NEWBIES: All-blonde-female group GAGA Dancers spice up segment of TV5 show Game 'N Go

IMAGE Glen P. Sibonga

Ang GAGA Dancers ay kinabibilangan nina (mula kaliwa) Elena, Steph, Mikhaela, Natalia, at Sumi.


Tuluyan nang papasukin ng GAGA (Game 'N Go Assorted) Dancers ang showbiz.

Ang grupong ito, na binubuo ng mga professional dancers, ay kinabibilangan nina Mikhaela, Steph, Sumi, Natalie, at Elena. Tatlo sa kanila ay tubong Australia, habang ang isa ay galing sa Russia, at ang isa pa ay mula sa Cuba.

Sa isang pocket press conference na inihanda ng TV5 noong September 2, sa Delta Studio, naikuwento ng supervising producer ng show na si Ruby Cuevas na si Joey de Leon ang nagbigay ng pangalan para sa all-blonde-female group.

Aniya, “Actually, yung name po na GAGA ay galing po kay Joey.

"Kasi ang original na story po riyan... We thought of the idea na Brazilian dancers na magsasayaw tapos meron po kaming spoof ng news and, in between, may magsasayaw.

"E kaso po, wala po kaming nakuhang Brazilian. Nakuha namin yung ibang nationality except Brazilian.
"So, sabi ni Joey, tawagin na lang natin silang Game And Go Assorted Dancers. Kaya niya po natawag na GAGA... Si Joey de Leon po ang nagpangalan sa kanila.”

Mapapanood ang grupo sa "Bangag" o "Balita at News Game and Go," kung saan sasayaw sila habang nag-uulat ng current events sina Joey at Edu Manzano.

Bakit sa isang segment o sa opening lang sila napapanood?

Paliwanag ni Cuevas, “When we first show them, we got very good feedback. We wanted to show them sa iba’t ibang areas.
"Kaya lang nung nag-uusap po kami, maski si Mr. Joey de Leon said, ‘Alagaan natin yung GAGA kasi there’s something in them. Ayaw natin silang ma-overexposed o magamit nang hindi tama.’
"Kaya para may sabik factor, in-exclusive muna namin sila sa 'Bangag.'”

Nabaling ang atensiyon ng press sa mga miyembro ng GAGA Dancers.

Ang unang tanong: Kumusta naman bilang katrabaho ang dalawang beteranong TV hosts?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ayon kay Natalia, “They’re amazing to work with. I don’t speak so much Tagalog actually but they help me to understand. I mean they give me the opportunity as well as the girls to learn one Tagalog every week in our segment. They’re the best.”
Hindi ba sila na-o-offend sa mga joke ng dalawang hosts?
Mula pa rin kay Natalia, “I don’t mind if they joke about me even though sometimes, I have no idea what they’re saying.
"But they’re fun to work with, they’re funny. Like when Joey told me to give him more yakap, I was like, ‘Okay, I’ll do that!’
"You know, I just like to have fun on the show. I think the other girls, too. We all just want to have fun. We’re like a big family here."




WHY THE PHILIPPINES? Dahil galing ang GAGA Dancers sa iba’t ibang bansa, bakit nila napiling magtrabaho sa Pilipinas?
Sabi ni Mikhaela, “I think we all came together from [sic] separate people. We were all introduced as individuals and then found out that there were a lot of blondes here then we all realized...
"It was their [Game 'N Go] idea to put us together. Then from that point on, we all started to train together. We all get along and we’re all very happy.”
Ayon naman kay Natalia, “I came to the Philippines only eight months ago. Aside from dancing, I really want to sing and act in another country and I chose the Philippines.
"I think the Philippines has a lot to offer in terms of entertainment, and I’m really proud to be with these girls and TV5.”
Bukod sa Game ‘N Go, mapapanood din si Natalia sa kanyang You Tube channel, kung saan ipinapamalas niya ang galing sa pag-awit. Isa sa paborito niyang piyesa ay ang OPM hit na "Forevermore."
Wala raw sa plano ng pinakabata sa lahat na si Steph ang magtagal sa Pilipinas.
Pero nagbago ito nang dumating ang offer para maging dancer ng Game ‘N Go.
Sabi niya, “Why I’m here is quite a funny story. I came here two months ago. I just came here to stay for just a few weeks for a dance workshop. But somehow, this came up and I’m still here. It’s really fun.”
Pinakamatagal naman sa bansa ang Cuban na si Sumi, na apat na taon nang naninirahan dito.
Aniya, “I love Philippines. I come here with my company before as a dancer. After that, I decided to stay here because I love the Philippines so much.
"Mahal na mahal ko po kayo! I love Filipino food. All Filipinos are so sweet, so friendly, so kind.”
Si Elena naman ay hindi pa masyadong bihasa sa English, pero hindi niya raw nakikitang hadlang ito sa kanyang career.
Una siyang nagtrabaho para sa isang Russian group na nagpe-perform sa bansa hanggang sa ipakikilala siya ng kanyang Iranian boyfriend sa TV5.


MORE PLANS. Nakakontrata ang GAGA Dancers sa TV5 Talent Center, na pinamumunuan ni Mac Alejandre.
Ayon sa director, “Maraming plano ang TV5 para sa kanila. Kaya sila ipinasok sa TV5 Talent Center kasi naniniwala kami na ang buhay artista nila ay hindi limitado sa Game ‘N Go.
"So, naniniwala kami na puwedeng lumawak ang kanilang career hindi lang bilang grupo kundi bilang individuals.
"We are looking into the possibility of not only putting them in the various shows of TV5, but we’re looking at the avenues to get them a recording contract. We plan to make a record for them.
"We plan to make films for them. Ang feeling namin e kung ang impact nila ay ganun kalaki sa Game ‘N Go, posibleng ang impact nila ay mas lalo pang lumawak given the network and the push of TV5 Talent Center.”
Parang Sexbomb Dancers ba ang peg nila para sa GAGA Dancers?
“That would be a nice peg. Pero I want to be fair to Sexbomb and to them (GAGA), di ba?
"Maraming similarities na puwedeng puntahan.
"Ang gusto ko lang sabihin, ang talento nila ay nakita ng TV5 Talent Center and hindi lang magiging limitado sa Game ‘N Go kundi pwede silang pumasok sa iba’t ibang shows ng network.”
Kaya naman, bukod sa kanilang dance rehearsals, abala rin ang mga dalaga sa singing lessons at Tagalog language workshops.

READY FOR SHOWBIZ CONTROVERSIES? Bukod kay Elena, na kasama ang boyfriend sa press con, single daw ang apat pang GAGA Dancers.
Nang usisain sila ng press tungkol sa lovelife, tumanggi ang mga itong magbigay ng detalye at mas gusto raw nilang maging private pagdating sa personal na buhay nila.
Natanong tuloy sila kung paano nila iha-handle ang mga kontrobersiya. Paano kung ma-link sila sa ibang celebrities?
Bilang manager, si Direk Mac na ang sumagot para sa GAGA Dancers, “Since they are under TV5 Talent Center, I will answer for them.
"TV5 Talent Center will always keep them within the radar. We will make sure that their exposure will be very high, that they will be talked about always because they will have projects. And we will make sure that TV5 Talent Center will protect them from any controversies.”
Dahil sa kaseksihan ng GAGA dancers, papayag ba ang TV5 Talent Center kung sakaling magkaroon ng offer ang mga ito na mag-pose para sa isang sexy men’s magazine? Wala bang conflict sa kontrata nila ito?
Sagot ni direk Mac, “Walang conflict sa contract yun. Anything that will increase the mass-based without countering their belief or their faith, yung paniniwala nila bilang tao, okay kami doon. Hindi yun problema.”
Paano naman sasagutin ng TV5 Talent Center ang sasabihin ng iba na bakit nila pina-prioritize o inuuna ang foreign dancers kaysa sa Pinoy dancers?
Paliwanag ni Direk Mac, “Hindi naman totoo yun dahil marami kaming inuunang Pinoy. Nataon lang na hindi sila Pinoy. Nataon lang na tinitingnan namin kung ano ang puwedeng magawa dahil sila ang unang napansin sa Game ‘N Go.
“Matagal na tayo sa industriya, alam nating pana-panahon iyan. 'Posibleng hindi pa panahon,' lagi kong sinasabi iyan sa mga gustong mag-artista e.
"Ang importante lang lagi ay handa kayo para pag kumatok ang opportunity, bubuksan n’yo lang ang pintuan at sasabihin n’yo, ‘Pumasok kayo.’
“Walang lugar ang ibang emosyon kung gusto mong mag-succeed sa industriya. Ang kailangan ay paniniwala sa sarili at patuloy na paghasa ng kung anumang talinong meron ka. Darating at darating ang opportunity na iyan. Nataon lang na nauna sila. Walang favoritism dito.”
Mapapanood ang GAGA Dancers kasama ang hosts na sina Joey, Edu, Arnell Ignacio, Gelli de Belen, Shalani Soledad-Romulo, Daniel Matsunaga at Monika Sta. Maria sa Game ‘N Go tuwing Linggo ng tanghali sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN