Stephany Stefanowitz wins Miss Earth Philippines 2012

IMAGE 0


(From left) Miss Philippines Eco-Tourism 2012 Candice Ramos of Vigan City; Miss Philippines Water 2012 Samantha Purvor of San Juan City; Miss Philippines Earth 2012 Stephany Dianne Stefanowitz of Quezon City; Miss Philippines Air 2012 Glennifer Perido of Tabuk City; and Miss Philippines Fire 2012 Thoreen Halvorsen of Puerto Princesa City.


Kagabi, May 27, ay ginanap ang coronation ng Miss Earth Philippines 2012 sa The Centerstage ng SM Mall of Asia.

Ang naturang pageant ay ginanap upang pumili ng representive ng Pilipinas sa Miss Earth na gaganapin sa Indonesia sa Oktubre.

Forty-seven candidates ang nag-represent ng iba’t ibang siyudad, municipalities, provinces, at maging Filipino communities abroad.

Itinanghal bilang Miss Earth Philippines ang Miss Quezon City na si Stephany Dianne Stefanowitz.

Ang iba pang mga nanalo ay sina: Miss San Juan City Samantha Purvor, Miss Philippines Earth-Water; Miss Tabuk City Glennifer Perido, Miss Philippines-Earth Air; Miss Puerto Princesa Thoreen Halvorsen, Miss Philippines-Earth Fire; at Miss Vigan Mary Candice Ramos, Miss Philippines Earth-Eco Tourism.

Si Stephany ang sumunod sa yapak ni Athena Imperial na nanalo noong 2011.

Ang half-German, half-Filipina candidate ay naging emosyunal nang tawagin ang kanyang pangalan bilang Miss Earth Philippines 2012 winner.

Pasok sa Top 10 ang former Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Princess Manzon na siyang representative ng San Francisco-Cebu.

Ang ibang semi-finalists ay sina Miss Negros Oriental Glenna Christina Duch, Miss Fil-Belgium Roxanne Corluy, Miss Muntinlupa City Kathleen Subijano, at Miss Indang Cavite Jaydielou Dilidili.

Ang mga nanalo ng special awards ay ang sumusunod:

Best in Swimsuit - Samantha Purvor of San Juan City; Best in Cultural Attire - Zandra Flores of Manaoag; Miss Photogenic - Cristelt Gerona of Pagadian City; Best in Long Gown - Stephany Stefanowitz of Quezon City; Miss Congeniality - Jennifer Japor of Lucena City; at Miss Talent - Aufelyn Zabala of Marilao, Bulacan.

Ang nag-host ng pageant ay ang magkaibigang sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez; kasama ang dating Miss Earth titleholder turned ABS-CBN showbiz anchor na si Ginger Conejero.

Ilan sa judges ay ang Fil-British actress Rachel Grant na lumabas sa James Bond movie na Die Another Day, ang ABS-CBN actress na si Empress Schuck, Councilor Shalani Soledad-Romulo, at Senator Koko Pimentel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Special performers naman ang Boys Are Boys na binubuo nina Bryan Termulo, Markki Stroem, Alex Castro, at JM de Guzman.

Hinarana nila ang 47 candidates habang ginaganap ang evening gown competition.

Agaw-eksena naman ang dating Miss Earth finalist turned actress-TV host na si Daiana Menezes na nakikitili mula sa audience area para suportahan ang ilang kaibigan kandidatang sumali sa beauty pageant.

NEW MISS EARTH PHILIPPINES. Sa question-and-answer portion, si Rachel Grant ang nagtanong kay Stephany.

Ang tanong niya ay ito: "If you were a superhero, what power would you choose to have, and how would you use it to save the earth?"

Sagot ng representative ng Quezon City: “Definitely, I would be a superhero with the power to clean up the whole environment. My advocacy is the conservation and preservation of our environment, not only for ourselves but, of course, for the future generations as well. And as a citizen, it is essential for us to realize how today's decisions affect tomorrow's generation."

Pagkatapos ng pageant ay nagkaroon din ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na matanong si Stephany tungkol sa kanyang pagkapanalo.

Naiyak daw siya nang husto nang koronahan siya.

Paliwanag niya, “Because I really work hard for this and I’m very happy I was able to make it.

"I really did my best to this one, trained hard, worked hard, and prayed hard.

"If you worked hard for something, I know I can make it.

"At eto na nga po, I will represent our country for Miss Earth 2012.”

Sa palagay niya kaya ay masusungkit niya ang korona sa Miss Earth 2012?

“Hopefully, that is my dream and I will work hard for it.”

Maraming nagsasabi na marami siyang kamukhang artist; 'tulad nina Sunshine Cruz, Kristine Hermosa, at Jinkee Pacquiao. Malaking advantage ba ito kaya siya ang nanalo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, that’s also a possibility, but I really did my best that I can do it.”

Advantage din ba ang pagiging mestiza niya?

“In this Miss Earth pageant po, favorable ang mga mestiza like our previous winners na Karla Henry and Sandra Seifert, so I take it also as my advantage na lang.

"I will do my best to get the title," sabi ni Stephany.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN