Mariel Rodriguez-Padilla says no to "kabuki" makeup

IMAGE Noel Orsal

Ilan sa mga paalala ni Mariel Rodriguez-Padilla tungkol sa pagme-makeup ay panatilihin itong simple. Isa pa ay tanggalin daw agad ang makeup kung hindi na kailangan upang hindi mag-clog ng pores.


Bilang isang TV host, mahalaga kay Mariel Rodriguez-Padilla na laging magmukhang maayos at maganda.

Kaya bukod sa magagandang damit at accessories, importante na maayos lagi ang kanyang makeup.

THE RIGHT FOUNDATION. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mariel noong Agosto 15 ang ilang bagay na dapat tandaan ng mga babae pagdating sa pagme-makeup.

Aniya, ayaw daw ng kanyang asawang si Robin Padilla na lagi siyang naka-makeup at lalong huwag daw dapat ito makapal.

Kaya naman isang mahalagang bagay para kay Mariel na laging tama ang shade o kulay ng kanyang foundation.

Paalala ni Mariel tungkol sa pagpili ng foundation:

“It should be the same shade as your skin tone. Ayaw ko ‘yong mukhang kabuki na namumutla ‘yong mukha, I don’t like that.”

Ang "kabuki" ay isang uri ng tradisyonal na stage performance sa bansang Japan na sumikat noong 1600's.

Isa sa mga trademarks nito, ayon sa website na japan-guide.com, ay ang tinatawag na "kesho" o ang paggamit ng puting makeup sa mukha ng mga aktor.

Ito raw ang ayaw na mangyari ni Mariel sa kanyang pagme-makeup, ang magmukhang sobrang maputi at malayo na sa natural na kulay ng kanyang balat.

TIP: Paano nga ba pumili ng tamang foundation?

Ayon sa website na cosmopolitan.com, isang paraan upang malaman kung tugma ang kulay ng foundation sa iyong balat ay magpahid muna ng sample sa may panga o jaw line.

Kung tumugma ito sa iyong kulay, kahit hindi masyadong na-blend, iyon daw ang tamang shade ng foundation para sa iyo.

BASIC MAKEUP. Samantala, pinaalala rin ni Mrs. Padilla na huwag kalilimutan ang iba pang “basics” tulad ng blush, lipstick, at lip gloss na magbibigay ng “glow” sa iyong mukha.

Mapapansin naman ito kay Mariel, na very light at natural-looking lamang ang makeup sa tuwing nagho-host ng variety show na Wil Time Big Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung titignan din ang kanyang eye shadow, tumutugma ang kulay nito sa kulay o shade ng suot niyang damit.

KEEP IT SIMPLE. Isa pang tip ni Mariel, piliin lamang ang bahagi ng mukha na i-e-emphasize gamit ang makeup.

Kapag matingkad na ang eye makeup, i-tone down na lang ang kulay ng lipstick, at vice versa.

At ang pinaka-importanteng bagay na dapat tandaan kapag gumagamit ng makeup:

“You have to remove it right after, kapag hindi mo na kailangan, take it off.”

Ito’y upang makahinga at makapag-produce muli ng natural moisture ang iyong balat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN