PEP EXCLUSIVE: Pia Guanio thankful for easy pregnancy

IMAGE 0


Pia Guanio on her sixth month of pregnancy: “Good, everything’s going well. I haven’t really experienced the nightmares that most expectant moms do, so I’m really thankful for that. Nothing, zero complications, so I think I’m definitely getting a thumbs up and full support from the Guy Upstairs for this pregnancy because it’s running really smoothly.”


Bumista ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Studio 6 ng GMA-7 kahapon, May 6, para sa live airing ng Showbiz Central.

Fifth anniversary na kasi ng nasabing showbiz talk show ng Kapuso network kaya nag-imbita sila ng press.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP ang mga hosts ng programa, kasama na si Pia Guanio.

Bukod sa Showbiz Central ay host din si Pia ng Eat Bulaga! at ng "Chika Minute" segment ng 24 Oras.

SIX MONTHS. Agad na kinumusta ng PEP ang pagbubuntis ni Pia sa unang anak nila ng asawang si Steve Mago.

Six months na pala ang dinadala ni Pia.

Excited na nga siyang makita ang kanyang baby, lalo na’t hindi pa nila alam ang kasarian nito.

Wala pa rin daw silang napipiling pangalan para sa kanilang anak.

“Wala pa, kasi, e, we don’t know the gender as of now.

"On my last check-up, we had an ultrasound, but the baby’s not been cooperative.

"Very ano siya, timid or shy,” masayang kuwento ni Pia.

Pero kung papipiliin siya ay nais niya ng anak na lalaki.

“Because my brother has a family of girls already, I’m kind of wishing that it’s a boy.

"But I’ll be okay with whatever God gives me—as long as normal and healthy,” saad niya.


EASY PREGNANCY. Isa sa mga ipinagpapasalamat ni Pia sa kanyang pagbubuntis ay ang pagiging madali nito para sa kanya.

Sa katunayan ay hindi niya nga kinailangang mag-leave sa tatlo niyang shows sa GMA-7.

Aniya, “Good, everything’s going well.

"I haven’t really experienced the nightmares that most expectant moms do, so I’m really thankful for that.

“Nothing, zero complications, so I think I’m definitely getting a thumbs up and full support from the Guy Upstairs for this pregnancy because it’s running really smoothly.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil nga sa hindi siya nakapag-leave ay hindi pa siya nakakapag-shopping ng supplies ng kanyang baby.

“I haven’t had time because right now, my load for work is full.

"I think when I’ve gotten the chance to take a leave, have more time on my hands, I’ll start preparing na the nursery,” sabi ni Pia.

May balak ba siyang mag-leave?

“Don’t know yet, kasi it really all depends on my comfort level.

"If by next month, I’m not very comfortable about it, of course I’m gonna take a leave na.

"Of course, it all depends on how I feel moment to moment.”


SHOWBIZ CENTRAL. Sa Showbiz Central kahapon ay dalawang breaking news ang inabangan ng mga hosts: ang live interview sana sa nanay ni Albie Casiño, at ang alitan ng columnist na si Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Saksi ang PEP sa tila nakaka-stress na mga tagpo backstage.

Tinanong namin si Pia kung nai-stress pa siya sa mga ganitong tagpo sa limang taon niyang itinagal sa Showbiz Central.

Sagot niya, mas nae-excite nga raw siya kesa sa nai-stress.

“Ako, me everytime kasi, news is part of my lifeblood na, e.

"So everytime there is a breaking story, or everytime there is a sudden interview from a hot topic, that always excites me, and it always makes me thankful that I have this job.

“I love the spontaneity of it, and the whole unfolding of something.

"I also love it when you get to see a different angle, or a different perspective of someone you’re interviewing.”

Dagdag pa niya, masaya siyang makasama sa isang showbiz talk show na mayroon nang ibubuga.

“I’m glad because not so many shows last this long. Actually, we didn’t even realize na nag-five years na pala itong show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s just been such a breeze doing this show, so parang the five years, we didn’t feel at all.

"At the same time, we feel really blessed, and we’re really thankful that we lasted this long,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN