Erwin Tulfo denies challenging Raymart Santiago to a fistfight, but ready to face the actor over "coffee"

IMAGE Noel Orsal

Erwin Tulfo (right) on what he really said on Raymart Santiago (left): “Wala ho ako sinabing ganoon na hinahamon ko si Raymart. Tinatanong kasi ako nung reporter, ‘Ano ho ang mensahe n'yo kay Raymart?' Sabi ko, ‘E, wala naman problema sa akin kung ano ang gusto ni Raymart. Okey lang sa akin. Mahirap naman yung tataguan ko siya, kung ano ang gusto niya.’"


Pinabulaanan ni Erwin Tulfo ang kumalat na balita na hinahamon niya ng suntukan si Raymart Santiago.

Ito ay matapos ang engkuwentro ni Raymart sa kapatid ni Erwin na si Mon Tulfo na nangyari kahapon, May 6, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

(CLICK HERE to read related story.)

Ginawa ni Erwin ang paglilinaw ngayong umaga, May 7, sa Punto Asintado, ang radio program nila ni Martin Andanar sa AksyonTV.


THE CLARIFICATION. Ayon kay Erwin, "Na-misquote ako kanina sa isang tabloid na sinasabi na hinahamon ko si Mr. Raymart Santiago.

“Wala ho ako sinabing ganoon na hinahamon ko si Raymart.

“Tinatanong kasi ako nung reporter, ‘Ano ho ang mensahe n'yo kay Raymart?'

"Sabi ko, ‘E, wala naman problema sa akin kung ano ang gusto ni Raymart. Okey lang sa akin. Mahirap naman yung tataguan ko siya, kung ano ang gusto niya.’

“Uulitin ko yung sinabi ko para hindi ako ma-misquote."

Pagkatapos nito ay inulit nga ni Erwin ang sinabi niya patungkol kay Raymart:

"Para kay Mr. Santiago, boss, ako naman, e, ready anytime. Nandito naman ako.

"Sabihin mo lang kung saan mo gusto na magkape tayo. Wala naman problema sa akin 'yon.

“Okey lang sa akin kung natatakot ka na mag-isa ka lang. Dalhin mo yung walo na 'yon. Walang problema 'yon.

"Pati si Ms. Claudine [Barretto, misis ni Raymart], isama mo para siyam kayong lahat.

"Walang problema sa akin, darating ako.

"Pero dapat yung pagkakapehan natin, medyo malaki-laking lugar. At saka walang tao.

“Walang puwedeng pumigil sa atin para kahit magsigawan tayo nang malakas. Walang makakapigil at walang makakakita ng video para fair play.

“I-text mo ako. Text mo ngayon Raymart kung saan mo gusto.

"Isama mo yung walo, sige, walang problema.

“'Walo kayo plus kasama si Claudine.

"Gusto mo, mag-usap tayo para maliwanagan.

“At saka huwag sa maraming tao dahil baka sabihin mo nakunan ka ng video. Yung walang video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto mo sa Antipolo, sa kabundukan, walang problema.

"Ibigay mo lang ang direksiyon, darating ako para mapag-usapan ito. Para malinaw.

"Dati kasi, may naghamun-hamon sa akin, hindi naman dumating.

“Siguraduhin mo lang na kapag tinawag mo ako, darating ka. Ayoko yung pinag-aantay.

“'Sabihin mo lang kung anong oras darating ako.Walang tao, walang video, video."


NATURAL INSTINCT TO HELP. Sinabi rin ni Erwin na pinalaki silang magkakapatid ng kanilang mga magulang na gumalang sa mga nakatatanda at tulungan ang mga tao na naaapi.

Naniniwala si Erwin na nasa klase ng pagpapalaki ng mga magulang ang mga nagiging ugali ng kanilang mga anak.

Aniya, “Ito ang masamang ugali namin. Kapag may nadaanan kami na humihingi ng tulong, yung malililiit na kapatid natin, hindi namin napipigilan na makikialam kami. Na lalapit kami dahil 'yon ang turo ng tatay namin.

“Na kapag may nakikita ka na inaapi, parang instinct na rin sa amin, kung kami'y nagbabakasyon, e, lalapit at lalapit kami doon para awatin, tumulong, ‘Tama na yan.’

“In this case, naawa si Mon doon sa mga babae [na pinagagalitan diumano ni Claudine].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN