QC judge inhibits himself from hearing ABS-CBN's TRO case against Willie Revillame

IMAGE Sany Chua

Mahigit isang buwan na sa ere ang Willing Willie ni Willie Revillame, na ipinapalabas sa TV5 mula Lunes hanggang Sabado ng gabi.


Kinatigan ng isang judge sa Quezon City Regional Trial Court ang petisyon ng ABS-CBN para sa kanyang inhibition mula sa pagdinig sa kaso nito laban kay Willie Revillame.

Matatandaang isinampa ng network ang motion to inhibit para kay Judge Luisito Cortez ng QC RTC Branch 84 noong Lunes, Disyembre 13. Ito ay para mapabilis umano ang pagbibigay ng korte ng isang temporary restraining order (TRO) na magpapatigil sa pagho-host ni Willie sa Willing Willie ng TV5. (CLICK HERE to read related story)

Ayon kasi sa lawyers ng Kapamilya station, may "undisclosed relationship" umano si Judge Cortez sa TV5. Ang asawa niya raw na si Atty. Angelita Ortega ay kaibigan ni Mr. Ray Espinosa, ang presidente at CEO ng TV5.

Ayon naman sa report ng Philipine Star ngayong araw, Disyembre 17, nagdesisyon si Judge Cortez na mag-inhibit mula sa kaso noon ding Disyembre 13.

Pahayag ng judge, kahit "mistaken ang unfounded" ang akusasyon ng ABS-CBN ay nag-inhibit pa rin siya para maiwasang mawalan ng tiwala ang network sa judicial system.

Noong Oktubre 4 pa kasi isinampa ng ABS-CBN ang kaso nila laban kay Willie ngunit wala pang ibinababang desisyon si Judge Cortez hanggang sa ngayon.

Samantala, mahigit isang buwan nang umeere ang Willing Willie sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN