Renz Fernandez does first teleserye; not worried about being compared to parents Lorna Tolentino and Rudy Fernandez

IMAGE Rose Garcia

“Ang pilosopiya ko riyan, dapat no worries. Kasi, kapag prinoblema mo ang mga ganoong bagay, masisira lang ang trabaho mo,” pahayag ni Renz Fernandez nang tanungin tungkol sa pressure ng pagkukumpara sa kanya sa mga magulang na sina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez, na parehong mahuhusay na artista.


Pagkatapos ng patikim niyang acting sa Your Song Presents Kim, kasama ang Kapamilya actress na si Kim Chiu nung isang taon, heto’t full-time na talaga sa showbiz si Renz Fernandez.

At ang una niyang teleserye ay pinamagatang Little Champ.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa ginanap na pictorial ng cast ng bagong teleserye, sa isang studio sa Makati may ilang linggo na ang nakararaan.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa 26-year-old na bunso nina Lorna Tolentino at yumaong aktor na si Rudy Fernandez, kapansin-pansin ang pagiging kritiko nito sa sarili pagdating sa pag-arte niya sa teleserye.

“Makikita n'yong may mga sablay akong ginawa sa acting ko, pero, marami ring maganda,” ani Renz.

“Natuto rin ako rito kung paano.

“Hindi naman ako ekperiyensado masyado sa aspeto ng acting. Pero, yun, feeling ko, nag-i-improve ako at natutuwa ako.

“Panoorin nyo na lang para makita n'yo, at sana, mapatawa ko kayo at mapangiti ko kayo,” patuloy ni Renz.

Gagampanan ni Renz ang papel ng isang truck driver na magkakaroon ng malaking koneksiyon sa batang bida sa series, na gagampanan naman ng batang aktor na si JB Agustin.

Kasama rin sa teleserye sina Coleen Garcia at Senator Lito Lapid.

PREPARATIONS. Anu-ano naman ang preparasyong ginawa ni Renz para sa una niyang teleserye?

“Nag-workshop, workshop, workshop.

“Basa ng libro, experience… At kailangan kasi sa artista, binubuhay mo buhay mo.

“Kung malungkot ka, kailangan maging totoo ka palagi,” sagot ni Renz.

“Actually ang dami kong mali,” pagkritiko ng binata sa sarili, “minsan, ang galaw ng ulo ko."

Pagpapatuloy niya, “Yung unpredictability, importante yun. Kaya sana, mapatawa ko kayo at makalimutan n'yo ang problema sa buhay.”

Bilang unang teleserye niya, kabado raw talaga siya. Pero ayaw raw niyang magpaapekto.

“Ipinagdarasal ko na lang na sana, lahat mag-enjoy.

“Alam ko naman na tao lang ako at maiintindihan din nila na bago lang ako, kaya no pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung pressure, babagsak lang tayo niyan.”

THE SON OF LT AND DABOY. Marami rin daw pointers na naibigay sa kanya ang kanyang mommy na si Lorna Tolentino at excited na rin itong mapanood ang Little Champ.

Kung mapaplantsa ng lahat ang mga kailangan pang busisiin sa teleserye, posibleng sa September na ang airing ng pilot episode nito.

“Yung mom ko, I’m sure, excited siya, at sana, mapa-proud ko siya. Yun lang,” pag-asam ni Renz.

Tungkol naman sa pressure ng pagiging anak ng dalawang mahuhusay na artista: “Ang pilosopiya ko riyan, dapat no worries.

“Kasi, kapag prinoblema mo ang mga ganoong bagay, masisira lang ang trabaho mo.”

COLEEN GARCIA. Kinumusta naman ng PEP ang kapareha niya sa Little Champ na si Coleen.

“Napakagandang babae ni Coleen!” mabilis na sagot ni Renz.

Biniro ng PEP ang binata na, “Ayaw ni Gab!”

Si Gab Valenciano ang kasintahan ni Coleen.

“Si Gab ay isang napakabait na tao,” saad naman ni Renz. “Kaya ok sa akin sila. Professional lang naman pagdating sa ganoon.”

Hindi kaya siya pagselosan ni Gab?

“Hinding-hindi, ‘no! Ang bait ni Gab talaga. Hindi puwede.”

NO LOVELIFE. Sa ngayon ay wala raw siyang girlfriend.

Katuwiran niya tungkol dito, “Lahat ng babae, gusto kong mahalin.

“Hindi ko pa nahahanap ang tamang babae para sa akin.”

Hindi siya sigurado, pero dalawa o tatlong taon na siyang walang pormal na karelasyon.

Samantalang ang kuya niyang si Raf, may asawa’t anak na.

Hindi ba siya naiinggit dito?

“Nakakainggit yung baby dahil sobrang ganda ng baby, si Laila Victoria.

“Gusto ko rin namang magka-baby, pero, kailangan ko pang mag-ipon ng pera. Kailangan ko pang magtrabaho,” sagot ng University of the Philippines Philosophy graduate.

WANTING TO WORK WITH KIM. Tinanong ng PEP kung sino ba ang gusto pa niyang makaparehang aktres kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Gusto kong makatrabaho lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, gusto ko rin, si Kim Chiu.

“Siya ang unang nakatrabaho ko sa Your Song. Siya ang una kong nakatrabahong babae at nagagandahan ako sa kanya at nababaitan ako.

“Tapos, astig siya, e,” nakangiting dagdag pa niya tungkol sa Kapamilya actress.

WORKING WITH LITO LAPID. Katulad ni Renz, unang teleserye rin ng senador na si Lito Lapid ang Little Champ.

Unang pagkakataon pa lang daw silang magkakatrabaho, kahit na pamilyar na rin naman sila sa isa’t isa.

“Siguro noong bata ako, sabi ni Tito Lito, nakapunta raw siya sa bahay. Yun ang napagkuwentuhan namin.

“Napanood ko na, actually, si Tito Lito at saka si Papa na magkasama sa isang pelikula.”

Ang tinutukoy ni Renz ay ang action movie nung 1979 na Ang Leon, Ang Tigre, at Ang Alamid, kasama ang nag-a-action movies din noon na si Bembol Roco.

Tanong tuloy ng PEP, ano ang pakiramdam na katrabaho’t kaeksena na niya ang dating nakatrabaho ng ama.

“I’m very honored and grateful na makasama siya. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nandito ako at kasama ko si Lito Lapid. Lahat-lahat dito sa ABS-CBN,” sagot ni Renz.

Naaalala raw tuloy ni Renz ang kanyang ama sa mga eksena niya kasama si Lito.

“Oo, oo… marami akong nakikitang qualities ng tatay ko na nakikita ko kay Lito Lapid. Kaya medyo mas dumadali ang acting ko.

“Kasi, ano si Lito Lapid, yung character niya, may hawig silang dalawa.

“Pareho silang matangkad, tapos cool na cool lang,” pagkukumpara pa ni Renz sa kanyang yumaong ama at sa actor-senator.

SCREENING SUITORS FOR MOM. Tinanong naman ng PEP si Renz tungkol sa inang si LT, na tila ayaw nang magkaroon ng bagong karelasyon o magpaligaw man lang.

Bilang anak, ano naman ang gusto niya para sa kanyang ina?

“Ako, kung saan masaya si Mama, doon ako.

“Pero kung may manligaw sa kanyang lalaki, magkasubukan muna kami kung papasa ba siya,” pahayag ni Renz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN