Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jaclyn Jose denies being an alcoholic or beating daughter Andi Eigenmann; Andi says "...for the record, my mom never hurt me. NEVER."

May 8, 2012
Award-winning actress Jaclyn Jose (right) and daughter Andi Eigenmann (left) are now caught in a controversy involving young actor Albie Casiño and his mom Rina. Albie is being pointed to as the father of Andi's daughter.

Kinontra ng aktres na si Jaclyn Jose ang alegasyon ni Rina Casiño, ina ng young actor na si Albie Casiño, na siya ay “alcoholic” at sinasaktan diumano ang anak na si Andi Eigenmann.

Matatandaang sa panayam ni Mrs. Casiño sa TV Patrol kahapon, May 7, sinabi nitong “sinungaling” si Andi dahil sa paratang nito na sinasaktan siya ni Albie noong sila pa.

Buwelta ng ina ni Albie patungkol kay Andi: “Sa akin ka tumatakbo no’n para sa mommy mo. Ito, alalahanin mo ‘yon—umiiyak ka sa akin about your mom, na alcoholic, na beating you up pag nakakainom kaya nila-lock mo yung door mo.”

(CLICK HERE to read related story.)

"I AM NOT ALCOHOLIC." Sa maikling mensahe na ipinadala ni Jaclyn sa TV Patrol ngayong gabi, May 8, pinabulaanan niyang siya ay alcoholic, at sinabi rin niyang hindi niya kailanman sinaktan si Andi.

Diin pa ng award-winning actress, hindi niya pinalaking sinungaling ang kanyang anak sa aktor na si Mark Gil.

Continue reading below ↓

Ito ang kabuuang pahayag ni Jaclyn:

“I am not alcoholic, been working in this business for a long time. Kung alcoholic ako, wala sana akong trabaho. Alam ng industry ang record ko, how professional I am, and hindi ko kailanman binubugbog anak ko. At lalong di ko pinalaking sinungaling ang mga anak ko.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

ANDI’S "WORDS OF WISDOM." Samantala, hindi na nagsalita si Andi kaugnay ng naging pahayag ni Albie at ng ina nitong si Rina sa TV Patrol.

Nasabi na raw niya kasi ang gusto niyang sabihin sa panayam niya sa The Buzz na ipinalabas noong Linggo.

Sabi ni Andi, "Hindi ko naman gustong ipagsigawan sa buong mundo yun, e. I just wanted to get the chance to be heard for once."

(CLICK HERE to read related story.)

Isang makahulugang mensahe rin ang iniwan ng Kapamilya star para sa dating kasintahan at sa pamilya nito:

“I know how much these people believe in God. If they really believe in God as their Lord and their savior, they know that it’s going to be the right thing. And it will be better for them and their lives to just tell the truth or stop.”

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Twitter ay ipinagtanggol ni Andi ang inang si Jaclyn sa akusasyon ng ina ni Albie na binubugbog diumano siya nito.

"I know it doesnt matter, because its up to the viewers to decide. But for the record, my mom never hurt me. NEVER."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actress Jaclyn Jose (right) and daughter Andi Eigenmann (left) are now caught in a controversy involving young actor Albie Casiño and his mom Rina. Albie is being pointed to as the father of Andi's daughter.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results