Albie Casiño believes Andi Eigenmann has a hand in brawl that sent him to hospital; Albie's mom tells Andi to stop her lies

IMAGE Allan Sancon

Albie Casiño's mom, Rina, has this message for Andi Eigenmann: “Lahat ng gusto mong sabihin, puwede—magpaawa, nagsinungaling ka, na dehado na yung pamilya ko. Pero ngayon, sobra na. Para sabihin mo na binugbog ka ng anak ko, tama na 'yang kasinungalingan mo! It’s too much, Andi. Too much!”


Bagamat itinanggi ni Andi Eigenmann na may kinalaman siya sa pambubugbog sa dating kasintahang si Albie Casiño noong madaling-araw ng Sabado, May 5, naniniwala ang young actor at ang kanyang pamilya na may alam dito ang young actress.

Sa panayam ni Albie at ng kanyang ina na si Rina Casiño kay Korina Sanchez para sa TV Patrol 25, kagabi, May 7, inilahad ng young actor ang nangyaring pambubugbog sa kanya.

Naglabas naman ng saloobin ang kanyang ina tungkol sa diumano'y “pagsisinungaling” ni Andi.

THE INCIDENT AT THE PARKING LOT. Ipinakita ni Albie sa kamera ang mga pasang nakuha niya mula sa pambubugbog sa kanya noong Sabado ng madaling-araw.

Sinapak, tinadyakan, at pinukpok daw siya ng bote sa ulo ng apat o limang lalake sa harap ng Fiamma Bar sa Makati City.

Kuwento ni Albie, “I see like four to five guys run into me. They start punching me and I fall down.

“I curl up like this and my feet are up and they just started stomping on me.

“This is a foot stomp. It’s here all the way here,” sabi ng young actor, habang ipinapakita ang marka mula sa ibang bahagi ng labi niya hanggang sa kanyang leeg.

Dagdag niya, “Someone stepped on me like that.

“And they were saying, ‘Ano, masarap ba yung ganti? ‘Eto yung ganti ni Andi!’”

THE CONFRONTATION. Pinabulaanan ni Albie ang pahayag ni Andi na tiningnan siya ng masama ng dating kasintahan nang magkita sa loob ng Fiamma Bar kaya siya sinampal nito.

Ayon sa young actor, nagkataon lang daw na nandoon sila pareho ni Andi noong gabing iyon.

Itinanggi rin niya na nakita na niya si Andi bago ang pagsampal sa kanya nito.

Kuwento ni Albie, “Galing po ako sa CR. Paglabas ko po ng CR, nakaabang na po yung friend ko do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Albie, Andi is here, bumaba na tayo.’

“Paglabas ko pa lang ng bathroom, nakita na niya [Andi] ako.

“Pero hindi ko po siya talaga nakita. I promise, hindi ko siya nakita.

“I wasn’t looking her bad. I didn’t shoulder-check her. I didn’t push her. I didn’t shove her. I didn’t do anything.

“Because how will I do that… because this is what happened… I was walking and then, boom, I got slapped here [kaliwang pisngi].

“And when I got slapped, I looked to see who it is, and then wine is thrown at my face.”

PREMEDITATED. Naniniwala rin si Albie at ang kanyang pamilya na plinano ang panggugulpi sa kanya, kung pagbabasehan ang mga binitiwang salita ng mga nambugbog sa kanya.

Tinanong ni Korina si Albie kung sa palagay niya ay diretsong may kinalaman si Andi dito.

“Yes,” mabilis na sagot ni Albie.

“Because after I got beaten up, she went up to me and she said, ‘Okay ka lang ba? Huwag ka kasing magpapakita sa akin sa labas, kasi papatayin ka ng mga ‘yan.’

“And then I said… I know that she knew them, e, ‘coz I asked her, ‘What are their names?’

“Sabi niya, ‘Hindi mo kaya 'yan. Promise, hindi mo kaya 'yan.’

“So, course, she knows them if sasabihin niya na hindi ko kaya— di alam niya, di ba?”

THE SUSPECTS. Kinilala ng kampo ni Albie ang mga nambugbog daw sa kanya, bilang sina Neil Arce, Jake Lacson, Frank Magalona, at isang may apelyidong Concepcion.

Si Neil ay isang professional poker player at napapabalitang boyfriend ng aktres na si Maxene Magalona.

Si Jeric ay anak ni Senator Ping Lacson.

Si Frank ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona at kapatid nina Maxene at Elmo Magalona.

Kaugnay ng pagkakasangkot ng pangalan ni Frank, naglabas ng maikling statement ang kanyang inang si Pia Magalona sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Pia: “I would like to officially state that these are very serious accusations against my son and I ask for an investigation into the truth. It is irresponsible of the media to name him as one of the attackers when he is not even proven to be involved in the matter.”

Sa mga naunang report naman ay nasama ang pangalan ng modelong si Carlos Concepcion, na isa diumano sa nambugbog kay Albie.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Carlos sa pamamagitan ng text message na ito:

“I am not involved in any way over the beating of Albie Casiño. I was not even in Fiamma that night. I was at home. I’ve never even met the guy. And if they need proof of my whereabouts they can contact me. And I’d like a retraction or apology once the truth is out there.”

Bilang sagot sa pahayag ni Carlos ay naglabas din ng statement si Mrs. Casiño kung saan humingi siya ng paumanhin sa pagkakabanggit niya ng pangalan ng modelo.

Saad ni Mrs. Casiño, "I wish to make a public statement and apology to Carlos Concepcion and his family for mentioning and accusing him as one of those who assaulted my son. Carlos Concepcion was at his home during the incident. It is with deep regret that I mentioned him and caused damage to his good name and unnecessary stress to his family."

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag sina Jeric at Neil.

ALBIE’S MESSAGE TO HIS ATTACKERS. Ito naman ang mensahe ni Albie sa mga nambugbog sa kanya:

“Ba’t n’yo ginawa ‘yon? Wala naman akong ginagawa sa inyo, hindi ko naman kayo kilala.

“Ang tatanda n’yo na, di ba? ‘Tas pinatulan n’yo ako, ginulpi n’yo ako na walang awa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag hindi kayo pinigilan ng mga tao, baka pinatay n’yo ako.

“I don’t think anyone should have to go through that. That’s unfair.”

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa ng kampo ni Albie kung anong kaso ang isasampa nila laban sa nambugbog sa young actor.

Posible rin daw nilang sampahan ng kaso si Andi.

Kahapon ay ibinalik si Albie sa ospital upang malaman kung may pinsala na idinulot ang pagkakabugbog sa kanya at upang maging final na ang medico legal report sa kanya.

Pinayuhan din ng kanyang doktor si Albie na mag-bed rest dahil sa tinamo niyang pinsala.

A MOTHER’S WRATH. Samantala, tila napuno na ang ina ni Albie na si Rina sa akusasyon ni Andi na sinasaktan daw siya ng young actor noong sila pa.

Sa taped interview sa kanya ng The Buzz noong Linggo, May 6, sinabi ni Andi na “sinasampal, itinutulak, at saka sinasakal” siya ni Albie.

(CLICK HERE to read related story.)

Ngunit mariing sabi ni Mrs. Casino na “sinungaling” si Andi.

“Punung-puno na kami, e. Sobrang kasinungalingan…”

Tiniyak daw ni Mrs. Casiño na ilabas ng TV Patrol ang kanyang mensahe para kay Andi.

“Andi, alam mo… Ito nga ang iniiwasan ko kaya dati kami nanahimik, kasi artista kayo.

“And nasa iyong side ang media. Kami mape-play up kami, e.

“Puwede mong sabihin, puwede kang magsinungaling.

“Lahat ng gusto mong sabihin, puwede—magpaawa, nagsinungaling ka, na dehado na yung pamilya ko.

“Pero ngayon, sobra na.

“Para sabihin mo na binugbog ka ng anak ko, tama na ‘yang kasinungalingan mo!

“It’s too much, Andi. Too much!”

Sabi pa ng ina ni Albie, habang itinuturo ang isang daliri sa kamera, “Sa akin ka tumatakbo no’n para sa mommy mo.

“Ito, alalahanin mo 'yon—umiiyak ka sa akin about your mom, na alcoholic, na beating you up pag nakakainom kaya nila-lock mo yung door mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ayokong magsalita dati kasi I was still protecting you.

“Sabihin mo you’re done enough protecting Albie because… ako, we’ve protected you all this time.

“Tama na, Andi.

“Sinisira mo, hindi lang si Albie, kundi yung pamilya namin.

“Sukang-suka na kami, Andi!”

Tumanggi namang magbigay ng mensahe si Albie para kay Andi.

Samantala, sinusubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose kaugnay ng naging pahayag ni Mrs. Casiño.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN