Albie Casiño's mom to Andi Eigenmann: "This time, I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up."

IMAGE Facebook / Gorgy Rula

Mrs. Rina Casiño went to Precinct 9 of the Makati Police Station in Poblacion, Makati to file a police report about a brawl involving her son, young actor Albie Casiño.


Nagpa-blotter na kagabi, May 5, ang ina ni Albie Casiño na si Rina Casiño sa Precinct 9 ng Makati Police Station sa may Poblacion, Makati.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog sa kanyang anak kahapon ng madaling-araw sa parking lot ng Fiamma Bar sa Makati City.

(CLICK HERE to read related story.)

Kasamang dumating ni Rina sa police station ang asawa niyang si Bonjet Casiño, na galit na galit din sa nangyari sa kanilang anak.

Hindi sumama si Albie dahil kailangan pa raw nitong magpahinga sa mga sugat at pasang tinamo nito sa pambubugbog sa kanya.

Pinayuhan pa raw ng doktor ang young actor na bumalik ng Makati Medical Center para sa karagdagang tests.

NOT FOUR, BUT SIX. Ayon kay Mrs. Casiño, hindi lang apat kundi anim ang nambugbog sa kanyang anak.

Pinayuhan daw siya ng kanyang abugado na huwag munang magbanggit ng pangalan ng mga hinihinalang nambugbog kay Albie dahil hindi pa raw nila naisampa ang kaso.

Umiiyak ang ina ni Albie na inilahad ang nangyari sa kanyang anak.

Ang ikinasama pa niya ng loob, walang kalaban-laban ang anak niya sa mga malalaking taong may kagagawan nito.

“My son is turning 19 [on] May 14, and ten years older yung mga dumamba sa kanya,” mangiyak-ngiyak na pahayag Mrs. Casiño.

“Ngayon I’m getting reports... kasi ang daming tao namang may concern sa kanya [Albie] ang nagkuwento sa amin.

“May warning kasi sa kanya ang mga friends nito na sinabihan siyang ‘Pare, umalis na kayo kasi parang may mangyayari.’”

Dagdag pang kuwento ng ina ni Albie, “After na binugbog siya, tumakbo itong si Andi, ‘Oh, what happened to you, what’s wrong?’

“Siyempre, alangan namang sagutin ng anak kong ‘I’m okay. I’m fine.’ Siyempre galit sa kanya ang anak ko.

“In the first place, nag-umpisa yun sa kanya sa loob.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Mrs. Casino ay ang kumprontasyon sa pagitan ni Albie at ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann sa loob ng Fiamma Bar ilang sandali bago naganap ang pambubugbog sa young actor.

Patuloy ni Mrs. Casiño, “I mean, di ba? From slapping him, then going to him… ano sa tingin mo ang sasabihin ng anak ko sa kanya?

“Totoo, he cursed her, sinigawan niya, ‘Get out!’

“Siyempre, masakit sa kanya yun, e.”

Ngayon ay nagpapahinga raw muna si Albie sa kanilang tahanan at kailangan daw nitong magpagaling para pormal na nilang maisampa ang kaso laban sa mga nambugbog sa kanya.

Ayon pa kay Mrs. Casiño, “Siyempre, he’ so hurt physically at saka emotionally.

“Parang hindi niya maintindihan, e. Nananahimik na yung bata, wala naman siyang inaagrabyado.

“Parang it’s so unfair, siyempre may galit din siya.”

“AN EVIL THING TO DO.” Umiiyak pa ring nagparating ng mensahe si Mrs. Casiño sa mga taong nambugbog sa kanyang anak.

“Ano ba ang ginawa ng anak ko sa inyo, at saka ang tatanda nila para patulan nila ang anak ko.

“You know, may nanay sila. Isipin na lang nila kunwari sa kanila nangyari yun, ano ang feeling ng nanay nila?

“Parang… such an evil thing to do. Wala na ba silang magandang magawa?

“I don’t know, e. I don’t understand. Walang atraso sa kanila si Albie.”

Sa ngayon, wala pa raw nagpaparamdam o kumakausap sa kanila mula sa kampo ni Andi at ang mga taong gumawa nito sa kanyang anak.

May mga ilang taong nabanggit sa unang balita na sangkot diumano sa naturang gulo ang nag-post sa kanilang Twitter at Facebook accounts na itinatangging tumulong sila sa pambubugbog kay Albie.

“Well, yun na nga, we’ll see,” sabi na lang ni Mrs. Casiño.

“Kung anu-ano ang mga sinasabi nila. Basta we’re gathering all information and evidences from the witness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi meron naman talagang nakakita sa kanila.

“At siyempre ang anak ko, alam naman niya kung ano ang mga tumatama sa kanya, e.”

PURSUING THE CASE. Samantala, tipid lang ang mga pahayag ng ama ni Albie na si Mr. Bonjet Casiño. Pero ang isa raw sa ikinasama ng loob nito ay wala siya rito noong nangyari ang gulo.

Hindi raw niya maisip kung ano ang nagawa nito kung nando'n siya o naabutang binubugbog ang kanyang anak.

Pursigido raw siyang ituloy ang pagsasampa ng kaso, dahil dapat daw idaan sa tamang proseso para mapagbayaran ang ginawa sa kanyang anak.

Ayon kay Mr. Casiño, “Basta ako, I still believe in the legal system, that’s why we go through the legal process.

“Kaya nandito tayo ngayon, para magawa ang tama.

“Alam ko matatagalan pa ito, at mahabang proseso, pero matatapos din naman ‘to, e.”

Kahit alam daw niyang maimpluwensiya at kilala ang mga taong gumawa nito sa kanyang anak, hindi raw natatakot si Mr. Casiño dahil ang anak daw niya ang naapi rito.

Nang hiningan si Mr. Casiño ng mensahe para kay Andi, tumanggi itong magsalita.

MESSAGE TO ANDI. Ang ina naman ni Albie ay umiiyak pa ring nagparating ng mensahe para kay Andi:

“You know, nanahimik na ang anak ko.

“She was able to say all the things that she wants to say, sila ng pamilya niya.

“She said so much on air, but he kept quiet.

“Pero iba na ‘to, e, below the belt.

“Ano pa ang gusto niya next time? Hindi na namin siya pinapatulan.

“You know, my son is excited, it’s his birthday next week.

“Sana kay Andi, sabi niya naka-move on na siya...

“Pero this time, I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up.

“Basta hindi ko na palalampasin ito!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I want to tell her, sana naman, Andi, be true to yourself—if not to yourself, to your daughter.

“You know, you have your daughter there… and take care of her.”

Samantala, bagamat inamin ni Andi na kinumpronta niya si Albie sa loob ng Fiamma Bar, itinanggi naman nitong may kinalaman siya sa pambubugbog sa dating kasintahan.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Albie ang itinuturong ama ng anak ni Andi na isinilang nito noong November 23, 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN