Elmo Magalona on making his loveteam with Julie Anne San Jose for real: "Hindi naman kasi ganoon ang feeling namin.”

IMAGE Noel Orsal

Elmo Magalona on team-up with Julie Anne San Jose: "Parang siyempre, may pressure ako dahil palagi nilang sinasabi na, 'Bakit hindi totoo na kayo?' Pero kasi, sa akin lang, hindi yun ang focus namin ni Julie. Hindi naman namin pinag-uusapan na sinasabi ng fans, 'Dapat maging tayong dalawa, tara gawin natin.' Parang akward kasi..."


Panibagong hamon sa loveteam nina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose ang bagong youth-oriented show ng GMA-7, ang Together Forever.

Ang programang ito ang papalit sa timeslot ng Tween Hearts na napapanood tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng Party Pilipinas.

Sa June 17 ang pilot ang episode ng Together Forever.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa first taping day ng kanilang programa noong Linggo, June 10, sa Sienna College sa Taytay, Rizal.

Sabi ni Elmo tungkol sa Together Forever, “It’s a new start din for a new show in GMA. Kasi, ang napalitan nitong show ay nag-run sila for a very long time.

"Meron din pressure and very excited ako for this show.

"Family-oriented at parang nase-sense ko na maganda ang chemistry ng cast.

“Kami ni Julie, matagal na kaming magkasama, 'tapos yung iba ko pa rin na kasama, hindi ko pa nakasama, pero nakakasama ko sa Party Pilipinas—like sina Sef [Cadayona], Steven [Silva], makakasama ko sila rito... pati si Enzo Pineda.”

FEELING THE PRESSURE. Umabot ng 87 episodes ang Tween Hearts, na papalitan ng programa nina Elmo at Julie Anne.

Dagdag pressure ba yun sa kanila?

Sagot ni Elmo, “Feeling ko lang, parang everything comes to an end.

"Sobrang tagal na rin naman ng show nila at sobrang nakaka-proud din for them kasi they lasted that long... na two years.

"Kasi, never pa akong naka-experience nang ganoon katagal.

“So, parang yun nga, it’s a big accomplishment na rin for them.

"Hindi naman siya yung parang bitter feeling kasi habang maganda pa ang story, maganda na i-end na siya.

"Instead na mag-iisip ka nang mag-iisip ng story para lang mapatakbo yung show. 'Tapos, hindi rin naman magpo-progress nang maganda.

“Pero yun nga, maganda kasi hanggang sa huli, maraming nanonood.”

May pressure ba na mapantayan o mahigitan ang tagumpay ng papalitan nilang show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman iniisip na dapat sobrang tagal.

"We’re gonna do our best and we’ll gonna get into the show para mapaganda namin at saka para mapatagal namin siya.”

SUMMER TO RAINY SEASON. Bukod sa drama series nila ay may launching movie din sina Elmo at Julie Anne, ang Just One Summer, sa GMA Films.

Pero natapos na ang summer at tag-ulan na ngayon pero hindi pa rin ito naipalalabas. Ano na ang balita rito?

“Progressing pa rin siya. Meron pa siguro kaming mga five days shoot,” pagbabalita ni Elmo.

Papalitan na ba ang title na Just One Summer dahil tapos na nga ang summer?

“Feeling ko naman, bagay pa rin naman ang name ng title.

"Basta stick lang namin ang consistency ng movie ng pagiging summer feel niya.

"Kasi, yun lang naman ang dahilan kung bakit summer tinawag ang show. Yung kuwento niya, based sa summer.

“Parang ako, halimbawa, nanood ako ng High School Musical 2, summer episode nila yun, puwede ko siyang panoorin ng Christmas time, panoorin ng Halloween time.

"Hindi naman siya naka-based na porke't summer sa Pilipinas, summer ko lang siyang papanoorin,” paliwanag ng young actor-rapper.

Pero hindi pa rin daw alam ni Elmo kung kailan maipapalabas ang pelikula nila ni Julie Anne.

Aniya, “Siyempre, mas mapipili ko rin sana na ipinalabas siya as expected noong summer because everyone is expecting na rin.

"Pero because of schedules and the weather, maraming mga complication na nangyari.

“Pero ngayon, ginagawa na namin ang best para matapos na ang movie.”

RIPE FOR STARDOM. Tinanong ng PEP si Elmo kung nararamdaman naman niyang hinog na hinog na ang loveteam nila ni Julie Anne dahil mapa-pelikula at telebisyon, talagang todo ang suporta ng Kapuso network sa kanila.

Saad niya, “Never ko naman masasabi yun kasi every day naman, may natutunan akong bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka kaming dalawa, may natutunan kaming bago sa isa’t isa, so parang this is our opportunity at chance namin ito na maipakita na this is why na-pair kaming dalawa.

“It’s also a challenge for us para tingnan namin kung gaano katagal namin kaya patagalin itong loveteam namin.”

REEL AND REAL LOVETEAM. Expected na para sa fans ng kahit sinong loveteam, mas gugustuhin nila na hindi lang on-cam ang tambalan ng kanilang mga hinahangaan kundi maging off-cam.

Sa parte ni Elmo, may pressure ba siyang nararamdaman na may ganoong wish ang karamihan ng followers nila, na sana sila na nga ni Julie Anne o sana ay totohanin na niya itong ligawan?

“Hindi naman...

"Parang siyempre, may pressure ako dahil palagi nilang sinasabi na, 'Bakit hindi totoo na kayo?'

"Pero kasi, sa akin lang, hindi yun ang focus namin ni Julie.

"Hindi naman namin pinag-uusapan na sinasabi ng fans, 'Dapat maging tayong dalawa, tara gawin natin.'

“Parang akward kasi. Parang medyo weird na ganoon.

"Based lang sa sinasabi ng tao, mapipilitan na lang kami.

"Pero hindi naman kasi ganoon ang feeling namin.”

Kung sakali, mapipilitan lang ba siya?

“Hindi naman ako napipilitan. Kung sakali, maramdaman na lang namin.

"Ayoko rin naman noong kapag nalaman, hindi naman pala totoo. So, hindi rin maganda," sabi ng binata.

LAUREN YOUNG. Yun nga lang, hindi rin kasi nawawala ang isyu na sa totoong buhay ay may girlfriend na si Elmo—ang ABS-CBN talent na si Lauren Young.

Pero muling itinanggi ni Elmo na kasintahan na niya ang Kapamilya star.

Paliwanag niya, “Kasi nga, palaging nakikitang kasama ko siya.

"Pero hindi naman ako yung sobrang close sa kanya kung hindi yung mga kapatid ko talaga.

"Sila yung parang magkabarkada sila. Yung ate ko [Maxene Magalona], si Saab [Magalona], at saka yung ate niya—si Megan Young.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang close sila, every week nagkikita sila. Minsan, family day namin, nakakasama ko sila.”

Diretsuhan naming tinanong si Elmo kung may kulang o hinahanap pa siya kay Julie Anne para maging totohanan na ang loveteam nila.

Sagot niya, “Hindi naman ako parang nakukulangan.

"Pero feeling ko lang, mas magpo-progress ang career namin kapag hindi muna namin i-personal ang ganitong bagay.

"Pero yun nga ang maganda sa amin, yung chemistry namin talaga, kakaiba—like off-cam and on-cam.

"So, masasabi ko na parang nagiging mas comfortable pa kami lalo ngayon.

"At hindi rin naman kami yung nagsasabi na dapat maging kami, pero mas nagiging comfortable kami lalo ngayon kahit hindi namin pinipilit na maging kami o feelings for each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN