Iza Calzado on being a Kapamilya: "With all humility, I'm ready to shine."

IMAGE Noel Orsal

Iza Calzado on her decision to move to ABS-CBN: "Gusto kong mag-evolve. Gusto kong matuto. Hindi naman sa hindi ko magagawa yun sa dati kong network [GMA-7]. Pero alam ko na mas matsa-challenge ako, mas marami akong matututunan sa mga bagong tao na katrabaho ko kapag nga lumipat ako dito. New environment."


Nagsimula sa ASAP 2012 ang pagwe-welcome ng ABS-CBN kay Iza Calzado bilang isang Kapamilya kahapon, January 29.

Sinundan ito ng live interview niya sa The Buzz, kunsaan si Boy Abunda ang nag-interview sa kanya.

Nang i-welcome ni Boy si Iza, excited namang sinabi ng aktres na:

"Thank you, Tito Boy! I am so excited to be on The Buzz!

"Sorry, sorry ha...kasi pinapanood namin ng nanay ko 'to tuwing Linggo. Ten or twelve years ago pa.

"When she was still around, we will watch it tuwing Sunday."

Ang ina ni Iza ay ang yumaong si Mary Ann Ussher, na may dugong Irish/Spanish/Filipino.

IZA'S STATE OF MIND. Pagkatapos nito ay kinumusta ni Boy ang state of mind ni Iza at tinanong kung bakit siya lumipat.

"Ang state of mind ko kasi ngayon, at siguro doon na rin manggagaling ang rason kung bakit ako lumipat...

"Sinabi nga ng kaibigan kong si Chesca [Litton], gusto ko talaga ng bagong adventure.

"Gusto kong mag-evolve. Gusto kong matuto.

"Hindi naman sa hindi ko magagawa yun sa dati kong network [GMA-7].

"Pero alam ko na mas matsa-challenge ako, mas marami akong matututunan sa mga bagong tao na katrabaho ko kapag nga lumipat ako dito.

"New environment."

Dugtong pa ni Iza, "You know, I wanted to shake things up in my life.

"Normally kasi, naano ako sa pagkatao ko, na-discover ko and through the years, gusto ko talaga natsa-challenge ako.

"May iba-ibang klase ng tao, di ba, Tito Boy?

"Yung ibang tao, okay sila na kampante sila. Okay sila sa zone na yun.

"Ako hindi, e.

"Ako, in order for me to fly, I need to be challenged.

"Kailangan, I'm on my toes all the time."

THE COMPETITION. Diretsahang sinabi ni Boy kay Iza na matindi ang competition sa Kapamilya network.

Pinangalanan din niya ang ilan sa top female Kapamilya stars gaya nina Bea Alonzo, KC Concepcion, Cristine Reyes, at Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naiisip ni Iza na mag-survive ngayong Kapamilya na siya?

Tila nakahanda naman si Iza sa tanong na yun.

Nakangiti niyang sabi, "Very good question, Tito Boy. Alam ko 'yan, e.

"Marami na ang nagtanong sa akin niyan: How do I intend to survive?

"Alam ninyo kasi, Tito Boy, ako, kahit anong gawin ko... Minsan nga, kahit hindi na tama, I always find a way to prove myself.

"Basta ako, gagawin ko lang ang trabaho ko. I would always give my best.

"Sabi ko nga, if you're destined to shine in something, you will.

"Kahit tapakan ka pa ng ibang tao, kahit pigilan ka pa. Basta may hard work din siyang katapat, Tito Boy.

"Of course, I will give my 100 percent."

Hirit ni Boy, palaban daw si Iza.

Sabi naman ng aktres, "Yes. Hindi ako palaban na nakikipag-away ako. It's not my game.

"And I believe that my journey is so special na hindi ko puwedeng isantabi lang yun at iwanan yung landas na ibinigay sa akin ng Diyos.

"At saka, ang special talaga ng story ko, sa tingin ko ha, and for Him to place me here now, is just a big gift.

"Kailangan, I have to maximize that, e."

THE BIGGEST LOSER. Ano ang meron si Iza na wala ang iba sa ABS-CBN?

"Meron ako na story ko. Galing ako sa...yun nga, malaki ako dati," mabilis na sagot niya.

Ang tinutukoy ni Iza ay ang kanyang timbang—220 lbs. daw siya noon, pero ngayon ay nasa 127 lbs. na lang siya.

Kaugnay nito, ini-announce na rin ni Boy na si Iza ang maghu-host ng bagong season ng The Biggest Loser Pinoy Edition.

"Yes, I am!" sambit naman ni Iza.

Ito ang dahilan kung bakit malapit daw kay Iza ang Bigges Loser: Kuwento niya raw ito.

Aniya, "That's my story and the story of a lot of people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At gusto ko lang din siguro, kasi I always wanted to inspire a lot of people. So, isa yun sa naisip ko.

"Bakit ba, why would I transfer? That was one of the things that's going on to my head.

"I wanted to inspire more people."

Si Sharon Cuneta ang nag-host ng unang season ng The Biggest Loser Pinoy Edition. Ngayon ay nasa bakuran na ng TV5 ang Megastar.

ON LOVE AND DEATH. Binalikan ni Boy ang dalawang pangyayari sa buhay ni Iza noong 2011: ang breakup nila ng boyfriend niyang si Atticus King at ang pagkamatay ng kanyang ama na si Lito Calzado.

Paano na-survive ni Iza ang dalawang pangyayaring yun sa buhay niya?

"Actually, I'm surviving this challenges in life, ten years ago...it started with my mom.

"And I've lost three moms—all of that.

"And last year, two years ago ba, when my dad's last wife died.

"And then, sabi ko, sana huwag na muna. Palagi na lang akong niyayanig.

"And then, last year nga, Atticus and I, we parted ways. It's very painful.

"Then, with my dad, happened."

Dagdag pa ni Iza, "With Atticus, I have a lot of friends who's with me all the time.

"My dad who just sent quotes, started sending me quotes every day.

"Support system is very strong."

Pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Atticus, naging skeptical ba si Iza sa pag-ibig o hindi naman nabago ang pananaw nito sa love?

Nakangiting sabi ni Iza, "Hindi. Hindi talaga ako napapaso kasi hopeless romantic ako.

"Pero mas maingat na rin siguro ako.

"Siguro, ang priority ko ngayon, kung pipili man ako ng partner, ako, ako ang mauuna.

"Sa pag-ibig naman, napakahirap. Basta ibigay mo lang at masaya ka lang dapat lagi."

HER DAD IS SMILING NOW. Naging emosyunal naman si Iza nang tanungin ni Boy kung sa tingin niya ay nakangiti sa kanya ngayon ang kanyang ama dahil Kapamilya na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes...sabi ko, hindi ako iiyak," sabi ng aktres.

"Sorry po... Kanina kasi, hindi kasi maintindihan ng iba.

"My dad worked for the other station and he's very thankful, and so am I.

"I'm very grateful for all my years there.

"Pero of course, he was one with me in one thing, with new thing in my career—spread my wings and fly.

"As a matter of fact, Tito Gary Valenciano visited him and we were having a conversation about being in ABS-CBN and all that.

"This is before he [Lito Calzado] passed away.

"And kaya nga, after sometime, after he passed away, I really did a lot of thinking.

"It was Tita Maribeth Bichara who told me, when I received a posthumous award for my father, she said, my dad wanted me to transfer.

"I said, wait a minute. I have to listen to everything, the sign and process and really think about myself.

"And feeling ko, siya [her dad] na rin ang nagbigay ng paraan para mapunta na rin ako dito and para tahakin ko 'tong landas na 'to.

"At palagay ko, siya na rin ang magbibigay sa akin ng lakas at ipo-protect ako kung kailangan ko ng proteksiyon."

Tinanong din ni Boy si Iza kung bakit siya umiyak bago ang dance number niya sa ASAP.

"Nakakainis naman... E, kasi sana, nandito pa ang tatay ko.

"We didn't have a perfect relationship.

"I have a disclaimer that there's no such thing as a perfect relationship. Sometimes we fight, ganyan.

"But if there's one thing that he would always do, he would always watch me perform.

"And it's just not the same to perform on the stage without my father watching me, and telling me what I did right and what I didn't do right. Yun lang.

"Sayang, pero alam ko naman na nakatingin sila ng nanay ko pareho sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman po yun."

Sa huli, ipinalarawan ni Boy kay Iza ang kanyang sarili sa tatlong salita.

Sagot ng bagong Kapamilya star: "With all humility, I'm ready to shine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN