Ehra Madrigal on losing 30 pounds: "Gusto ko kasi na may marating pa ang career ko."

IMAGE 0


Ehra Madrigal on what motivated her to get back in shape: "And you know, ang dami nang pumapasok na young artista. Parang kami ni Michelle, di ba, nag-start na mga sexy actress… na nag-cover [sa magazines], and I wanted it back."


Isa sa nagkaroon ng special production number sa nakaraang FHM 100 Sexiest Women 2012 Victory Party ay ang magkapatid na Ehra at Michelle Madrigal.

Kung noong nakaraang taon ay si Michelle lang ang mag-isang sumayaw, ngayong taon ay magkasama silang umindak sa entablado ng kapatid.

Mukhang naging hamon kay Ehra ang pagsasama nila ni Michelle kaya pinaghandaan daw niyang talaga ang dance number nila noong Huwebes ng gabi, July 12, sa World Trade Center.


SLIMMER EHRA. Naging kapansin-pansin ang malaking ipinayat ni Ehra.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “For the longest time, they know naman that I gained weight, di ba?

“So, parang I wanted to reinvent myself.

"Lahat ng tao, nakilala naman ako sa pagiging sexy.

"So, nag-hibernate ako. Nagtago ako. So, ‘eto na ulit.”

May tatlo hanggang apat na buwan din daw siyang nagtago.

“Nag-diet…Cohen diet, ‘tapos konting exercise lang.

"And then, I was just really motivated kasi I know that I gained so much weight.

“So, sobrang nag-decide talaga ako na kailangan talaga iyan for me to go back to my old figure.

“And gusto ko kasi na may marating pa ang career ko.

"And, you know, ang dami nang pumapasok na young artista.

“Parang kami ni Michelle, di ba, nag-start na mga sexy actress… na nag-cover [ng magazines], and I wanted it back. So, hopefully, iyan.”


BYE 30 POUNDS! Mga 30 pounds na raw ang nawala sa timbang ni Ehra.

“This time, gusto ko na medyo toned naman. Kapag sobra na kasi, hindi naman maganda.

“Yung sakto lang for my height. For my height kasi, bagay sa akin ang 120 to 125 [pounds], and I’m 125 now.

“So, puwede pa akong mag-lose ng five pounds. Sakto lang.

"I don’t aim naman to be super skinny. Kasi hindi yun maganda.

“Yung healthy looking lang. Parang fit and healthy. Hindi naman kailangan na sobrang payat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


GAINING BACK HER SELF-CONFIDENCE. Aminado si Ehra na dati ay nawalan siya ng kumpiyansa sa sarili.

“Oo naman. Before, talagang nawala rin ang self-esteem ko.

“People has been telling me, ‘Uy, ang laki mo na!' At alam ko rin naman yun.

“It’s just that I was really struggling in losing weight. Ang hirap naman talaga, di ba?”

Naapektuhan din daw siya noong nakakarinig at nakakabasa siya na puro tungkol sa pagtaba niya ang nagiging paksa.

“Oo naman,” sabi ni Ehra.

“The more people are telling me that, I really got depressed.

"Sabi ko, ‘Kailangan akong may gawin. Kung wala akong gagawin, hahayaan ko na lang ba?’

“At noong napi-pressure na ako, sinabi ko, ‘Hayaan niyo na lang ako. Gusto kong gawin ‘to for myself, for my career, at gusto ko rin i-reinvent ang sarili ko.’

“And I want to tell to everyone na kahit na mag-gain ka ng weight, puwede kang mag-lose ulit.

“Kumbaga, because of motivation and determination lang.

“Di ba, at a certain age, lumalaki ka, 'tapos hirap nang magpapayat?

"Kung kaya ko, go, kaya rin nila, di ba?”


READY TO GO MORE DARING! Sa ngayon ay napapanood si Ehra sa My Daddy Dearest ng GMA-7. Kasama niya rito sina Ogie Alcasid at Jolina Magdangal.

Umaasa raw siya na ngayong nakapagbawas na siya ng timbang, mas marami pang projects na darating sa kanya.

Wala rin problema kay Ehra kung mas magpaka-daring pa siya sa mga susunod na proyekto.

“Puwede, kasi I’m of age already," sabi ng 27-year-old sexy star.

"Kumbaga, mas confident ako. Mas prepared ako na gawin kung anuman ang ipapagawa.

“Pero, huwag naman yung kunwari frontal nudity or something. Hindi ko pa kaya.

“Kung ano lang ang ginagawa ko, medyo sexy.

"In terms of cover [pictorial] naman, tingnan natin, depende sa concept.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN