Isay Alvarez stars as Bodabil Queen Katy Dela Cruz in restaging of Katy The Musical

IMAGE Noel Orsal

(Inset) Pinagtibay ng Congressional Spouses Foundation Inc., na pinamumunuan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte (kanan), ang kanilang partnership sa Spotlight Artists Centre ni Robert Seña (kaliwa) para sa revival ng Katy The Musical.

(Main photo) Gaganap sa lead role ang aktres na si Isay Alvarez.


Muling magbabalik-entablado ang aktres na si Isay Alvarez sa Enero 2013 upang gampanan ang isa sa kanyang dream roles.

Isasabuhay ni Isay ang karakter ng Philippine Vaudeville (Bodabil) Queen na si Katy Dela Cruz, sa revival ng 1980’s original Pinoy musical na Katy The Musical.

Sa press conference ng show noong Agosto 13, sinabi ni Isay, “I was not supposed to play Katy, but they have decided kasi parang…iyon, o, tatlo sila against me.”

Tinukoy ni Isay ang tatlong namamahala sa Spotlight Artists Centre, ang production company na nagpasimuno sa proyekto.

Kinabibilangan ito ng entrepreneur at AM radio host na si Dr. Carl Balita, Tricia Amper-Jimenez, at asawa ni Isay na si Robert Seña.

Ayon kay Robert, hindi naman daw basta-basta ang pagkakapili kay Isay at hindi ito nangyari porke’t asawa niya ito at isa siya sa producers.

“We auditioned a lot of artists to play Katy but, well, some can sing, some can act, but most of them cannot do that ‘triple threat’—which means you can dance, sing, and act.

“And isa pang mahirap kasi doon sa role is nag-e-age siya from her 20’s to her 70’s. Kung wala ka talagang experience na malawak-lawak, hindi mo magagawa iyong role.

“At first we talked about getting a big star to play the role of Katy.

“But, we asked ourselves, ‘Are we going to gamble na because star lang iyong tao or because she can do justice to the role?’

“So, iyon. Talagang binalanse naman namin.”

PARTNERSHIP WITH CSFI. Tila wala namang pagtutol ang mga miyembro ng Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI), ang major partner ng Spotlight sa proyekto, sa desisiyong ito.

Katunayan, na-impress pa nga si Leyte Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa lineup ng dekalibreng thespians na makakasama sa palabas.

Ilan lang sa cast sina Dulce, na gaganap bilang Olivia; Tirso Cruz III, bilang ama ni Katy; Gian Magdangal, bilang Peping na asawa ni Katy; at si Epy Quizon sa papel ng kanyang yumaong amang si Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi miyembro ng CSFI si Lucy, ngunit dumalo ito sa presscon at contract signing, na ginanap sa Batasang Pambansa, Quezon City, bilang proxy ng asawang si Richard Gomez.

Ani Lucy sa kanyang speech, “One of the biggest sources of joy for us Filipinos siguro is entertainment.

“We all can relate to entertainment, and theater is a form of entertainment, and this is a very wonderful and intelligent form of entertainment.

“We’re always so excited when we see these mga foreign acts come here, and we pay more than a few thousands to see foreign artists, while we have a wealth of local talents.

“You see naman the lineup that’s here [in Katy], and we’re also featuring the life of a national treasure herself.

“So, it’s about time that we really do what we can to promote local talent, and this is just one way. I hope this will be just the start of more conscious efforts.

“Kudos to the Seña couple for thinking of this, and I hope that this will [encourage others] para hindi na talaga maputol, tuluy-tuloy na lang, ang paglaganap ng ating kultura.”

Nagsalita rin sa press conference ang presidente ng CSFI na si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Aniya, isang “milestone project” ito para sa kanilang grupo dahil ito ang unang pagkakataong makikipag-partner sila sa isang artists' group.

“Congressional Spouses has made it one of its missions to promote Filipino-made products.

"And now, we’re very happy to be promoting Filipino raw talent—an all-Filipino production, a Filipino musical, and something that promotes Filipino culture and the arts.

“Naniniwala talaga tayo, lalung-lalo ngayon na inuuulan tayo hindi lang ng baha, ng bagyo, kundi inuulan din tayo ng foreign acts dito.

“Sa tingin ko, bagamat maganda na nasa world map na tayo at pinupuntahan ng napakaraming mga talento, tingin ko panahon na rin na bigyan natin ng pansin at diin ang sariling atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At sana, balang araw, ay dadalhin din natin ang mga productions na ito sa ibang bansa, sapagkat tingin ko, kasing ganda ng ginagawa nila ang ginagawa natin.”

Ang Katy The Musical ay ipapalabas sa Enero 2013 sa Cultural Center of the Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN