Derek Ramsay all set to make his decision—Kapamilya or Kapatid?

IMAGE Courtesy of Star Cinema

Derek Ramsay: "We're gonna go through the contract and then that's when the decision will be made. So I'm pretty sure by next week, malalaman na natin kung saan ako pupunta."


Matagal nang usap-usapan ang paglipat diumano ni Derek Ramsay sa TV5 kapag matapos na ang kanyang kontrata sa ABS-CBN.

Last year pa nababanggit ito pero hanggang ngayon ay wala pang konkretong development kung ano nga ba ang magiging estado ng aktor.

Kapamilya pa ba siya o Kapatid?

Nitong Pebrero 29, nagtapos na nga ang kanyang kontrata sa Dos.

Naiulat din dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 1 na nagkaroon ng meeting si Derek at mga bigwigs ng ABS-CBN.

Wala pa raw pormal na proyektong nailatag sa actor, pero may offer na daw sa kanya ang ABS-CBN.

Ayon pa sa ulat, baka daw pagkatapos ng isang linggo ay may desisyon na ang TV host-actor sa magiging plano niya.

Kahapon, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, nakapanayam ng programa si Derek bago pa man ito tumulak para magbakasyon.

Kuwento ni Derek, "Nung [February] 29 nakipag-meeting ako kay Sir Gabby [Lopez] at kay Tita Malou [Santos].

"That was the last day rin of my contract with ABS, so after that meeting nagbigay sila ng offer.

"Yung offer na yun ay nakarating na sa manager ko, nakarating na sa daddy ko, so pagbalik ko galing America, yun ang priority."

"We're gonna go through the contract, and then that's when the decision will be made. So I'm pretty sure by next week, malalaman na natin kung saan ako pupunta."

Ayon pa sa ulat ng Paparazzi, aminado raw si Derek na mabigat ang kanyang kalooban sa kanyang gagawing desisyon.

Dagdag pa niyang kuwento, "It's very hard. I don't want to, to, you know, burn bridges. I don't want to, it's hard, it's a hard decision for me.

"I have to think about myself, I have to think about other people, there are lots of things that come into play here.

"Pero ang sigurado diyan hindi ko gagawin 'tong desisyon na mag-isa. Kasama diyan ang pamilya ko and, yeah, we'll just have to wait and see—next week."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas, Lunes, nakatakdang magbalik sa bansa si Derek, na bida sa pelikulang Corazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN