Lorna Tolentino underwent stem cell treatment to improve health

IMAGE Allan Sancon

Tuluyan nang nawala ang sakit sa likod na nararamdaman ni Lorna Tolentino dala ng scoliosis. Ito ay matapos mag-undergo ng stem cell therapy ang aktres sa Germany noong July 3.


Kahit pa noong kabataan niya ay kilala na si Lorna Tolentino bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz industry. Hanggang ngayon na edad 50 na siya ay wala pa rin itong kupas.

Ang kanyang sikreto ay nasa patuloy na pangangalaga niya sa katawan.

Mahilig mag-ehersisyo si Lorna, at ilan sa regular niyang ginagawa ay ang yoga at gym workout. Nagda-diet din siya upang suportahan ang pag-e-exercise.

“Halos lahat na ng diet ay napagdaanan ko na, pero ang tamang paraan pa rin ay mag-ehersisyo ka at [kumain ng] tamang pagkain,” saad ng aktres sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), noong July 17 sa TV5 event sa Elements Centris, Quezon City.

“Ibig sabihin, meron pa ring caution akong ginagawa. Binabantayan ko rin kung ano yung kinakain ko kasi sabi nga nila, ‘You are what you eat,’ e.”

Mas mapili ngayon si Lorna sa kanyang mga kinakain dahil na rin sa kanyang bad cholesterol level at hormonal imbalance sa katawan.

Hindi siya kumakain ng anumang matataba at maalat na pagkain.

Pagdating naman sa kanyang balat, “Siyempre sa pangangalaga ng Flawless at Belo, at ni Joey Santos ng Villa Medica, kaya heto, patuloy na maganda yung skin ko.”

STEM CELL TREATMENT. Bukod sa kanyang panlabas na anyo ay pinangangalagaan din nang husto ni Lorna ang kanyang kalusugan.

Kaya naman daw, noong July 3, tumulak ito patungong Germany upang mag-undergo ng stem cell treatment.

Ang stem cell treatment, ayon sa website na stemcells21.org, ay isang regenerative treatment na nakagagaling ng ilang sakit tulad ng diabetes, liver cirrhosis, osteoarthritis, at spinal cord injuries.

Wholistic wellness at may anti-aging benefits din umano sa katawan ang prodecure na ito, na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa Php 1.3 million.

Si Lorna ay matagal nang may scoliosis, isang kondisyon kung saan abnormal o baliko ang daloy ng kanyang spinal cord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang dahilan kung bakit hirap siya minsang tumayo at maglakad, at madalas na nakararamdam ng pananakit sa likod.

Matapos ang kanyang treatment na tumagal ng apat na araw—kasama na ang isang araw ng medical history review at dalawang araw para sa recovery—ay agad daw niyang naramdaman ang epekto nito.

Bagamat aabutin pa ng tatlong buwan bago maramdaman nang husto ang epekto ng treatment, ang agad daw nawala ay ang pananakit ng likod na madalas iniinda ni Lorna.

Mas bumuti rin daw ang kanyang paglakad at pagtayo kumpara noon.

Kapansin-pasin din na mas naging blooming ang aktres ngayon.

STEM CELL TREATMENT FOR RUDY. Samantala, may ilang nagsasabi na nakagagaling din daw ng cancer ang stem cell therapy.

Hindi tuloy naiwasang tanungin ng PEP kung naisip din ba niyang ipa-stem cell therapy noon ang asawang si Rudy Fernandez, na namatay dahil sa komplikasyon ng sakit niyang pancreatic cancer.

Ayon kay Lorna, “Although meron ng stem cell nung time ni Rudy…pero that time hindi na kayang i-cure yung cancer ni Rudy. Although puwede siya sa cancer, puwede sa leukemia.

“Yung kay Rudy kasi, hindi siya ordinaryong cancer. It’s special, before the pancreas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN