PEP EXCLUSIVE (Part 2): Amalia Fuentes reveals the root of feud with Annabelle Rama

IMAGE Monching Jaramillo

Amalia Fuentes says her feud with Annabelle Rama has been going on for several years now. “Why? Have you seen me attend any of her parties? No!"


Ano ang ugat ng hidwaan nina Amalia Fuentes at Annabelle Rama?

Sa mga naunang pahayag ni Annabelle, hindi raw nito alam kung bakit galit sa kanya ang dati niyang amiga.

Ayon sa talent manager, “Wala akong sinasabi laban sa kanya, kasi hindi naman kami magkaaway, e.

“Anong ginawa ko sa kanya, bakit niya ako inaaway?


“Ano, nainggit siya dahil ako ang pinakasalan ni Eduardo [Eddie Gutierrez]? Ako ang nanalo?

“Kasalanan ko ba kung maganda ang buhay ko?"

(CLICK HERE for related article.)

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Amalia noong Abril 11 sa pamamagitan ng telepono.

Noong una, sinabi niyang ayaw niya ng anumang tanong patungkol kay Annabelle.

Aniya, “I just want her to keep on talking, ‘yong mga Twitter niya, ‘yong mga kung anu-ano niya, that is fine with me because I have taken it all these years.”

Pero di nagtagal, isinambulat nito ang kanyang bersiyon ng istorya.


NOT THE OTHER WOMAN. Una, wala raw kinalaman ang away nila sa nakaraan ng kanyang asawang si Joey Stevens, na pumanaw nito lamang Abril 1.

“Ang dami niyang mga palusot,” ang sabi ni Amalia sa naging pahayag ni Annabelle.

Ang kontrobersiyang ito na pinagdaanan ng mag-asawang Amalia at Joey ay humantong pa sa puntong idinemanda nila ang isa’t isa.

Gayunman, nauna nang sinabi ng movie queen noong 1950s na sa simula’t sapul ay itinanggi ni Joey ang kaugnayan nito sa sinasabing anak niya.

(CLICK HERE for related article.)

May mga rason daw sa likod ng "galit" ng yumaong asawa ni Amalia kay Annabelle.

Isa na rito ay nag-ugat noong tumakbo si Fernando Poe Jr. sa pagka-pangulo noong 2004.

Kuwento ni Amalia, "Si Joey nag-campaign for him [FPJ], and nando’n nga si Eddie Gutierrez.

“Ayaw nga nila sa headquarters na nandoon si Eddie kasi nakabuntot si Annabelle.

“Ayaw nga ni Ronnie Poe na mayro’ng babae, ang sikip kaya doon sa headquarters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang gusto ni Ronnie Poe, puro sila lalaki doon sa campaign ano nila, dahil nga mahirap daw [na may babae].”


NOT MY TYPE. Sumunod naman na binigyang-linaw ni Amalia ang pahayag ni Annabelle na "naiinggit" ang dating movie queen dahil siya ang pinakasalan ni Eddie.

Ayon kay Amalia, nagsimula umano ang ideya ni Annabelle na may gusto siya kay Eddie dahil sa artikulo ni Ricky Lo na pinamagatang "Amalia: 'I never really like the title.'"

Lumabas ang naturang artikulo noong Marso 25, 2011, dalawang araw matapos pumanaw ng legendary actress na si Elizabeth Taylor.

Si Amalia kasi ang tinaguriang Elizabeth Taylor ng Pilipinas.

Sa naturang artikulo, tinanong ni Ricky Lo si Amalia kung sino ang “greatest love” nito.

“I won’t tell you who he is,” ang naging tugon ng dating movie star.

Tanong pang muli ng kolumnista, “Is he an actor?”

At sinagot naman ito ni Amalia ng, “No. He’s not from showbiz. That’s your blind item for tomorrow.”

Dagdag pa ni Amalia, “The only tragedy is that I never got to marry him.”

Matapos niyang ikuwento ito’y tahasang sinabi ni Amalia na inisip ni Annabelle na si Eddie ang tinutukoy ng una sa interview.

Aniya, “So, from that time on, she has presumed in her cr**y mind that I am referring to her husband.

“So, ako, hindi ko siya pinapatulan all this time na pinipilit niya sa akin ‘yong asawa niya na patay na patay daw ako.


“Gustong-gustong niya [Eddie] kaya he kept quiet.

“He thinks that this will add to his signature na ako ay patay na patay sa kanya, come on!

“Never!”

Pagdidiin pa niya, “There are better men than Eddie Gutierrez...

“Tell me what he is, sexy? [May] sex appeal? Lahat na hanggang nahilo-hilo ako.

“Joey is the same, he’s always very masculine and he’s intelligent.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit din niya si Romeo Vasquez, ang ama ng kanyang anak na si Liezl Martinez.

“That’s why na-ano [in love] ‘ko kay Bobby [nickname of Romeo] at ‘yon talaga ang first love ko.

"And until now we still get together when I’m in States, gano’n.

“He’s the only man who is the father of my only child.

“Bakit ko pipiliin ang asawa niya?”

Ipinagdiinan din ni Amalia na kahit kailan ay hindi siya nainggit sa kung anumang buhay mayroon si Annabelle.

“‘Yong naiinggit ako sa magandang buhay niya, my god, she doesn’t even know me.

“For all these years, 2004 pa kami hindi nag-uusap because of what she did to Joey.

“She doesn’t even know what kind of life I live."

CALL TO MEDIA. Samantala, sa mga ginagawa ng dating kaibigan, may kasalanan daw ang media.

Aniya, “I blame everybody from media.

“We won’t accept someone like that during my time, thank God.

“Kulang sa pansin ‘yan, so she’s seeking attention from the media, then you are falling into her trap...

“Though if you give it to her, that’s your problem.

“That’s why I’m gonna say that, ‘yong interview ko sa Channel 7, sabi ko, ‘Not until you don’t allow Annabelle Rama to terrorize you.

“‘You know if you will accept that responsibility then I’m going to talk to you, if not, I will not talk to you,’ sinabi ko sa GMA.

“Sinabi sa akin no’ng ano, ‘Ma’am, puwede po ba namin ito masabi sa management?’

"Sabi ko, ‘Yes. I’m not scared of Annabelle Rama.’"

Gayundin, nilinaw ni Amalia na matapos ang pagluluksa sa pumanaw niyang asawa ay saka niya haharapin ang kanyang kaaway.

“In time, I will deal with this Annabelle Rama,” ang paniniguro ni Amalia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No way that I will not deal with her, that is a promise because she dropped the fight right in my doorstep, nobody can do that to me.”

At ang huli niyang hirit: “At least, I can sleep well because wala akong inaagrabyado.”

ANNABELLE’S MESSAGE. Kaugnay ng mga naging pahayag na ito ni Amalia, kinuha namin ang panig ni Annabelle kahapon, Abril 18.

Sa pamamagitan ng isang maikling phone interview, ipinaabot niya sa pamamagitan ni Karen Pagsolingan, ang managing editor ng PEP, ang kanyang mensahe para kay Amalia.

Heto ang reaksiyon ni Annabelle sa sagot ni Amalia tungkol kay Eddie:

“Ano ba ang problema sa kanya, nagagalit ba ang mga lalaki sa kanya?

“Hindi ko siya maintindihan, hindi naman siya ginugulo ni Eddie, a.

“Tumahimik ka na lang. Mag-concentrate ka na lang sa buhay mo!"

Ang pagdidiin pa ni Annabelle:

“‘Wag ka nang makialam sa buhay ng may buhay, ‘wag ka nang makialam sa pamilya ko.

“Tigilan mo na ang paninira sa akin, ha, kasi ikaw lang din ang naiinis.

“‘Yon ang message ko sa kanya, ‘Day, manahimik na kamo siya. Gawin na lang niya, ipagpatuloy na lang niya ‘yong pag-aaral niya.

“[Basta] ang asawa ko, mga anak ko, mga apo ko, ‘wag na niyang pakialaman.

“Manahimik na kasi siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN