Lorna Tolentino on settling down again: “Wala na akong interes. Parang nasa isip ko, alagaan ko na lang ang sarili ko."

IMAGE Nerisa Almo

Lorna Tolentino relates why she not ready to commit to a relationship: “May mga apo na ako. Happy na ako na sa mga anak ko ako naka-focus. At saka sa farm namin.”


Wala pa ring kupas ang glamorosang ganda ni Lorna Tolentino.

Kahit ngaragan ang taping niya para sa huling bahagi ng primetime series ng TV5 na Valiente, hindi ito mababanaag sa mukha niya.

Si Lorna ang bagong karagdagang cast sa nabanggit na serye ng Kapatid network.

Ginagampanan niya ang role bilang kapatid ni Tirso Cruz III at ina ni Nadine Samonte.

"Naloka" raw si Lorna nang ipadala sa kanya ang script at biglang “in just a couple of days” ay taping na raw kaagad.

“Nakurta ang utak ko!” natatawang kuwento ni Lorna nang pasyalan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang movie reporters ang kanilang taping sa isang rancho sa Lipa City, Batangas kahapon, May 30.

“Nanginginig ako habang nagte-taping kami kasi sunud-sunod yung mga monologue ko.

“First time ko na parang pinarusahan ako. Ha-ha-ha!

“Kasi yung role ko na pang-two months, kinumpres [compressed] at ginawang pang-two weeks.”

SINGLE GRANDMOM. Ngiti ang unang naging reaksiyon ng aktres nang kumustahin ang status ng kanyang lovelife.

“Wala,” pakibit-balikat niyang sabi.

“May mga apo na ako. Happy na ako na sa mga anak ko ako naka-focus, at saka sa farm namin.”

Hindi naman itinanggi ng maybahay ng namayapang aktor na si Rudy Fernnadez na may mga nanligaw sa kanya dati.

Pero talagang sa pakiramdam daw niya, ayaw na niyang muling magmahal pa o mag-asawa ulit.

“Wala na akong interes. Parang nasa isip ko, alagaan ko na lang ang sarili ko.

“Ituon ko na lang ang pansin ko sa aking mga anak at apo.”

Parehong stable na raw naman ang katayuan ng dalawa niyang anak na sina Ralph at Renz. At isa ito sa dahilan kung bakit kampante siya at masaya sa ngayon.

Kuwento ni Lorna, “Si Raphael, magdidirek na ng isang morning show sa ABS-CBN.

“Si Renz is working with Senator Lito Lapid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron ngang soap na ginagawa sina Renz at Senator Lito ngayon, yung Little Champ, kasama nila ang ilang child stars ng ABS.

“Pero since naging busy ang mga senador sa katatapos na impeachment trial [kay Chief Justice Renato Corona], sa isang buwan ay twice or three times lang silang makapag-taping.”


TV5 NETWORK CONTRACT. Masaya si LT sa pagiging Kapatid star.

Bukod sa Valiente, may isa pa siyang bagong weekly TV program—ang horror series na Third Eye.

“Columnist ang role ko. Tungkol sa mga kababalaghan ang aking isinusulat.

“So involved ako sa bawat episode ng show. Nakapag-taping na kami ng pilot episode.

“Every Saturday ng gabi ang airing nito. Pero wala pang final kung kalian magsisimulang mapanood," banggit niya.

May offer din daw sa kanya ang GMA-7 at ang ABS-CBN pero hindi pa siya nagku-commit.

Gusto raw muna niyang tapusin ang kanyang mga commitments sa TV5 hanggang September. Kung aalukin siyang mag-renew, hindi raw siya tatanggi.

POLITICAL SUPPORT. Magkaibigan sila ngayon ni Alma Moreno, na naging live-in partner noon ng yumao niyang asawa na si Rudy Fernandez.

Paano kung humingi ito sa kanya ng suporta sa pagtakbo nitong senador sa darating na eleksiyon?

Sagot ni Lorna, “Depende kung anong partido niya. Naka-commit kasi ako sa team ni Erap [Estrada], e.

“Siguro kung solo siya o independent candidate, puwede akong sumuporta.”

Ang partido ni dating Pangulong Joseph Estrada ay ang Puwersa ng Masa.

Hindi ba siya nabigla nang mag-announce si Alma na tatakbo sa Senado mula sa pagiging konsehal ng Parañaque?

“Hindi ako nabigla. Matagal na rin naman sa pulitika si Ness, e.

"At sabi nga niya, bigyan naman siya sana ng chance.”

Siya ba ay malabong maengganyo na pumasok sa politika?

“In-offer na ako dati ni Tates [Gana, partner ni Quezon City Mayor Herbert Bautista] last election dahil kulang sila sa slot for councilors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ayoko talaga sa politics,” sabay ngiting sabi ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN