Gerald Anderson and Rayver Cruz play basketball for a cause

IMAGE Glenn Sibonga

Ipinagdiwang ni Congressman Sonny Angara (second from right) ang kanyang 40th birthday sa pamamagitan ng isang ball game, na sinalihan nina (from left) Fred Payawan, Rayver Cruz at Gerald Anderson.


Nagkasama ang Kapamilya stars at magkaibigang sina Gerald Anderson at Rayver Cruz sa isang basketball game for charity, na inorganisa ni Aurora Congressman Juan Edgardo “Sonny” Angara sa Manila Boys Town Complex sa Parang, Marikina, noong July 14.

Bahagi ito ng selebrasyon para sa ika-40 na kaarawan ng pulitiko noong July 15.

Bukod kina Gerald at Rayver, kasama rin nilang naglaro sina Fred Payawan, Young JV, Joe Vargas, at iba pa nilang kabarkada, kabilang ang kapatid ni Gerald na si Kenneth Alex Anderson.

Nakalaban nila ang team ni Congressman Angara na kinabibilangan naman ng mga kabataan ng Boys Town.

FOR A CAUSE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Gerald, Rayver, at Fred pagkatapos ng ball game, kung saan tinalo sila ng kabilang koponan.

Ang nakangiting sabi ni Gerald, “Nakakatuwa, di ba? Kumbaga sanay kami na nagba-basketball kami pero iba yung… mas fulfilling pag ganito yung ginagawa namin for them.

"Yun nga, kahit konting saya yung nakuha nila sa amin, kahit naglaro kami ng sandali lang, sobrang nakakatuwa, sobrang fulfilling.

"Actually, noong in-invite ako at sinabing Boys Town at maglalaro kami kasama ng mga bata, um-oo agad ako.

"Sabi ko nga sa kanila, ‘Hey, punta na tayo doon. Makipaglaro tayo sa mga bata.’ Happy din ako na kasama ko si Rayver, ang kapatid ko, at saka lahat ng mga kaibigan namin.”

Dagdag naman ni Rayver, “Sobrang enjoy lalo na pag nakikita mo na nag-e-enjoy yung mga bata. Ang sarap sa pakiramdam.

"Siyempre happy kaming mga artista na nagiging inspirasyon kami sa mga kabataan, kami nina Gerald.

"Kasi in our own way, nakakatulong kami sa kids na nandito sa Boys Town at saka sa iba pa na natutuwa pag nakikita kami.”

Masaya naman si Fred dahil naimbitahan siya sa nasabing charity game.

Aniya, “Masaya kami na nandito kami now, especially sa birthday ni Congressman Angara. He’s doing a noble job celebrating his birthday with the kids. On our part we’re happy na na-invite kami to be a part of this worthy cause.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A MEANINGFUL BIRTHDAY. Nakausap din ng PEP ang kongresista.

Malaki ang pasasalamat niya sa pagpapaunlak nina Gerald, Rayver at iba pa nilang mga kasama sa kanyang imbitasyon.

“Hindi ko ma-express ang nararamdaman kong saya ngayon. Basta nagpapasalamat ako at nandito sila ngayon.

"Kasi parang napapanood lang namin sila and yet ngayon kalaro na namin pero friendly match naman ito, e.

"Kumbaga parang naging kasama na rin namin sila at napaka-down to earth nila. And Saturday na Saturday, I’m sure may taping o shooting sila kagabi, and yet nandito sila early in the morning at naglaro sila.”

Dati na raw ginagawa ni Congressman Angara ang paglalaro ng basketball kasama ang ilang celebrities.

“Nakapaglaro na ako [kasama] mga artista. Regular naming ginagawa yun, pag may fiesta, ganun.”

Pero first time niya raw magkaroon ng charity game sa Boys Town. Bakit ito ang napili niyang tulungan?

“Well, my dad [Sen. Edgardo Angara] grew up in Marikina, e. Kaya napili namin itong Boys Town. Actually, we have two projects, yung first one namin is Golden Acres, yung matatanda. Nag-feeding kami sa Golden Acres a few days ago.”

Paano nila na-contact ang grupo nina Gerald at Rayver?

“Ang kilala namin ay si Fred, kaibigan siya ng wife ko at kaibigan na rin namin. Nabanggit niya lang one time na basketball... E, mahilig pala sa basketball yung grupo nila, parang twice or thrice a week sila [naglalaro]. Ang dali nilang kausapin, actually. Walang manager, walang ano. Napaka-down to earth nila, walang superstar complex at all.”

Bukod sa basketball game, nagkaroon din ng munting programa kung saan nagpakitang-gilas sa pagsasayaw ang mga kabataan ng Boys Town bilang regalo kay Congressman Angara.

Nagpakain naman ang kongresista ng lone district ng Aurora at nagbigay ng konting tulong para sa mga bata at sa pagpapaayos ng pasilidad ng lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN