Rocco Nacino wears G-string in new film and creates buzz: “Sana po, mas maging excited sila sa film at hindi sa bahag!"

IMAGE 0


Rocco Nacino (in photo) shares the reaction of Sheena Halili, his rumored girlfriend, when she saw pictures of the actor wearing a G-string for the movie, Biag ni Lam-Ang: “Sabi niya… patingin nga. Tapos no’ng ipinakita ko… hala!"


Medyo umitim ng konti si Rocco Nacino. Ito’y dahil sa pagkabilad niya sa araw sa pagpapatuloy ng shooting niya ng Lam-Ang na sa Ilocos Sur pa kinukunan.

Kumusta naman ang shooting?

“Masaya po. Kasi I got to watch the playbacks ng mga eksena namin,” aniya nang muling makakuwentuhan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bakuran ng GMA Network Center kamakailan.

“Napakaganda. I can’t wait to go back sa Ilocos para sa pagpapatuloy ng shooting namin.

“First week of June kami magri-resume. Sa uplands na ‘yong mga eksenang kukunan namin.

“We shot the scene na nagpunta si Lam-Ang sa Vigan [Ilocos Sur].

"Ang sunod namang kukunan ay si Lam-Ang habang nasa village niya sa Tagudin [Ilocos Sur].

“So, iyon ang uplands. Kailangan naming mag-hike papunta roon. So, mahirap-hirap ang mga eksena.

"'Tapos naka-bahag pa ako!” bahagyang natawang sabi pa ni Rocco.



ADOBO ANTS. May balitang isinugod siya sa ospital habang nasa kalagitnaan sila ng shooting. Nag-lock diumano ang kanyang jaw?

"Hindi naman po totoo na na-lock jaw ako.

"Namaga ‘yong face ko. So medyo natakot din ako.

"Pero naagapan ng gamot kaya buti na lang.”

Totoo bang dahil iyon sa sobrang pagkain niya ng mga exotic food sa Ilocos?

“Isa lang naman ang kinain ko. I just tried Ilocos mountain ants na inadobo 'tapos may garlic.

"Masarap naman. I enjoyed the food kasama ko ‘yong director namin [Ana Agabin] at buong production staff.

“Siguro sila, sanay ang katawan nila sa gano’ng pagkain. Ako, hindi.

"So siguro, that was the Ilocos way of saying hello! Parang pag-welcome sa akin!” tawa ulit niya.

Sa nakaraang shooting din niya for Lam-Ang, aksidenteng natapilok sa isang eksena si Rocco. 'Tapos ay muli raw siyang natapilok nang makipaglaro ng basketball nang mag-pack up na sila. Kaya kapansin-pansin na medyo hirap siyang maglakad.

“Hindi ko nga ipinaalam sa director namin na nakikipaglaro ako ng basketball. Medyo nagka-injury ako do’n sa dalawang beses na pagkatapilok ko.

“Pero hindi naman ito nakasagabal sa trabaho. Nag-shooting kami kahit namamaga ang kaliwang paa ko.

"Hindi ko po ipinahahalata. Kayang-kaya, malayo naman sa bituka!” tawa na naman niya.



SEX SYMBOL? Ano ang pakiramdam niya na maingay ngang napag-uusapan ang tungkol sa pagsusuot niya ng bahag? Na maganda raw ang kanyang katawan at puwedeng-puwedeng maging male sex symbol ng bansa?

“Sana po, mas maging excited sila sa film at hindi sa bahag!" tawa ni Rocco.

“Pero siyempre, kahit iyon ang parang inaabangan nila, okey na rin sa akin. Wala namang problema sa akin iyon.

“E, di ano… bigyan natin ng magandang exposure ‘yong bahag kung gano’n! Ha-ha-ha! Kung iyon ang inaabangan nila.

"Pero magaganda ‘yong eksena. ‘Yong mga linya namin.

"So, sana hindi lang ‘yong bahag ang mapansin do’n.

"Sana ‘yong acting din namin ng mga kaeksena ko. At saka ‘yong mga fight scenes namin.”

Ano naman ang reaksiyon ng rumored girlfriend niyang si Sheena Halili nang makita ang mga lumabas na photos na nakabahag siya?

“Okey lang.

“Sabi niya, 'Patingin nga.' Tapos no’ng ipinakita ko, 'Hala!'

"Actually, in-encourage nga niya ako na, 'Kaya mo ‘yan. Ituloy mo lang.'”

Naumpisahan na niya ang pagbi-bare ng kanyang katawan sa pagsusuot ng bahag na costume. May mga nagtatanong tuloy kung kakayanin din ba niya raw na mag-portray ng role ng isang macho dancer.

“Hmmm… hindi biro ‘yon, a!” nangiti si Rocco.

“Hindi birong maging isang macho dancer. I don’t know.

“Siguro kapag may nag-offer sa akin ng role na ‘yon, e, pag-uusapan muna namin kung ano ang mga gagawin.

“Pero siyempre, nalilinya ako sa image na ganito, wholesome pa rin.

"Paminsan-minsan, may sunod sa pa-daring-daring. Pero hindi lagi. At gusto kong i-maintain ‘yong ganito.”



AWARDS. Baguhan pa lang siya pero kaagad-agad ay na-recognize na siya bilang isang mahusay na young actor.

Matapos siyang manalo bilang Best New Movie Actor sa PMPC Star Awards at Breakthrough Performance By An Actor category sa Golden Acreen Awards ng Enpress, siya rin ang nahirang na Most Promising Actor of the Year ng Guillermo Mendoza Scholarship Foundation.

Saad ni Rocco, “Nakakatuwa po... na this early sa aking career ay may ganito na.

"Nakakalungkot na hindi agad ako nakabalik from Ilocos to Manila para tanggapin ‘yong award sa Gulliermo.

“Bonus po ‘yong mga gano’ng award. It’s something to remind me na galingan ko pa ‘yong ginagawa ko.

"Na through my hard work ay nari-recognize.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN