TJ Trinidad on being a first-time dad: "I'm just so happy and scared. Parang you don’t wanna fail as a father."

IMAGE 0


Hindi mababakante ng trabaho si TJ Trinidad ngayong patapos na ang Makapiling Kang Muli dahil kasama rin siya sa cast ng papalit na programa rito, ang Aso Ni San Roque. "Very happy, very blessed" daw ang pakiramdam ng aktor sa pangyayaring ito sa kanyang career.


Ngayong linggo ay magwawakas na ang primetime series na Makapiling Kang Muli, pero hindi pa rin mawawala sa primetime block ng GMA-7 si TJ Trinidad.

Kasama rin siya sa cast ng papalit na show dito, ang Aso Ni San Roque, na magsisimula na sa September 10.

Hindi naman daw nag-overlap ang taping ni TJ sa dalawang shows.

Sumakto lang na pagkatapos niyang mag-taping ng Makapiling Kang Muli ay nagsimula na rin siya agad ng Aso Ni San Roque.

Ipinagpapasalamat naman ni TJ ang pangyayaring ito sa kanyang career.

Aniya, “Siyempre, I feel blessed.

“Salamat sa mga boss ng GMA because they trust me naman and they give me, not only projects, but really good ones with good characters, good roles.

“So, very happy, very blessed.

“So, nagpapasalamat talaga ako sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si TJ sa presscon ng Aso Ni San Roque kagabi, September 3, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ayon pa sa Kapuso actor, nagkataon lang na magkasunod na magkasunod ang projects niya ngayon. Pero may pagkakataon din naman daw na may pagitan ang mga shows niya.

“Nagpapahinga naman ako, like in MKM, two-and-a-half [months] break before I started.”

Si LJ Reyes ang lumalabas na kapareha ni TJ sa Aso Ni San Roque.

Papuri ng aktor sa co-star, “She’s so mabait. She’s very committed…

“And I think, it’s gonna be a good partnership for the show and, you know, with the whole cast, story, and script pa lang, it’s so exciting. Very fast-paced.”

DADDY TJ. Napangiti naman si TJ nang kumustahin ng PEP ang kanyang pagiging padre de pamilya.

Nagsilang na noong July 26, 2012 ang misis ng aktor na si Marga Valdes via caesarean section.

Five weeks old na ngayon ang baby boy nilang si Alonso Guillermo.

Ayon kay TJ, “The meaning, we checked the meaning of the name and it’s a good name. Mahaba yung meaning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At noong ipinanganak siya, we had a few names that lined up and then, Alonso talaga yung bumagay sa kanya—Alonso Guillermo.”

Hindi pa raw masabi ni TJ kung sino sa kanila ni Marga ang mas kamukha ng anak.

“Hindi ko pa masabi, e, pero tisoy siya,” nakangiti niyang sambit.

Iba raw ang pakiramdam ng tatay na.

“The best! Uwing-uwi na nga ako.

“Pero I can’t... I'm just so happy and scared. Parang you don’t wanna fail as a father."

Hands-on din daw si TJ sa baby niya. Nagpapalit daw siya ng diaper, nag-aalaga, at kinakarga ang anak.

Sabi pa niya, “Siyempre, may takot noon na hawakan, nandoon yun. But it helps you to be more careful.”

Tinanong din namin si TJ kung kailan nila planong pabinyagan ang anak.

“Wala pa, e, we’re still waiting for relatives na nasa States. So, baka matagal-tagal pa.”

Ano ang mababago sa kanya ngayong daddy na siya?

“Marami,” sambit ni TJ.

“I suppose you just have to be more conscious.

“When he grows up, yung actions, makikita niya yun.

“Kahit anong bad habit, makikita niya yun, makukuha niya yun.

“So you have to be more conscious.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN