Celebrity endorsers featured in short films produced by local clothing brand

IMAGE Noel Orsal

For the first time, a local clothing brand has produced short films featuring its celebrity endorsers. Bench founder Ben Chan (not in photo) says that in celebration of their 25thanniversary: “We thought of films. We thought that it’s a good way to promote the brand online.”

(In photo, L-R) Piolo Pascual, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, and Lovi Poe are among the celebrity endorsers who topbill the short films produced by Benchingko Fil


Isang makabagong paraan ng pagpapakilala ng brand ang inilunsad ng local clothing brand na Bench noong July 25, sa Center Stage cinema ng SM Mall of Asia, sa Pasay City.

Anim sa binabalak na 25 short films ang ipinakita ng nasabing brand sa ginanap na red carpet premiere ng Benchingko Films.

Ito raw ay isa lamang sa mga plano para sa selebrasyon ng ika-25 years na anibersaryo ng Bench.

Ayon sa Bench founder and CEO na si Ben Chan, ginawa nila ang mga short film dahil: “We wanted to do something different.

“As always, Bench gives something new, something in different medium that we haven’t done.

“So, we thought of films. We thought that it’s a good way to promote the brand online.”

Sa press release para sa event, isinaad din ng may-ari ng clothing brand na naniniwala siyang: “Movies are the backbone of Pinoy Pop Culture. "

Kahit papaano ay naging bahagi na ng Pinoy Pop Culture ang kanilang brand. Sa 25 na taon, natutunan daw ni Ben na: “Fashion keeps changing. Fashion is always evolving.

“Bench lasted this long because we figured out how to ride the waves of change.

“But movies and films are meant to last longer than fashion. Some are made to last forever.

“They make the foundation of a culture. The stay in people's minds and hearts. They become classics.

“ It's the 25th anniversary of Bench, and this year we wanted to make something truly classic and ageless. So, we made these films.”

Ang event na ito pinangunahan ng mga aktor na sina Piolo Pascual, Lovi Poe, at Bella Flores, at pati na ni Ormoc Representative Lucy Torres-Gomez.

Maliban sa batikang kontrabidang si Bella, lahat ay mga endorser ng nasabing brand na tampok sa ipinalabas na mga short film.

Bukod sa kanila, namataan din sa okasyon ang ilan pang celebrity endorsers: Diether Ocampo, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Julia Montes, at ang dating magkasintahan na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang TV host na si Raymond Gutierrez naman ang naging tagapagsalita sa buong programa.

BENCHINGKO FILMS. Unang ipinalabas ang 25 Bens, na nagsilbing teaser para sa buong proyekto.

Dito makikita ang dalawamput-limang iba-ibang Ben Chan, na nagpapaliwanag ng simula ng kanilang kumpanya at kung paano ito naging kilalang brand.

Sumunod naman ang Kama na tampok ang Kapuso actress na si Lovi. Ito ay isang musical mula sa direktor na si Borgy Torre, na nagpapakita ng tatlong magkakaibang sitwasyon na naranasan sa kama.

Sa short film naman na Horsepower, mala-Fast and the Furious naman ang naging tema ni Direk Torre. Tampok dito ang Indie Prince na si Coco, na gumanap bilang isang driver ng isa sa mga pangkarerang jeepney.

Sa kabilang banda, akala ng marami bago magsimula ang programa ay aarte si Rep. Lucy sa kanyang short film. Pero hindi na niya ito kinailangang gawin sa mala-documentaryong Star Teacher.


Ipinakita rito ang pagbisita ni Lucy sa isang paaralan. Dito ay nagkwento siya sa mga mag-aaral kung ano ang epekto sa kalikasan ng matinding pagputol ng mga puno.

May halong aksyon at drama naman ang ginawa ng Star Magic talent na si Piolo sa Perya, na idinirehe ni Topel Lee.

Si Piolo ay binihag at naging isang manggagawa sa perya. Subalit dahil sa paghanga sa isa pang kapwa manggagawa, ginawa niya ang lahat upang pareho silang makalaya.

Naaliw naman ang mga manonood sa short film ni Direk Joey Reyes, na pinagbidahan ng kilalang kontrabidang si Bella Flores. Pinamagatan itong Kontrabida pa rin at 84.

Dito ay ipinakita ni Bella kung paano maging epektibong kontrabida sa pelikula at telebisyon.

Ayon kay Ben Chan, sa mga susunod pang short films ng Benchingko Films, asahan pa ang iba’t ibang uri ng pelikula.

“Iba-iba ang ginawa namin para naman hindi boring. Hindi pare-parehong drama, hindi pare-parehong comedy. It’s actually quite different from the others,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga ito ay mapapanood lamang sa mismong website ng Bench.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN