Jackie Rice on losing so much weight: "Wala naman akong eating disorder.”

IMAGE 0


“Hindi ako anorexic or bulimic. Kumakain naman ako ng tama. Mas mabilis lang ngayon ang metabolism ko kasi may mga sports akong ginagawa ngayon 'tulad ng boxing, scuba diving, at may weight training din ako," says Jackie Rice when asked if she has eating disorder because she has lost so much weight.


Marami ang concerned sa sobrang pagiging payat daw ngayon ni Jackie Rice.

Ayon sa bida ng GMA-7 afternoon drama series na Kasalanan Bang Ibigin Ka?, may ilang mga tao na sinasabihan siyang tigilan na ang pagpapapayat.

Sinasabi kasi nilang medyo hindi na raw magandang tingnan sa TV ang sobrang liit ng mukha at katawan niya.

Pero meron din naman daw nagsasabi na tama lang daw ang kapayatan ni Jackie dahil bumagay ito sa role na ginagampanan niya ngayon.

Tuloy, may mga nag-iisip na baka may eating disorder na si Jackie.

“Wala naman akong eating disorder,” mabilis na tanggi ng young actress.

“Hindi ako anorexic or bulimic. Kumakain naman ako ng tama.

“Mas mabilis lang ngayon ang metabolism ko kasi may mga sports akong ginagawa ngayon 'tulad ng boxing, scuba diving, at may weight training din ako.

“Ngayon, medyo nabawasan na ang workout ko kasi nga madalas akong puyat at pagod sa taping.

“Unlike before na almost every day ang training ko.”

TO LOOK MORE MATURE. Inamin ni Jackie na talagang nagpapayat siya para sa kanyang muling pagbibida sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Noong ginagawa raw kasi niya ang Sisid noon, may mga nagsabi na mataba pa raw siya.

“Mukha raw kasi akong bata tingnan kapag mataba ako. Matambok kasi ang mga pisngi ko.

“Kaya kina-career ko ang pagpapapayat para sa magiging next role ko, babagay na sa akin.

“Tamang-tama na dumating nga ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? at iba ang role.

"Babagay na sa bagong figure ko. Lumiit na ang mukha ko pati mga braso at legs ko.

“Yung role kasi, kailangan yung sobrang mature na kasi parang bitbit niya ang bigat ng mundo sa balikat niya.

“Both physically at emotionally nahihirapan siya kaya bumagay naman ang hitsura ko ngayon.”

Pero hindi naman binabalewala ni Jackie ang comments ng ibang tao sa sobrang kapayatan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi naman ako dedma sa mga comments nila. Alam ko na concerned lang sila sa health ko.

“Baka nga naman nasosobrahan na ang pag-diet ko at hindi na raw magandang tingnan sa TV.

“Baka hindi rin maging magandang example ang pagpapapayat ko sa ibang mga babae.

“Kaya medyo magpapataba ako ng konti. Yung tama lang na magkaroon ako ng laman.

“Huwag lang daw akong maging underweight. May tamang timbang para sa edad ko ngayon.

“Kailangan pa rin naman kasi na balanse ang lahat. Kailangan healthy pa rin tayo kahit na pag-diet natin.”

SEXY JACKIE! Pero sobra mang pumayat si Jackie, pasok pa rin siya sa Top 10 ng 2012 FHM's Sexiest Women.

Sa huling update last June 8 (unofficial result), nasa 10thplace si Jackie. Kasama rin sa Top 10 sina Cristine Reyes (#9), Bela Padilla (#8), Lovi Poe (#7), Jennylyn Mercado (#6), Ellen Adarna (#5), Marian Rivera (#4), Solenn Huessaff (#3), Sam Pinto (#2), at Angel Locsin (#1).

Ilalabas ang official and final result sa Linggo, July 1. Dasal ni Jackie na sana ay sa huling bilangan at sa official result ay makasama pa rin siya sa Top 10.

Hindi kasi nawawala si Jackie sa FHM Sexiest list since 2009.

“Big deal po para sa akin at siyempre para sa ibang mga artistang babae na makasama sa Top 10 ng FHM.

"Ibig sabihin ay malakas ang sex appeal mo at yung marketability mo sa male crowd ay maganda.

“'Tsaka I look forward every year na maglakad ako sa runway ng FHM. Ang saya-saya kasi.

“Naalala ko noong first time ko sa FHM event, kinabahan talaga ako kasi ang daming lalaki. Pero lakasan na lang ng loob iyon.

“Natuwa naman ako na may mga nagpalakpakan sa paglabas ko. Nakadagdag sa confidence ko iyong mga palakpak ng crowd.

“Kahit hindi ako maging number one, okey lang. Mapasama lang sa Top 10, happy na ako.

“Kung sino man ang maging number one, congratulations sa kanya,” sabi ni Jackie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFTERNOON SOAP. Masaya naman si Jackie dahil patuloy ang magandang rating ng Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Since nag-pilot ang show last June 4, nagtala na ito ng mataas na ratings nationwide.

“Kaya nga sobra kaming masaya sa set kasi nga ang ganda ng ratings parati ng show.

“Mas lalo pa naming pinagaganda ang mga eksena namin dahil alam naming maraming nanonood talaga ng Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

“'Tulad this week, mabibigat ang mga scenes namin. May mga confrontations sina Mr. Michael de Mesa at Geoff [Eigenmann].

"May mga eksena rin ako with Angelika [dela Cruz] na pisikalan naman.

“Lagi ko ngang pinaghahandaan ang mga eksena ko kasi maraming iyakan at pang-aapi na ginagawa sa character ko na si Erika.

“Pero nawawala naman ang pagod naming lahat kapag sinasabi sa amin ang latest ratings.

“The more na sinisipag kami kahit na abutin kami ng madaling-araw!” bulalas ni Jackie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN