Part 1. Raymart Santiago claims Mon Tulfo hit him and wife Claudine Barretto first

IMAGE Noel Orsal

Raymart Santiago and Claudine Barretto, together with their legal counsel Atty. Alex Avisado, grant interviews in major primetime newscast earlier tonight, May 6. In his interview with 24 Oras, Raymart said about Mon Tulfo, "Yung pagsuntok po niya sa akin at pagsipa niya po sa akin, kaya ko pong tanggapin ‘yon, e. Parang experience na lang, parang gano’n. Pero yung sinaktan niya yung asawa ko at trauma nung mga anak ko, e, mali ‘y


Laman ng news programs at ng mga pahayagan ang kaguluhang naganap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon ng tanghali, May 6, kung saan sangkot ang celebrity couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto, at ang veteran journalist na si Mon Tulfo.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil mga kilalang personalidad ang sangkot sa gulong nangyari ay naging interesado ang halos lahat na makuha at malaman ang panig ng magkabilang kampo.

Maliban sa mga nauna na nilang mga pahayag ilang sandali matapos ang insidente, nagpaunlak din ng live interviews ang mag-asawang Raymart at Claudine, at si Mon, sa major news programs ngayong gabi, May 7.

Sa 24 Oras ng GMA-7 ay magkasunod na nakausap ng anchors na sina Mel Tiangco at Mike Enriquez sina Raymart at Mon.

Bagamat katabi ni Raymart ang misis niyang si Claudine habang kinakausap siya nina Mel at Mike, ang aktor at ang abugado nilang si Atty. Alex Avisado lamang ang nagsalita.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang dahilan ng hindi pagsasalita ni Claudine ay para maiwasan ang "emotional stress."

Habang nasa studio ng GMA Network sina Mel at Mike, sina Raymart at Claudine ay nasa isang bistro-restaurant sa may Quezon City, kung saan din ginanap ang ipinatawag nilang presscon kanina.

CHILDREN'S TRAUMA. Unang kinumusta ni Mel kay Raymart ang kalagayan ni Claudine at ng kanilang mga anak.

Ayon sa aktor, masakit pa raw ang katawan ng kanyang misis dahil sa natamo nitong pasa mula diumano sa sipa at panunulak ni Mon Tulfo.

Pagdating naman sa mga bata, sinabi ni Raymart na sasailalim daw sa “psychological test” ang mga ito bukas, May 8, dahil diumano sa “trauma” na dulot ng nasaksihan nila.

Ano ang nakikita nila sa mga bata?

Sagot ni Raymart, “Hindi, kasi po yung… lalo na po yung bunso ko, overprotective po ‘yon sa asawa ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinahanap niya, ‘Where’s that man? Where’s that man who kicked my mom? Is he in jail?’ Gano’n…

“For a five-year-old, five years old, parang yun ang isip niya, di ba? Nagulat nga kami, e.”

Batay sa mga kumakalat na video, kitang-kita raw ang galit at panggigigil ni Raymart kay Mon Tulfo. Saan nagsimula ‘yon?

Paliwanag niya, “Yung video po na lumalabas sa YouTube, yun na po yung huling parte ng away, e.

“Yun po yung pagkatapos niyang sipain si Claudine nang dalawang beses at itinulak. Kaya po naging ganun po yung reaksiyon ko.”

Kaninang umaga ay pormal nang naghain ng mga reklamong physical injuries at grave coercion si Mon laban kina Raymart at Claudine.

May balak ba silang maghain ng kontra-demanda?

Sabi ni Raymart, “Actually, opo… nagkita po kami sa police station nung araw na ‘yon, kahapon.”

THE MISSING BAGGAGE. Binalikan naman ni Mel ang lumalabas na pinagmulan ng lahat ng gulo—ang mga naiwan nilang bagahe.

Nanggaling kasi ang pamilya nina Raymart at Claudine, kasama ang ilang mga kaibigan nila, sa Boracay.

Pagdating ng kanilang eroplano sa NAIA Terminal 3 ay nagulat sila na wala ang kanilang mga bagahe sa Caticlan Airport.

Sa tantiya ni Raymart, anim hanggang sampung bagahe nila ang naiwan.

Kailan nila nalaman na hindi pala kasama sa eroplanong sinakyan nila ang kanilang mga bagahe?

“Yun nga po yung parang pinagtataka po namin,” sabi ni Raymart.

“Pagdating po namin sa airport, bigla na lang sinabi na hindi namin kasama yung gamit namin.

“Na sinabi namin, bakit hindi nila in-inform po kami na hindi namin makakasabay yung bagahe namin.

“Kasi may mga gamot po dun ng mga anak namin.

“Kagaya po nung anak nung kaibigan namin, inatake po ng asthma, so kailangan po ng gamot.

“Kaya po yung reaksiyon ni Claudine, na siyempre, who gave you the right na kunin yung mga bagahe namin nang walang pasabi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, yun lang po ‘yon.”

Dagdag ng aktor, “At kung kinausap po ako ni Mon na ‘yon, siguro baka kumampi siya sa akin, e.

“Kaso pinagkukunan po kami, ‘tapos tinanong ko sa kanya kung, ‘Sir, ano po ba ang ginagawa ninyo?’

“Bigla na lang po niya akong sinuntok at sinipa. Yun po ang katotohanan.”

Ano ang sagot nung tao sa airport nung tinanong siya tungkol sa bagahe nila?

“A… parang nalipat sa isang eroplano ‘ata, parang maghihintay ng two hours. Paranga gano’n, na ide-deliver na lang po sa bahay.

“Pero hindi yun yung point, e. Hindi yun yung point, e.

“Sa amin, bago kami umalis, sana sinabi muna po sa amin na hindi namin makakasama [yung mga bagahe].”

May dahilan ba na ibinigay sa kanila ang Cebu Pacific kung bakit na-offload ang kanilang mga bagahe?

“Siguro po dahil puno siguro ‘yong eroplano. Pero ‘yong nakasakay po kami, siguro 30 lang po kami sa eroplano, e…

“Mga 30 po kami, yung eroplano, mga 100-plus yata yung [seating] capacity nun.

“So, nagtataka po kami bakit punumpuno yung gamit na sinasabi nila,” saad ni Raymart.

Kaugnay nito, naglabas na ng official statement ang pamunuan ng Cebu Pacific tungkol sa nangyari (published as is):

"Flight 5J 896 from Caticlan to Manila last May 6, 2012 had to offload some luggage due to Caticlan airport's weight limitation, which is implemented for safety reasons. The bags were loaded in the earliest available Kalibo - Manila flight on the same day and have been delivered to the owners.

"We regret the inconvenience this may have caused our guests and we hope for their understanding as their safety is our primary concern."

POSSIBILITY FOR TRUCE. Tinanong naman ni Mike Enriquez si Raymart kung mayroon na bang sumubok na pag-ayusin sila ni Mon magmula nang mangyari ang insidenteng ito.

Kung sakaling meron man, bukas ba sila na maayos ito nang hindi aabot pa sa korte at legal na proseso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Kagaya po nung sinabi ko sa mga interviews kanina, yung pagsuntok po niya sa akin at pagsipa niya po sa akin, kaya ko pong tanggapin ‘yon, e. Parang experience na lang, parang gano’n.

“Pero yung sinaktan niya yung asawa ko at trauma nung mga anak ko, e, mali ‘yon.

“Hindi kita aatrasan.”

Ano ba ang nauna, suntok o sipa? Sino ang naunang nanuntok o nanipa?

Salaysay ni Raymart, “Ang nangyari po, lumapit po ako sa kanya [Mon], siguro mga two meters away siya, sinabi ko, ‘Sir, ano po ‘yong ginagawa n’yo?’

“‘Tapos tinitingnan niya ‘yong camera niya, ‘tapos ngumingisi siya, e—parang tumatawa, parang tawang-aso.

“Tumingin sa aking gano’n, bigla akong in-open fist saka sinipa.

“So, tumama sa akin saka tumama dito at, ‘yon, nagkagulo na. Hanggang sa nagkaawatan na.

“No’ng nagkaawatan na, si Claudine naman ‘yong lumapit. Tinanong niya, ‘Bakit mo sinipa yung asawa ko at sinuntok?’

“‘Tapos biglang gano’n na naman. Parang ngumingisi siya [Mon]… ‘tapos biglang tumapat siya kay Claudine, tiningnan niya si Claudine, at sinipa niya, tinulak.

“Yun po. Hindi ko po alam ang dahilan kung bakit niya po ginawa ‘yon.

“Kalalake niyang tao, sisipain niya yung asawa ko!”

LEGAL ACTION. Tinanong naman ni Mike ang abugado nina Raymart at Claudine na si Atty. Alex Avisado kung anong kaso ang pinag-aaralan nilang isampa laban kay Mon Tulfo?

Sagot ni Atty. Avisado: “This is a very unfortunate incident, nobody wants this to happen.

“Kaya lang po, dahil nauna nang nagdemanda si Mon Tulfo ay karapatan din naman ni Claudine at ni Raymart na depensahan yung sarili nila.

“Hindi lang ‘yon, magsampa ng kaukulang demanda kasi aggrieved din naman po dito yung mag-asawa.

“Yung YouTube video does not capture the whole story dahil ito na po yung bandang huling portion ng kaguluhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya po nag-request ho kami sa airport security, sa NAIA Terminal 3, ng copy ng CCTV [closed-circuit television].

“Kasi dun po magpapatunay yung buong kuwento, kung ano talaga ang nangyari at kung sino ang nag-umpisa ng gulo.”

Kaugnay ng hiling na ito ng kampo nina Raymart, may nakausap ang PEP.ph (Philippine Entertainment portal) na isang may katungkulang airport personnel.

Ayon dito, wala raw CCTV camera sa baggage area ng NAIA Terminal 3, kung saan naganap ang insidente.

Tanong ni Mike, may nakikita ba silang dahilan para sampahan din ng kaso ang Cebu Pacific dahil sa nangyaring insidente?

Ayon kay Atty. Avisado, “Ang concern po namin, kasi siyempre understandable, upset sila dahil na-offload yung baggage nila.

“At may mga gamot na naiwan do’n na kapag hindi naibigay do’n sa mga bata, e, baka ma-prejudice yung mga bata.

“Yun ho yung reason kung bakit sila upset.

“So, ang isyu ho ngayon talaga, e, yung pananakit ni Mr. Mon Tulfo kay Raymart—at lalo na kay Claudine.

“Lalo na din po yung emotional violence experience nung mga bata na sinasaktan yung kanilang ina sa harap nila.

“So, yun po ang aming pinagtutuunan ng pansin.

“Ayaw ho talaga sana naming umabot sa demandahan, pero inunahan na ng demanda si Raymart at si Claudine, pero hindi rin po sila aatras.”

Pinabulaanan din ng abugado niya Raymart at Claudine na “pinagtutulungan” si Mon Tulfo base sa kumakalat na video ng insidente sa YouTube.

Ayon kay Atty. Avisado, “Hinahawakan lang po. Nakikita ho diyan, hinahawakan po siya ng mga airport security at dalawang tao lang ho yung nakaaway niya.

“So, hindi po totoo pito or walong tao yung bumubugbog sa kanya.

“Wala hong video na makakapagpatunay yung sa claim ni Mr. Tulfo na pinagtulungan siya ng pito or walong tao.”

Sa huli ay hingingan ng mensahe ni Mike si Raymart para kay kay Mon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko po munang magsalita,” medyo nangingiting sagot ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN