KC Concepcion reveals a non-showbiz guy is making her "kilig" these days

IMAGE Noel Orsal

KC Concepcion on falling in love again: “Masarap palang kinikilig ulit kasi I’m excited to fall in love again. Excited ako na ano ulit. Pero huwag muna ngayon, huwag muna. Kasi ito nga, yung free time ko, ipipikit ko na lang, ipapahinga ko na lang. So, unfair din kung magkarelasyon ako ngayon.”


May isang lalaking nagpapakilig ngayon sa actress-TV host na si KC Concepcion.

Inamin ito mismo ni KC sa panayam sa kanya ng The Buzz, sa story conference ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Against All Odds.

“Ang pangit namang sabihin na no time for love!” tawa ni KC.

Marami kasing pinagkakaabalahan ngayon ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Bukod sa bago niyang teleserye ay malapit na ring magsimula ang X-Factor Philippines, na siya ang magiging host.

Itinama na lang ni KC ang sinabi, at ginawa itong “no rush for love.”

Dugtong niya, “Meron, pero sabi nga ng iba, ‘Pinapahirapan mo naman masyado.’

“And ano ha, I’m not talking of anyone na kilala n’yo na—non-showbiz siya.”

Pero nilinaw ni KC na kahit napapakilig siya ng non-showbiz suitor niyang ito, hindi pa rin daw siya handang pumasok sa isang relasyon.

“I’m happy,” sambit niya.

“Masarap palang kinikilig ulit kasi I’m excited to fall in love again. Excited ako na ano ulit.

“Pero huwag muna ngayon, huwag muna.

“Kasi ito nga, yung free time ko, ipipikit ko na lang, ipapahinga ko na lang.

“So, unfair din kung magkarelasyon ako ngayon.”

Ang huling naging boyfriend ni KC ay ang matinee idol na si Piolo Pascual.

TWO NEW SHOWS. Para kay KC, ang trabaho niya ang nagiging lovelife niya ngayon, lalo nga’t malapit na ang X-Factor Philippines.

“Ay naku, masayang-masaya kami sa X-Factor. Palagi kaming tumatawa.

“Out of twenty thousand people, ang nakapasok e one hundred seventy two.

“From there, mag-e-eliminate na naman kami and then, twenty na lang ang makakapasok,” sabi niya.

Kasabay nito ay ang teleserye ni KC na Against All Odds, kunsaan makakasama niya sina Judy Ann Santos, Sam MIlby, at Coney Reyes.

Sabi ni KC, “Parang hindi ako makapaniwala na nangyayari na ito, kasi it’s been three and half [years] since yung last ko na teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, gusto ko, na kung mag-teleserye ako ulit, since hindi naman ako yearly gumagawa ng teleserye, it’s gonna be nice and different.

“At yun na nga po ang nangyari talaga, napakaganda ng role ko rito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN