PEP EXCLUSIVE (Part 1) Nadia Montenegro: “Akala ko walang puwedeng kumawawa sa mga anak ko kapag si Annabelle Rama ang manager.”

IMAGE Noel Orsal

Nadia Montenegro on Annabelle Rama: “She’s one person who I know, siya lang 'ata ang kilala ko pumupunta sa simbahan araw-araw pero paglabas may sinusumpang tao…”


“Akala ko walang puwedeng kumawawa sa mga anak ko kapag si Annabelle Rama ang manager.”

This was one of the three deciding factors that prodded Nadia Montenegro to let the matriarch of the Gutierrezes manage the showbiz careers of daughters Ynna, Anykka, and Alyanna.

In the beginning, the former actress was reluctant.

Contrary to the claims of her nemesis’ camp, it wasn’t she who’s “mapilit.”

In 2008, at the wake of director Khryss Adalia, she had a talk with the late Douglas Quijano—who managed her career and Ynna’s.

Nadia related yesterday, April 23, “Pinatigil muna siya ni Tito Dougs no’n, e, kasi I wanted her to enjoy high school…

“Sabi ko, ‘Tito, stop muna si Ynna, ganyan, ganyan.’

“‘Sige, sabi niya [Douglas]… Mga ilang months ‘yon para ma-enjoy naman niya ‘yong high school life niya na.

“Sa wake, kami magkakatabi nito, ha, sa wake ni Khryss Adalia, Ruffa calls me, ‘Girl, ang ganda-ganda naman ni Ynna.’

“Sabi ko, ‘Thank you.’

“Sabi niya, ‘My god, she’s so grown up na, ganyan…Ano ka ba, you’re so stupid, my god! Pag-artistahin mo.’

“Sabi ko, ‘Girl, ang tagal nang artista niyan. She just wants to concentrate in her studies muna. I want her to have the life that I never had, magga-graduate ng high school ‘yan.’

“[Sabi niya], ‘Dali, kakausapin ka ni Mommy…’

“Kinausap ako ni Tita Annabelle, ‘Day, ang tanga-tanga mo naman, ‘Day, ang ganda-ganda ng anak mo bakit ‘di mo pag-artistahin? Sino manager nito?’

“Sabi ko, ‘Tito Dougs.”

“Sabi niya, ‘O, tawagan ko si Dougs ngayon.’

“Sabi ko, ‘Bahala kayo.’

“Sabi ni Tito Dougs, ‘Tumawag si Annabelle, ‘pag daw nakuha niya ng ano do’n, maghati na lang kami sa komisyon…’

“Sabi ko, ‘Bahala ka, Tito Dougs. Basta ikaw ang nandiyan.’ Hanggang mamatay si Tito Dougs…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paanong mangyari na hindi niya gusto ang mga anak ko?”`

The allegations of Annabelle, according to Nadia, are “all lies, all lies.”

With angst in her voice and without any pause, she countered the claim saying she bribed the mom of her former best friend Ruffa Gutierrez so her daughters could enter showbiz.

“’Yong sinasabi nila na araw-araw akong nasa Dasma [Dasmariñas Village, Makati], hindi totoo ‘yon.

“Araw-araw nasa bahay [ko si Annabelle,] one and a half years she was in my house, every single day. Tulog pa ako, nakataas na ‘yong paa niyan do’n sa may sala ko. Pinapabuksan ko ‘yong aircon para sa kanya, pinapa-prepare ko ‘yong aircon…

“I went there only three times… Christmas party ng Royal Era, birthday ni Tita Annabelle, another birthday—only three times that I stepped in that house.

“That’s why ‘yong unang interview ni Ruffa na araw-araw pumupunta [ako doon], ang tagal ko nang gustong sumagot, ilang buwan na akong nananahimik since day one that they started talking.

“Hindi ako kumikibo kasi puro kasinungalingan.

“I would even call them, ‘Oy, nanay n’yo may dalang lechon dito sa bahay, ‘pag ito inatake ‘wag niyo ko sisisihin, ayaw makinig sa akin…’

“Even Raymond [Annabelle's son] can attest to that, he just denies it. Hindi ‘yon totoo…”


MOTHER VERSUS MANAGER. In 2010, Anykka and Alyanna signed a three-year contract with Royal Artists Management.

That same year, the two became talents of TV5.

Nadia threw in, “The story there was, nang nag-o-open no’n ang channel 5. nasa panic mode siya, nag-panic mode siya.

“Nag-panic siya no’n nang naghahakot ng talents ang channel, nakiusap siya sa akin, ‘Day, pirmahan mo na ‘to, gano’n, gano’n…’

“Una sabi niya, Saturday show lang, it’s so casual.

“I had nothing to be scared of kasi it’s a Saturday, bagets show… Sabi ko, siguro naman Anykka takes five minutes to learn a dance, alam mo ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, wala akong naisip na aabot sa ganito kalala, until I realized, oo nga naman, bawat isang talent na pinapapirma niya, may down payment ‘yan, malaking bagay nga naman ‘yon sa kanya.”

The promising deal turned sour the minute Nadia began intervening in the schedules of her daughters.

To her, what she was telling Annabelle was a “request,” which Annabelle deemed as “demand.”

The '80s Regal Baby elaborated, “As a manager, sanay kasi ako na alam mo ‘yon, ‘yong katulong mo para magawa mo ‘yong ano [gusto mo].

“Halimbawa, ‘pag nag-aaral ka, aayusin niya ‘yong schedule mo o ‘pag kailangan mong pumunta sa ibang importanteng bagay o ‘pag nagkasakit ka, siya ‘yong gagawa ng paraan para lahat maayos.

“It came to the point sa akin na lahat na lang ng pakiusap ko, kunwari. ‘Tita Annabelle may exams ‘yong mga bata… Three weeks from now may exams sila,’ parating may mura, parating may, ‘Ay ‘di, ‘Day! Hindi puwede, P**a I*a, hindi pa sikat mga anak mo, hindi pupuwede! ‘Yong mga sikat nga, hindi nagpapapalit ng schedule.’

“Alam mo ‘yong may gano’n?

“Umaabot sa point na wala ka na, wala ka nang magawa kundi okay na lang para lang maging professional ‘yong mga bata.

“Gano’n ng ilang buwan na parang hirap na hirap ako na lahat na lang nang pinag-usapan namin from the beginning bago mag-sign ng contract, nawala lahat ‘yon. Okay, pinagpasensyahan ko ‘yon.”

Nadia was referring to her condition before, that her daughters' studies should be the priority.

“And then after no’n ang nangyari na… ano na… umabot na sa puntong nakikialam na talaga ako. Nakikialam na ako kasi nakikita ko nang nahihirapan ‘yong mga bata—[kulang sa] tulog—para i-adjust ‘yong magre-rehearsal ng ala-una ng umaga, ‘tapos 8 ng umaga ang umpisa, ha, hanggang alas dos ng umaga ‘yan ha. E, parang walang priority…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

She admitted to questioning the rehearsal time of her daughters, who are both “minors.”

Nadia continued, “Kasi napakababaw, e… Isipin mo in one show, napakaraming artista, 30, 40, bakit lagi ang mga anak ko ‘yong 8:00 a.m.?

“Bakit ‘yong iba may 12:00 [n.n.], may 4:00 [p.m.], bakit hindi puwedeng after school?

“Puwede naman ‘yon, e, to the point na ako na gumagawa no’n, ako na gumagawa ng paraan. Ako na tumatawag sa mga E.P. or sa mga schedule manager kung puwedeng iurong si Yanna at si Ynna ng alas kuwatro para makapag-school pa sila, ‘yong gano’n…

“Pakikiusapan ko pa ‘yon kung puwede sila i-release ng 12 or 11, ‘yong gano’n, just to compensate with the schedule that she gave, na hindi man lang niya ako [tulungan], alam mo ‘yon?

“Kaya umabot sa point na ako pa daw ang nakikialam. I had to!”

Their incessant arguments began after Nadia realized, “Wala na siyang pakialam sa welfare ng mga bata.”

As a result, the day The Sisters, which starred Nadine Samonte, had its story conference, “Pinull-out nila [ang mga bata] right then and there.”

Anykka and Alyanna, of course, felt bad because they were enjoying what they were doing.

But Nadia’s reaction was unyielding, “Ayaw ko na, do’n na ko lumaban sa kanya… Bahala ka na sa buhay mo, nag-aaway na kami sa phone no’n.”


“IT’S ALL ABOUT THE MONEY.” Out of the numerous statements and tweets that were published about the issue, she was in agreement with the controversial talent manager when the latter said, “Pera ang dahilan.”

Nadia reiterated: [it’s] all about money when it comes to Annabelle Rama.

But she refuted the assertion that her end goal is to manage her daughters.

Her defense:

“If I wanted money why did I sign with her?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like what I’ve said, I have three valid reasons why I trusted her to be the manager of my kids.

“One, Tito Dougs was still alive when he said na mag-co-manage sila kay Ynna, which is fine with me kasi with his position, I trust him so much. I have not trusted anyone more than Tito Dougs in my life.

“Two, I’ve always thought that Ruffa was a second mother to my children, I never doubted the friendship at all. Hindi ko naman alam naaabot sa ganito ‘yon, e, I always believed that Ruffa’s there [and] that’s one big factor why tinanggap ko si Annabelle as their manager.

“Three, akala ko walang puwedeng kumawawa sa mga anak ko kapag si Annabelle Rama ang manager, which I really believed…”

UP NEXT: The “child abuse” story.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN