Gerald Anderson finally admits he is courting Sarah Geronimo

IMAGE Monching Jaramillo


Gerald Anderson on Sarah Geronimo: "Gusto ko lang talaga magpasalamat sa kanya for the inspiration that she gives me. And for making me happy every day. Nawawala yung stress ko dahil sa kanya."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Gerald Anderson sa wrap-up party ng pinagbidahan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Budoy, noong Biyernes, March 9, sa Excess Superclub sa Timog Ave., Quezon City.

Noong gabi din yun ipinalabas ang huling episode ng Budoy.

Buong-pusong nagpasalamat si Gerald sa mga taong sumubaybay at sumuporta sa seryeng kanyang pinagbidahan.

"Maraming salamat sa mga taong sumubaybay sa amin sa umpisa, sa gitna, at katapusan.

"Kayo ang naging inspirasyon namin upang lalo pang pagandahin ang trabaho namin.

"Kaya kung wala kayo, hindi namin magagawa ang lahat ng ito," pahayag ng matinee idol.

Paano nabago ng Budoy si Gerald?

Ani Gerald, "Siyempre, masaya ako at nakakapag-inspire ako ng mga tao sa ginampanan kong role.

"Sobrang challenging talaga din yung role.

"I just thank Papa God for this wonderful blessing.

"Ibang klaseng experience itong Budoy.

"Ibang klase ang ginawa nito sa akin at siyempre sa ibang tao."

Sa serye ay ginampanan ni Gerald ang role ng isang may Angelman syndrome o may mental retardation.

MOST MEMORABLE BIRTHDAY. Ayon kay Gerald, masaya naman lahat ang naging birthday niya in the past, kaya nga raw ang tawag dito ay "birthday."

Ngunit nitong nakaraang kaarawan niya, March 7, daw ang pinakamasaya.

Sabi niya, "I've become more mature, mas marami na rin akong opportunities to help more people because of Budoy.

"Sobrang thankful, sinakto talaga ni Papa God sa birthday ko.

"And I cannot ask for anything more."

SARAH G.. Hindi naman siyempre mawawala ang usapan tungkol sa "baby girl" ni Gerald na si Sarah Geronimo.

Nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa nang magsama sila sa back-to-back movies nilang Catch Me I'm In Love at Won't Last A Day Without You last year.

Akala ng karamihan ay promo lang ang pagiging close nila, ngunit nagpatuloy ito kahit natapos na ang kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ang pagli-link sa dalawa at magkasama pa nga sila noong nakaraang Valentine's Day.

Hanggang sa mag-guest si Gerald sa bagong musical-variety show ni Sarah na Sarah G Live at natawag siya ng Pop Princess na "Babe."

(CLICK HERE for related article)

Mabilis naman ang naging tugon ni Gerald nang tanungin kung inspirasyon niya ba si Sarah sa kanyang mga ginagawa.

"Yes, she is my insipiration—inspirasyon ko siya," pag-admit ni Gerald.

Kahapon, March 11, ay inamin na ni Gerald sa The Buzz ang panliligaw niya kay Sarah.

Nakita raw ng young actor kay Sarah ang qualities na hinahanap niya sa isang "ideal wife."

Ayon kay Gerald, "Siguro no'ng last shooting day ng I Won't Last A Day Without You, nagkukuwentuhan kami... do'n ko na-realize.

"Nagulat ako kasi ang dami niyang in-open up sa 'kin, ang dami niyang shi-neyr.

"Doon ko nakita na, 'Wow, whe's beautiful!'"

Dagdag pa ng binata, si Sarah ang nagbibigay ngayon ng inspirasyon sa kanya araw-araw.

"Gusto ko lang talaga magpasalamat sa kanya for the inspiration that she gives me.

"And for making me happy every day.

"Nawawala yung stress ko dahil sa kanya," nagba-blush na sabi ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN