinuportahan din ng mundo ng showbiz, na ipinahayag ni German “Kuya Germs” Moreno, na lumabas sa artikulo ni FRJ sa website ng GMA News noong Hunyo 23.

“'Wag naman nating ipagkait ang isang bagay na hindi naman dapat pagtalunan,” wika ni Kuya Germs.

“Kasi proven naman, e. May katibayan naman. Best actor, lahat na nasa kanya. Life Achievement Award, yun pa.

“Sana magising naman sila, matagal na silang tulog, e. Wala ngang tulugan, e.

“Sabi nga ng pamilya, ng mga anak, hindi nga ‘yan ang mahalaga sa amin, e. Ang ano yung buhay ng papa namin.

“Sa’n nangagaling ang kahilingan? Sa taong bayan mismo nanggagaling. Nagda-doubt pa sila?”

ALREADY A NATIONAL ARTIST. Bagamat marami na ang nagsusulong na maging National Artist si Dolphy, hindi na ito malaking isyu para sa pamilya ng komedyante.

Una nang sinabi ni Eric Quizon, anak ni Dolphy kay Alice Smith, na ayaw na ng kanyang ama na magkaroon ng isyu tungkol sa naturang parangal.

“Like what I said before, he’s been nominated so many times, but this was like what, fifth nomination, and it has been elusive, parating hindi napupunta sa iba.

“His stand is, if he gets it, thank you; if he gets it, thank you for nominating him.

“Kumbaga, parang ang inaano lang niya, sana ‘wag naman gawan ng issue.

"‘Yong parang feeling niya, ‘Hindi naman ako ang nagla-lobby, e, hindi naman ako ang naghahangad niyan,’ sabi niya.

“Maski naman ang family namin, hindi kami nagla-lobby, e, hindi naman kami ang nagla-lobby for that, ‘no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ibang mga tao ang nagla-lobby niyan and naglalaban para sa kanya.

“Ang ayaw niya lang is magkaro’n ng issue, parang gano’n nga because… I think they’re all deserving.

“Whoever is nominated, they all have given so much for the country in the best way that they can, so not just through their body of work, but also in their contribution.”

Para naman kay Vandolph, na anak ni Dolphy sa aktres na si Alma Moreno, mabigyan man ng National Artist Award ang kanyang ama o hindi ay hindi ito problema.

“Ako, bahala na sila,” sagot ni Vandolph nang tanungin siya ng ABS-CBN News sa artikulong lumabas noong Hunyo 22, tungkol sa paggagawad ng National Artist Award kay Dolphy.

“Pero pag ganun naman parang too late na, pero kung itutuloy nila, thank you pa rin. My dad will be really happy, of course.

“Idol ko yun, e.

“I was born and raised beside him. Kahit comedy, movies andun ako sa tabi niya, so lahat yun tinitingnan ko.

“Nung bata ako tinitingnan ko lang siya, paano ba ginagawa ng tatay ko 'to. Mahirap gayahin po yun, nag-iisa lang yun.

“For me, national artist na ng buhay ko ang tatay ko noon pa.”

WHY NOT NOW? Ang malaking katanungan ngayon ng marami, bakit hindi pa rin naitatanghal si Dolphy na National Artist?

Kung tutuusin kasi, ayon sa artikulo ni Mark Ching dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hunyo 22, pasok naman ang komedyante sa mga criteria para sa naturang parangal.

Sa kanyang pag-analisa, na base sa criteria na nakalahad sa website ng National Commission for Culture and the Arts, “Una, Filipino citizen ang Comedy King.

“Pangalawa, malaki ang kontribusyon ni Dolphy sa pelikulang Pilipino, at sa mundo ng komedya.

“Pangatlo, maraming mga komedyante sa ngayon ang makapagsasabing ang magaling na istilo ni Dolphy sa pagpapatawa ay nagbigay-inspirasyon sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pang-apat, higit isandaang pelikula na ang nagawa ni Dolphy, at ilan sa mga ito ay matatawag na importanteng bahagi ng pelikulang Pilipino. Halimbawa nito ay ang Jack en Jill, Facifica Falayfay, at Darna Kuno.

“Panghuli, hindi na mabilang ang mga karangalang natanggap ni Dolphy. Hanggang sa ngayon ay respetado rin siya sa industriyang kanyang ginagalawan.”

Hinid naman naiiba dito ang opinyon ni Pangulong Ninoy “Noynoy” Aquino III.

Gayunman, ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, walang kapangyarihan ang pangulo na gawaran si Dolphy ng National Artist Award dahil na rin sa TRO ng Supreme Court.

Paliwanag ni Lacierda, “There is a process in selecting the National Artist.

“Right now, there is an ongoing case before the Supreme Court and I understand there is a status quo or a TRO that is pending before the Supreme Court.”

Ang sinasabing TRO mula sa Supreme Court ay may kaugnayan sa insidente noong 2009, kung saan ginamit ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo ang kanyang “President’s Prerogative” upang palitan ang mga idedeklarang National Artist.

(CLICK HERE for related article)


NOMINATED. Samantala, nagbigay naman ng reaksyon ang NCCA tungkol sa isyu ng pagnonomina kay Dolphy para sa National Artist Award.

Ayon sa post ni Atty. Trixie Angeles, ang legal officer ng NCCA, sa kanyang Facebook account, isa si Dolphy sa mga “nominated” para sa naturang parangal sa taong ito.

Gayunman, maaaring matagalan daw ang proseso ng page-evaluate nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

“The selection of National Artists is a long process, sometime taking up to two years. That Mang Dolphy has not been awarded the recognition yet does not reflect on the government's or the arts sector wanting or not wanting to do so (in short, its not Pres. Noy's fault). For a while, a misappreciation by the NCCA Board members of the effect of the Temporary Restraining Order on Carlo Caparas et al, led to a temporary suspension of the search process. However, with the assumption of the new members of the Board in 2010, the process has again been put back on track.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For the moment we understand that Mang Dolphy has been nominated and is now undergoing the process of evaluation—along with other noteworthy artists. In the meantime, we continue to pray for his recovery and return to full health.”

Ngunit, hindi na nahintay ng Comedy King na tanghalin siyang National Artist.

Kahapon, Huluo 10, ay pumanaw na si Comedy King Dolphy, 83 years old, dahil sa “multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure."

(CLICK HERE for related article)

Ngunit, pumanaw man ang Hari ng Komedya, hindi siya malilimutan kailanman ng mga Pilipino—katulad ng sinabi ni Florante sa kanyang awit na “Handog,” “Tatanda at lilipas din ako / Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong ala-ala / Dahil, minsan, tayo’y nagkasama…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN