Zsa Zsa Padilla: “After surgery, I want to be able to say, ‘I am a cancer survivor.’”

IMAGE Arniel C. Serato

Isang panibagong pagsubok ang kinakaharap ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, matapos siyang ma-diagnose na may Stage 1 kidney cancer. Sasailalim siya sa laparoscopic surgery sa Agosto 27 upang tanggalin ang kanyang bukol sa kidney.


Ibinahagi ni Kris Aquino ang “long text message exchange” nila ng kaibigang si Zsa Zsa Padilla sa daily morning program niyang Kris TV sa ABS-CBN ngayong umaga, August 20.

Ang palitan daw nila ng text message ay nangyari noong Biyernes, Agosto 17, simula 11:30 ng gabi.

Dito’y pinag-usapan nila ang health condition ni Zsa Zsa.

Kahapon, Agosto 19, ay lumabas ang balita tungkol sa pagkaka-diagnose sa Stage 1 kidney cancer ng Divine Diva.

Malignant ang nakitang bukol sa kanyang kidney na kasing laki raw ng golf ball.

Ang unang reaksiyon daw ni Zsa Zsa dito ay: “Oh man, I have cancer.”

(CLICK HERE for related article.)

Bago pa man kumalat ang pagkakaroon ng cancer ni Zsa Zsa ay naikuwento na raw ito ng singer-actress kay Kris.

Bago rin umalis ng bansa ang singer-actress, kasama pa siya ni Kris at ng celebrity stylist na si Liz Uy na nagsimba at naghapunan noong Agosto 11, Sabado.

ZSA ZSA’S HEALTH CONDITION. Minabuti ni Kris na ibahagi sa mga manonood ng kanyang programa ang iba pang detalye na sinabi sa kanya ni Zsa Zsa, kaya binasa niya ang text messages ng kaibigan.

Sabi ni Zsa Zsa: “I was diagnosed with cancer. Actually, first check-up pa lang when they saw my old films in Manila, Dr. Froch told me it's malignant.”

Si Dr. Larry Froch ay nephrology/internal medicine specialist ng Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California.

Pagpapatuloy ni Zsa Zsa sa kanyang text message kay Kris:

“I had blood works and a CT scan yesterday with and without the dye and it still showed the same thing—almost 3 cm tumor.

“He wants to take it out.

“After surgery, I was told, I wouldn’t need anything else—no chemo or radiation since stage one pa lang.

"Thank God, naagapan.

“Laparoscopic surgery will be performed for whole two days sa hospital and then follow-up.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa fascrs.org, “laparoscopic surgery or ‘minimally invasive’ surgery is a specialized technique for performing surgery.”

Dagdag ni Zsa Zsa: “After a week, I can fly out na. I can work after four weeks. Faster recovery, at least I can go back to work.

“After six months, follow-up, unless pathologist says otherwise. Meaning, if it is not stage one after biopsy.”

Sasailalim si Zsa Zsa sa operasyon sa Agosto 27, Lunes, petsa sa Amerika.

SECOND OPINION. Nagdesisyon daw na magpakonsulta si Zsa Zsa sa Amerika upang kumuha ng second opinion.

Bago pa man kasi siya umalis, may nakita ng polyps o abnormal growth tissue sa kanyang kidney ang mga doktor mula sa Makati Medical Center.

Ang pagpapakonsulta raw ni Zsa Zsa sa Los Angeles ay sagot ng cosmetic surgeon at malapit na kaibigan niyang si Dra. Vicki Belo.

Pagbabahagi pa ni Zsa Zsa kay Kris: “Then every year, check-up na ako, what I have is T1A. It is a low form of stage-one cancer.

“I went to the same neurologist who performed Lithotripsy on Dolphy in the '90s pa.”

Ayon sa surgeryencyclopedia.com, ang Lithotripsy “is the use of high-energy shock waves to fragment and disintegrate kidney stones. The shock wave, created by using a high-voltage spark or an electromagnetic impulse outside of the body, is focused on the stone. The shock wave shatters the stone, allowing the fragments to pass through the urinary system. Since the shock wave is generated outside the body, the procedure is termed extracorporeal shock wave lithotripsy (ESWL).”

Sabi pa ni Zsa Zsa: “I have trust and faith in him [Dr. Larry Froch], ‘coz Dolphy was his patient when he was still practicing in UCLA, until he moved now in Cedars-Sinai.

“Now, after the diagnosis, kawawa naman si Zia, kasi both sides na siya may cancer sa family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s a test pala if you get it. The test is called Genetic Testing and Molecular Biomarkers.”

Ang mga test na ito, ayon naman kay Kris, ay ginawa na rin nila ng kanyang mga nakakatandang kapatid na sina Ballsy Aquino-Cruz, Viel Aquino-Dee, at Pinky Aquino-Abellada.

Ang kanila raw kasing maternal grandmother na si Doña Demetria Sumulong Cojuangco at inang si dating President Corazon "Cory" Aqunio ay parehong namatay dahil sa colon cancer.

ZIA QUIZON. Kinamusta rin ni Kris kay Zsa Zsa ang kanyang inaanak na si Zia, na kasama ngayon ng Divine Diva sa Amerika.

Sinabi ni Zsa Zsa na “strong” ang kanyang anak sa kabila ng sunud-sunod na pagsubok na kanilang pinagdadaanan.

Mahihit isang buwan pa lamang kasi mula nang pumanaw ang ama ni Zia, ang Comedy King na si Dolphy, dahil sa kumplikasyon dulot ng chronic obstructive pulmonary disorder (COPD).

Sabi ni Zsa Zsa: “Zia is strong like me. She doesn’t cry.

“She said she still feels kind of numb because of her Papa’s death, so she thinks it came at the right time pa rin.”

Nagbigay rin ng mensahe si Zsa Zsa sa kanyang mga tagahanga at mga taong nag-aalala sa kanyang kondisyon:

“I’m happy people are praying for me, I really need it.

“When I get home, I no longer want to say that I have cancer.

“After surgery, I want to be able to say, ‘I am a cancer survivor.’

“Thanks for being strong for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN