Kris Lawrence reveals singing to his unborn child; ready to give support to Katrina Halili anytime

IMAGE 0


Excited na si Kris Lawrence sa nalalapit na panganganak ng kanyang girlfriend na si Katrina Halili. Kuwento ng singer, kinakantahan niya ang anak nila ni Katrina kahit nasa sinapupunan pa lamang ito. Katuwiran niya, “Para ma-recognize niya yung boses ko paglabas niya. Kung minsan nga, ramdam yung pagsipa-sipa niya.”


Noong September 1, Sabado, ay nagdiwang ang singer na si Kris Lawrence ng kanyang 30th birthday.

Pero nagdesisyon siya na isabay na ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa baby shower para sa magiging anak nila ni Katrina Halili.

Ginawa ito noong Biyernes, August 31, sa bahay ni Katrina sa Quezon City.

Kuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was fun. Ando’n ang ilang friends namin.

"Ang daming gifts. Natuwa kami kasi ang daming gifts para sa baby.

“Lahat ng ibinigay na gifts, pang-newborn baby, except yung… nakatanggap kami ng dalawang car seat.”

Nakausap ng PEP si Kris sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, September 2.

Kabilang daw sa mga kaibigan nilang celebrities na dumalo sa party ay sina Aljur Abrenica, Jay-R, Denise Laurel, Rafael Rosell, Billy Crawford, at Nikki Gil.

Hindi nakarating si Marian Rivera dahil may commitment ito. Pero tiniyak ni Kris na isa raw ang aktres sa magiging ninang ng baby nila ni Katrina.



BIRTH DATE. Sa September 17 ang inaasahang petsa ng panganganak ni Katrina sa St. Luke’s Hospital, na malapit lang sa bahay ng sexy actress.

Ayon sa ultrasound, babae ang isisilang na sanggol ni Katrina.

Kuwento ni Kris, “Ready na yung emergency bag. Kasi she’s due anytime na, we’re just waiting.”

Kumusta na ba si Katrina ngayon?

“She’s good! She’s good.

“Actually, ngayon lang siya napapagod.

"During the whole time of her pregnancy, parang okey lang sa kanya.

“Pero now, parang gusto na niyang ilabas ang baby.”

Tumaba ba nang husto si Katrina?

“Lumaki lang nang husto ang tiyan niya, pero hindi naman siya tumaba," sabi ni Kris.



INSECURITY. Karaniwan sa mga nagbubuntis ay nakakaramdam ng insecurity pagdating sa hitsura nila.

Ganito rin ba sa kaso ni Katrina?

“Wala namang masyadong nabago sa hitsura niya. Maganda pa rin, walang kupas!” sabay tawa ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabihan din na kapag babae ang ipinagbubuntis ay blooming ang hitsura ng ina.

“Blooming nga... yeah!" pagsang-ayon naman ni Kris.

“Actually, ang daming friends na nagsabi noon na blooming siya ngayon.”

Hindi ba nakakaramdam ng takot o nerbiyos si Katrina sa nalalapit nitong panganganak?

Ayon kay Kris, “Siguro nakakaramdam siya ng fear. Pero more on excitement na rin.”

SINGING DAD. Todo raw ang suportang ibinibigay ni Kris para kay Katrina.

“Whatever I can, whatever na support na puwede kong ibigay… basta nasa tabi lang lagi niya ako.”

Madalas din daw kantahan ni Kris ang baby nilang nasa sinapupunan ni Katrina.

“Para ma-recognize niya yung boses ko paglabas niya.

“Kung minsan nga, ramdam yung pagsipa-sipa niya.

"Malikot siya. Para siyang umaalon sa loob ng tiyan ni Katrina.

“Lagi nga naming napag-uusapan how we will take care of the baby paglabas.

“Tapos, back to work—work hard for the baby.”

Si Katrina kaya, mga ilang buwan magpapahinga mula sa trabaho pagkatapos nitong makapanganak?

“I think by December or January, babalik na siyang magtrabaho.

“And… okey lang naman yun sa akin,” pagsisiguro ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN