Miss World Philippines 2012 reveals winners of special awards

IMAGE 0


Wagi sa pre-pageant night ang mga kandidatang sina (L-R) Brenna Cassandra Gamboa, Queenrich Rehman, Vanessa Amman, at Marie Loraine de Guzman.


Ginanap ang pre-pageant gala ng Miss World Philippines 2012 sa Dusit Thani Hotel sa Makati, kagabi, Hunyo 19.

Dinaluhan ito ng ilang negosyante at mga interesadong sponsors na tutulong sa mga charity projects ng organisasyon.

Unang sumalang sa entablado si Miss World Philippines country director Cory Quirino upang pasinayaan ang turnover ng korona mula sa mismong designer nito na si Singaporean socialite Beverly Tan.

Ayon kay Cory, taun-taon ay bago ang koronang ibinibigay sa mga mananalong kandidata.

“During the coronation night, for all intents and purposes, we will use the same crown, iyong suot ngayon ni Gwendoline [Ruais].

“Then afterwards, magkakaroon na lang kami ng private switching [wherein] the new Miss World Philippines will get her own crown and Gwen will get to keep her crown.”

Sa tulong ng hosts na sina John James Uy at Shawn Yao, isa-isang ipinakilala ang 25 na kandidata na rumampa sa isang mini-fashion show suot ang mga damit na gawa ng iba’t ibang local designers.

Pinarangalan din kagabi ang mga nanalo ng special awards.

Si Queenrich Rehman mula sa Las Piñas City ay tumanggap ng apat sa walong special awards.

Kabilang dito ang Miss Philippines Prudential, Miss World Traveler, at Miss Photogenic awards; at ang Miss Talent kung saan naka-tie niya si Marie Loraine de Guzman mula sa Sta. Mesa, Manila.

Nagwagi rin ang Cebuana na si Vanessa Amman ng dalawang awards—Miss Friendship at Miss Laguna World.

Dalawang awards din ang tinanggap ni Brenna Cassandra Gamboa mula Batangas—ang Miss Manny O at ang Miss Coco Cabaña o Best in Fashion Runway award na may kaakibat na garantisadong puwesto sa Top 12.

Nagsilbing hurado sa pre-pageant night sina Laguna Governor ER Ejercito, dating beauty queen Patty Betita, talent manager Arnold Vegafria, at Taguig City first lady Kaye Tinga.

Gaganapin ang Miss World Philippines 2012 coronation night sa Manila Hotel sa Linggo, Hunyo 24, at mapapanood ito sa ganap na 8:30 ng gabi sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN