Video of fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, and Claudine Barretto goes viral

IMAGE Screen Grab from GMA-7 (main photos)/ YouTube (inset)

Here's the video of the actual fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, Claudine Barretto, and the couple's friends.

This version, however, doesn't show how the fight began. (CLICK HERE)


"Sana ilabas ng airport security ang CCTV," ang hiling ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ito ay para malaman kung sino sa kanila ng columnist na si Mon Tulfo ang lumikha ng gulo kaninang tanghali, May 6, sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Isang Glamchiq00 ang nag-upload ngayong gabi sa YouTube ng video ng insidente na kinasangkutan nina Raymart at Mon pero hindi ito kumpleto.

May pamagat na Mon Tulfo and Raymart Santiago/Claudine Barretto Celebrity Showdown ang video na halos isang minuto ang running time.

At press time, may mahigit 300 views na ito, ang ilang version na rin ang kumalat sa Internet.

Mapapanood sa video na nagsusuntukan ang isang lalaking naka-gray shirt at isa pang lalaking naka-vest, habang inaawat ng isang security guard ang isa pang lalaking naka-pink.

Maya-maya, nakawala ang huli at nakipagsuntukan din sa lalaking naka-vest. Nakasunod ang isang babaeng nakasuot din ng shirt na kulay pink.

Naging agresibo ang lalaking naka-vest, at hinila niya pababa ang lalaking naka-pink habang nagsusuntukan. Hinawakan naman ng lalaking naka-gray sa leeg ang lalaking naka-vest.

Nang hindi nakapalag ang lalaking naka-vest, sunud-sunod na suntok ang inabot niya mula sa lalaki at babaeng naka-pink.

Naunang naawat ang lalaking naka-pink, at naiwan ang babae na patuloy ang pananadyak.

Mistulang tug-of-war ang nangyari dahil pinagitnaan ng lalaking naka-gray at babaeng naka-pink ang lalaking naka-vest.

Pitong tao ang umawat para matigil ang away, kung saan naiwan sa sahig ang lalaking naka-vest, na mamamataang si Mon Tulfo.

Ang lalaking naka-gray ay si Raymart, habang ang babaeng naka-pink naman ay si Claudine. Hindi na nagbihis ang mag-asawa noong nagpa-interview sa Showbiz Central.

(CLICK HERE to view the video)

Dahil hindi kumpleto ang YouTube video, kailangan pa rin na ilabas ng airport ang video mula sa CCTV para ma-validate ang kuwento ng mag-asawa na si Mon ang unang sumuntok kay Raymart at nagalit ito nang makita niya ang dalawang beses na diumano'y pagtadyak ng broadcast journalist kay Claudine na ikinamaga ng hita ng huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE STORY ACCORDING TO THE COUPLE. Heto ang detalyeng isinalaysay ni Raymart sa panayam ng Showbiz Central.

"From Boracay, bumaba na kami dito [NAIA 3]. Pagbaba namin, wala ang bagahe namin.

"So sinabi namin [sa ground attendant], bakit hindi n'yo naman sinabi sa aming mga pasahero na wala kaming mga bagahe bago kami umalis? Who gave you the right na parang kayo ang nagdesisyon na huwag ikarga ang mga bagahe namin, e, may mga importanteng gamit doon sa bagahe namin.

"Hanggang sa ito, siya [Mon], nag-video-video.

"Sabi nung friend ko, 'Raymart, may nagbi-video yata?'

"So nilapitan ko, sabi ko, 'Sir, ano po yung ginagawa n'yo? Biglang sinuntok ako. Ginanoon [itinulak, ang muwestra ni Raymart] ako 'tapos sumipa. E, lalaban din ako, di ba?"

Ayon naman kay Claudine, "'Tapos lumapit na yung dalawang friends namin para... kasi pa-hold na si Raymart, 'tapos bigla na lang siyang [Mon] nag-amok!

"Sinuntok na lang niya si JV, sinuntok si Doby, e, di siyempre lumaban sila."

CLAUDINE'S APPEAL. Bago natapos ang panayam, umapela ang aktes na ilabas ang video.

Aniya, "'Yon ang ipinapakiusap namin na sana ilabas ng airport security yung CCTV na hanggang ngayon, hindi pa nila nare-release na nakikiusap kami sa media na tulungan kami na ilabas yung CCTV para makita talaga na nagra-run amok siya doon, na nagwawala siya doon, nanununtok, naninipa.

"'Tapos ako, nasipa, tinadyakan ako ng dalawang beses 'tapos itinulak ako kaya siya nasapak ni Raymart."

Samantala, nasaksihan daw ng mga anak nina Claudine at Raymart ang buong pangyayari.

Ayon kay Raymart, umiyak at na-trauma ang mga bata dahil sa eksena na nasaksihan kaya hindi niya mapapatawad si Tulfo.


MON TULFO'S VERSION. Heto naman ang kuwento ni Mon:

"Kagagaling ko lang sa Davao nang lumapag ako sa NAIA 3. Sa labas na ako, sa arrival area, doon sa may complaint desk, may pinagagalitan na isang ground stewardess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-usisa ako dahil ako'y isang reporter. Dinuduro-duro niya [Claudine], sinusurot-surot niya yung isang babae na napapaiyak.

"Kumuha na ako ng litrato.

"'Tapos, gusto ko sanang sabihin sa kanya, lapitan siya na huwag n'yo namang gawin 'yan dahil 'yan ay maliit na tao lang naman, e.

"'Tapos, kinukuha nila yung aking cellphone. Hindi ko ibinibigay.

"Doon nag-umpisa. Itinulak ko siya [Raymart]. Sabi ko, 'Huwag mong kunin ito [his cellphone]. Sinuntok niya ako, hindi siya tumama."

Dumiretso sa Investigation and Intelligence Division ng Airport Police Station ang mga sangkot sa gulo at inilahad nila sa pulis ang kanilang mga panig.

Mula sa police station, dumiretso si Tulfo sa emergency room ng St. Luke's Medical Center (Global City) para ipagamot ang kanyang mga sugat sa mukha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN